PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atom Araullo Sues Badoy, Celiz for P2M

Atom on death threats: "Sinasabi nila, 'Pupugutan kita ng ulo pag nakita kita.'"
by Rachelle Siazon
Published Sep 11, 2023
Atom Araullo files civil damage suit vs Lorraine Badoy-Partosa and Jeffrey Celis
Kapuso broadcaster Atom Araullo on Lorraine Badoy and Jeffrey Celiz spreading defamatory statements against him: "Bagamat ito ay partikular na atake sa akin at sa aking pamilya, tingin ko, ito ay bahagi ng mas malawak na pattern ng panggigipit sa members of the press. Red-tagging is just a specific form of intimidating members of the media, whose reporting does not fit their particular agenda."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Pormal na nagsampa ang GMA Integrated News anchor na si Atom Araullo ng reklamong sibil laban sa SMNI hosts na sina Lorraine Badoy-Partosa at Jeffrey Celiz.

Si Badoy ay dating undersecretary sa Presidential Communications Operations Office noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang SMNI o Sonshine Media Network International ay TV network na pag-aari ng kontrobersiyal na televangelist na si Apollo Quiboloy.

Inihain ni Atom ang kanyang reklamo sa Office of the Clerk of Court sa Quezon City Regional Trial Court, nitong Lunes ng umaga, September 11, 2023.

Pagkatapos nito ay humarap si Atom sa isang mediacon upang idetalye ang "defamatory red-tagging statements" na ibinabato sa kanya nina Badoy at Celis.

Kasama ni Atom ang kanyang team of legal counsels—sina Atty. Antonio La Viña, Atty. Ayn Tolentino, Atty. Rico Domingo, Atty. Artemio Calumpong, at Atty. Cris Yambot—na bahagi ng organisasyong Movement Against Disinformation (MAD).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapanganib ang reg-tagging dahil, kapag tinawag na "red" ang isang tao, ito ay ihinahanay sa outlawed Communist Party of the Philippines (CPP).

"Bagamat ito ay partikular na atake sa akin at sa aking pamilya, tingin ko, ito ay bahagi ng mas malawak na pattern ng panggigipit sa members of the press.

"Red-tagging is just a specific form of intimidating members of the media, whose reporting does not fit their particular agenda," pahayag ng 40-year-old Kapuso broadcaster na si Atom.

Noong una ay gusto raw sana ni Atom na balewalain ang aniya'y walang basehang akusasyon sa kanya nina Badoy at Celiz.

Pero nagdesisyon siyang panahon na para raw itama ang maling panghuhusga sa kanya.

Paliwanag pa ni Atom, "Tingin ko kasi, mali. Ang tingin ko, dapat managot ang mga pasimuno ng ganitong disinformation.

"Ginagamit natin ang lahat ng ating mga kakayahan at paraan para gawin ito. Isang hakbang lamang ang legal battle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero siyempre, patuloy din ang ating pakikipaglaban sa disinformation sa ating sariling paraan—sa pamamagitan ng ating social media, at sa pamamgitan ng ating trabaho bilang mamamahayag.

"Ito ay espesyal na kaso kunsaan meron tayong kakayahan na dalhin yung ganitong klase na malinaw na pagkakalat ng disinformation sa korte para mapanagot sila sa isang legal na paraan."

Idinetalye ni Atty. Tolentino ang aniya'y malisyosong pagbansag kay Atom bilang "komunista."

Pahayag niya, "Meron ding sinabi, pinubly declare that he was part or a member of the Communist Party or at least an enabler.

"Inakusahan si Atom din na binibiktma niya ang mga Pilipino at pinoprotektahan niya ang mga komunista.

"Sinabi rin na ginagamit niya ang kanyang trabaho bilang journalist to destroy and attack others.

"Gumagawa rin daw siya ng mga dokumentaryo na faithful to the likes of CCP-NPA-NDF."

Ang CCP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front ay tumutukoy sa outlawed communist groups sa bansa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi pa ni Atty. Tolentino, "Maraming beses din tinawag siya [Atom] na spawn of an active CCP central committee leader.

"Yung mga bagay na yun, yung mga statements na ganun, hindi mo sasabihin broadcasted on air.

"Lalo na ngayon, meron tayong anti-terrorism act, it could place his life, liberty, and security at risk."

Sinegundahan ito ni Atty. La Viña, na nagsabing may ebidensiya ang kanilang kampo sa mga kasinungalingang ipinakalat nina Badoy at Celiz sa programa nila sa SMNI, ang Laban Kasama Ang Bayan.

Partikular daw rito ang mga umereng episodes noong August 10, 2022; August 25, 2022; at November 1, 2022.

"Lahat yung mga complaint documented through mga downloads, Facebook, yung mga sa SMNI...

"We have feeds already. Na-memorialize namin. Kasi evidence yun later on kung di nila in-admit.

"But I think they will admit it kasi, even yesterday, when we sent out feelers, basically, si Mr. Celiz nag-comment sa isa dun, and basically admitted everything na ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Importante pa rin yung to show the evidence of what they did... Parang they believe actually na tama yung ginagawa nila."

Sabi ni Atom tungkol sa mga aniya'y mapanirang pahayag na ipinupukol sa kanya nina Badoy at Celiz:

"Ayoko naman i-gatekeep kung ano ang journalism.

"Pero kung ito ang indikasyon ng aking pananaw sa kanilang programming, partikular sa programming ni Lorraine at Jeffrey, tingin ko may malinaw na lapses sa kanilang code of conduct, sa kanilang media ethics.

"Kailangan nila panagutan."

Ang reklamong sibil na inihain ni Atom ay may kinalaman sa paglabag sa Articles 19, 20, 21, 26, at 33 sa Civil Code.

Ipinaliwanag ng legal team ni Atom na ang mga batas na nabanggit ay naglalayong proteksiyunan ang "personal rights, human relations, and dignity" ng isang indibidwal.

Dahil sa diumano'y mga mapanirang pahayag nina Celiz at Badoy, nakaranas daw si Atom ng "serious damage" at "injury" sa kanyang "reputation, peace of mind, and personal relations."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Atom Araullo

Read: Atom Araullo documentary, Julie Anne San Jose musical receive World Medals in New York Festivals 2022

ON ATOM ARAULLO SEEKING PHP2.07M DAMAGES

Ipinaliwanag din ng mga abogado ni Atom kung bakit PHP2.07M ang danyos na hinihingi ng kanilang kampo mula kina Badoy at Celiz.

Sabi ni Atty. La Viña: "Si Atom and his reputation and his peace of mind is worth more than PHP50M, baka more than a hundred million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But the court will consider that unreasonable from a legal point..."

Iginiit naman ni Atty. Rico na maliit pa raw ang PHP2.07M na danyos.

"Hindi naman sa pera yan, sa prinsipyo that underpins the complaint.

"Ang ipinapakita natin dito, meron dapat managot sa ginagawa nilang kasinungalingan.

"At kung mananagot yan, ang damages ay unquantifiable."

Sinabi rin ni Atom na kung sakaling manalo siya sa legal battle at makuha ang danyos na kanyang hinihingi ay ido-donate niya ito sa adbokasiyang ipinaglalaban ang "freedom and truth tellers."

Noong July 20, naunang naghain ng hiwalay na reklamong PHP2M-damage suit laban kina Badoy at Celiz ang ina ni Atom na si Carol Araullo.

Si Carol ay chairperson ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), na ayon sa Facebook bio ng organisasyon ay isang "multisectoral formation struggling for national and social liberation against imperialism."

Read: Atom Araullo calls out netizen spreading "deadly" lies about his mom

ON ATOM araullo RECEIVING DEATH THREATS

Inihayag din ni Atom na nakakatanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay dahil sa maling impormasyong ipinapakalat tungkol sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami namang threats sa social media to the point na medyo masasanay ka na nga," saad ni Atom.

"Sinasabi nila, 'Pupugutan kita ng ulo pag nakita kita,' 'isang araw mabubura ka rin sa mundo.'

"I guess, para sa ating mga journalists, dahil minsan lagi mo siya natatanggap, pinagwawalang-bahala mo na lang.

"Pero hindi naman puwedeng ganun, dahil di natin alam kung ano iniisip ng mga tao."

Sinisiguro raw ni Atom na lubos siyang nag-iingat, lalo na't bahagi ng kanyang trabaho bilang mamamahayag ang magpunta ng liblib at mapanganib na mga lugar.

WHY ATOM DID NOT FILE A CRIMINAL COMPLAINT

Nagpaliwanag din si Atom kung bakit hindi criminal complaint tulad ng libel ang isinampa niya laban kina Badoy at Celiz.

"Personally, I draw the line at filing a civil case rather than a criminal case dahil nakita ko in many cases in the past, kahit na yung mga legitimate journalists, kinakasuhan ng libel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayoko naman maging halimbawa na ginagamit din yung libel... Tinutulan ko as an individual the criminalization of libel.

"But yeah, I mean, yun naman minsan ang problema sa batas. Kahit maganda yung adhikain, maganda yung nakasulat sa papel, iba yung practice kung paano siya ginagamit.

"Hangga't di naaamyendahan iyon, hindi nagkakaroon ng mga safeguards para sa legitimate journalists, mas pinipili ko na magsampa lamang ng kasong sibil."

Nang tanungin kung ano ang direktang mensahe niya para kina Badoy at Celis, sabi lang ni Atom: "None in particular. This is my message, this case.

"I think they will receive it, and they have a chance to answer."

Read: VIRAL: Vicky Morales, Pia Arcangel, Atom Araullo's "na-suspend" report on 24 Oras

ON IMPACT OF RED-TAGGING ON JOURNALISM

Sa puntong ito, idiniin ng mga abogado ni Atom ang kahalagahan na labanan ang disinformation, partikular na sa isyu ng red-tagging.

"Kumbaga sa target shooting, markado ka na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And antecedent facts will show na yung minarkahan na yun, either tini-threaten o talagang pinapapatay.

"Wag na tayong lumayo, maraming napatay na journalists," saad ni Atty. Domingo.

Patuloy niya, "Ang pinaka-impact nito sa mga journalists, itong red-taggers dine-destroy nila ang tunay na function ng journalists.

"Binibigyan nila ng political color ang sinasabi nila sa media.

"Red-tagging actually stifles dissent and impinges on the freedom of the press and expression.

"At ito ay may chilling effect sa journalists. Ang mga mamamahayag ay natatakot na ngayon na biglang maging subject kayo ng extrajudicial, and threats and violence sa inyong liberty and physical being."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso broadcaster Atom Araullo on Lorraine Badoy and Jeffrey Celiz spreading defamatory statements against him: "Bagamat ito ay partikular na atake sa akin at sa aking pamilya, tingin ko, ito ay bahagi ng mas malawak na pattern ng panggigipit sa members of the press. Red-tagging is just a specific form of intimidating members of the media, whose reporting does not fit their particular agenda."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results