Huling nagkita sina Angelique Lazo at Mario Dumaual sa Eastwood City Walk of Fame, Quezon City, noong Enero 18, 2023.
“Kasi binigyan siya ng star sa Walk of Fame,” lahad ni Angelique sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Setyembre 8, 2023, Biyernes, sa PTV Studio A, Visayas Avenue, Quezon City.
“Ako yung sinabi niya… kung puwede, ako raw ang mag-i-introduce sa kanya. Kasi, bawat isa sa kanila na honoree, kailangang may mag-introduce.
“E, nung time na yun, sabi ko, ‘Ahhh sandali lang, hindi ako sure. Kasi sa gabi, may mga event ako.’
“And then yung text niya sa akin is, ‘Please lang, lambing ko sa yo.’ Parang ganun. ‘Ano na ang sagot mo sa lambing ko?’
“E, my gosh! Gamitan ka ng salitang ‘lambing’! So, parang… sige na nga! Go na. Go na ako!
“So kinansel ko yung dapat kong gawin, tapos nagkita kami. And it was, like, parang walang pinagkaiba, yung like before.
“The same Mario, very gentle, very warm, yung ganun.”
Si Angelique ang tagapagbalita sa "Star News" segment ng TV Patrol noong 1987-1993 sa ABS-CBN, at nagkatrabaho sila ni Mario.
Read: ABS-CBN News reporter Mario Dumaual, malaki ang pasasalamat sa Kapamilya network
FORMER 'TV PATROL' COLLEAGUES
Nang na-heart attack si Mario ay nag-text daw si Angelique, “Mario, fight ka lang!”
Nasa Texas, USA, si Angelique nang mabalitaan niyang pumanaw na si Mario noong Hulyo 5, 2023.
Read: Veteran ABS-CBN entertainment reporter Mario Dumaual dies at 64
“Para akong zombie. Siyempre, di ba, namamasyal ka, dapat ang saya-saya, ‘no. Tapos iba yung mga nakikita mo, pagkain,” salaysay ni Angelique.
“Pero parang ano lang… yun na nga, walking dead. Kasi nga yung heart ko, yung mind ko was with the family.”
Wala pang sariling bituin si Angelique sa Eastwood City Walk of Fame.
“Actually kasi, nawala ako, e, sa eksena,” pakli ni Angelique.
Kung tutuusin, mas matagal na si Angelique sa industriya, pero naunahan pa siya ni Mario na magkaroon ng bituin sa Walk of Fame.
Reaksiyon ni Angelique, “Well, alam mo, inisip ko yun nun. Pero sabi ko, si Mario was so deserving.
“Alam mo, it’s really funny lang… hindi naman funny, pero a little trivia lang, ‘no?
“Nung buhay pa si Kuya Germs, iniinterbyu namin siya about that. Tapos nung time na yun, talagang parang pangarap pa lang yun, ‘Gusto ko, may ganito, ganyan-ganyan.’
“So kami, lagi naming pina-follow up yun. Talagang wala pa, as in zero pa ang kaganapan.
“And then finally, nangyari nga. So then, siyempre haping-happy kami. And then eto, for Mario to get that star, it’s like I’m part of that star.
“Actually, Mario said so himself. Sabi niya, ‘You are as much a recipient of this star. This is also your star,’ sabi niya.”
Read: Mario Dumaual’s colleagues pay tribute to veteran entertainment reporter
Noong Enero 8, 2016 pumanaw ang Master Showman na si German Moreno aka Kuya Germs, na pasimuno sa Walk of Fame sa Eastwood City.
Wala naman siyang sama ng loob kay Kuya Germs dahil up to now ay hindi pa siya napagkakalooban ng star doon?
“Oo naman. Walang-wala, oo!” sagot ni Angelique.
WILLIE REVILLAME'S RETURN
Ano ang masasabi ni Angelique sa bali-balitang magbabalik-TV si Willie Revillame sa PTV-4 at IBC 13 via Wowowin?
Read: 'Wowowin' ni Willie Revillame, malapit nang mapanood sa PTV-4 at IBC 13
“Actually, pumunta siya dito, naka-set up na kami, magnyu-news na kami, bigla siyang dumating,” kuwento ni Angelique.
“And then siyempre, nagkagulatan, ano? So, nag-picture-picture kami and then, yun na nga, dun na nga lumabas, ini-explore pa niya nung time na yun, yung option.
“So siyempre, it’s always nice to see familiar faces. It’s nice to work with people that you’ve worked with before.
“Although sa ABS-CBN noon, hindi naman kami magkatrabaho. Pero the fact na nagkikita kayo, saka sa golf course.
“Kasi dati, ang hilig-hilig niyang mag-golf. Mahilig din ako nun. E, nagmukhang kulay-puno na ako. Ha! Ha! Ha! Sa babad sa araw, yon.”
MEANING OF "ANGELIQUE" IN GAY LINGO
Alam ba ni Angelique ang ibig sabihin ng kanyang pangalan?
Napakunot-noo si Angelique, “Ang pangalan ko? Anghel ba? Hindi ko alam. Ano ba?”
Sa gay lingo, hindi niya alam ang ibig sabihin ng kanyang iconic name?
“Ano nga ba?”
Naghihilik.
Pag sinabing ang lakas mag-Angelique Lazo, ibig sabihin, malakas humilik.
“Ay, shucks! Talaga?!”
Sanib-puwersa sina Angelique, Audrey Gorriceta, at Naomi Tiburcio sa newscast na Sentro Balita na matutunghayan Lunes hanggang Biyernes ng 1:00 p.m. sa PTV-4.
