PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lyca Gairanod admits being "selosa" to boyfriend Kyle Walle

Lyca Gairanod sees a future with boyfriend Kyle Walle.
by Glenn Regondola
Published Sep 8, 2023
lyca gairanod kyle walle
Does Lyca Gairanod see he relationship with boyfriend Kyle Walle to last forever?: "For now, oo naman! Pag nagmahal ka, hindi basta lamang na mahal mo na. Dapat nakikita mo na siya ang future [mo]."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Para sa singer na si Lyca Gairanod, wala na siyang mahihiling sa puntong ito ng kanyang buhay dahil sa sunud-sunod pa rin niyang trabaho, maayos na pamumuhay, at masayang buhay pag-ibig.

Ang 18-anyos na si Kyle Walle ang first boyfriend ni Lyca.

Read: Lyca Gairanod, isinapubliko na ang pagkakaroon ng boyfriend

Pahayag ng first grand winner ng The Voice Kids Philippines, "Okey po ngayon. Happy naman po ako.

"Sa ngayon, ang career ko ngayon ay nag-super glow.

"Kasi noon, dati puro aral. Pero sa ngayon, nagkakaroon ako ng upcoming movies, series.

"Kaya super happy ako ngayon na marami akong nakukuhang mga project... blessings.

"Super happy ako now."

Patuloy ni Lyca, "Yung strength ko ngayon nanggaling sa family ko, kay God, yung mga mahal ko sa buhay.

"Inisip ko dati na try ko munang mag-focus sa pag-aral, kasi na-miss ko ring mag-aral.

"Nung nag-The Voice kasi ako, nag-stop ako mag-aral, dahil first time ko ring makatungtong sa industry na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Now, sa pagtungtong ko sa edad na ito, mas naano ko na mas kaya ko naman siyang ipagsabay.

"Naging malakas naman ako, at kakayanin ko hangga't kaya ko pa."

Read: Lyca Gairanod, isinasakripisyo ang sariling kagustuhan dahil sa pagmamahal sa pamilya?

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lyca sa San Jose del Monte, Bulacan, noong Miyerkules, September 6, 2023.

Kasama siya ni Diego Loyzaga na naimbitahan upang mag-entertain ng mga San Joseño na naging bahagi ng Unity Walk, Home of United Council ng "8th Tanglawan Festival," na pinamunuan nina Mayor Arthur at Congresswoman Rida Robes.

LYCA'S BOYFRIEND

Malaking factor din daw sa kanyang tapang, lakas, at pagpupursige ngayon ay dahil sa kanyang boyfriend na si Kyle, na kasama niya sa event.

View this post on Instagram

A post shared by LYCA (@lycagairanod.1)

Ayon sa 18-year-old singer, "Opo, super-super thankful ako kasi sinusuportahan niya ako sa lahat ng bagay.

"Lahat po ng efforts [ko] ay di po nasasayang, kahit first time ko din pong magka-boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At least, napunta ako sa taong sumusuporta sa akin, at nagmamahal sa akin."

Read: Lyca Gairanod on how she met her first boyfriend: “Nakita ko po siya sa TikTok.”

Isang taon at limang buwan na ang relasyon nina Lyca at Kyle, kaya marami ang gustong malaman kung ano ang sikreto nila sa tila pangmatagalang pagsasama.

Nangingiting sagot ni Lyca, "Sa akin kasi, first time.

"Nagulat ako kasi, di ba, pag first boyfriend mo, naiisip mo na, 'Tatagal ba ito?' Pero sa tingin mo ay di kayo magtatagal.

"Pero ngayon, dahil umabot kami na more than a year, so yun nga.

"Okey naman siya sa family ko, at mahal din naman niya ang family ko.

"At tumatagal kami, kasi ang sentro naman ay si God. At saka siguro yung tiwala.

"May time din kasi na parang di niyo na alam kung ano ang gagawin niyo.

"Pag-usapan niyo nang mabuti. Pag-usapan niyo sa pamamagitan ng kalma lang kayo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"At kung may roblema man kayo, mas maganda siguro kung iku-confess niyo lahat.

"At siyempre, nandun pa rin talaga yung trust and love."

SELOSAN

Ngunit sa kabila ng kanilang maayos na relasyon, hindi pa rin maiwasan ang mga selosan sa kanila.

Natatawang pag-amin ni Lyca, "Ako, selosa ako. Ha ha ha!

"Alam niya yan, pero nasa tama naman.

"Pagdating naman sa trabaho, wala namang dapat [pagselosan]. Alam naman namin ang pinagkaiba ng sa trabaho at personal.

"Normal naman na magka-crush sila. It's normal. Kaya sa akin, it's okay lang."

Hindi siya pinakikialaman ni Kyle sa mga desisyon niya sa buhay?

Saad ni Lyca, "Pag may mga mali akong desisyon, dun siya mag-aano.

"Pero kapag sa tingin niya na tama yun para sa akin, sumusuporta siya."

Sa tingin ba niya ay forever na ang relasyon nila ni Kyle?

Agad na tugon ni Lyca,"For now, oo naman!

"Pag nagmahal ka, hindi basta lamang na mahal mo na. Dapat nakikita mo na siya ang future [mo]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang haba nga raw ng buhok ni Lyca kaya marami ang naiinggit sa kanya.

Natatawang reaksiyon ng singer, "Naku, wala naman po. Lahat naman po ng tao ay makakarating sa point na ganyan.

"Hindi sila dapat na, 'Oy, nakakainggit naman.' Darating din po yung time o panahon yung para sa inyo."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Does Lyca Gairanod see he relationship with boyfriend Kyle Walle to last forever?: "For now, oo naman! Pag nagmahal ka, hindi basta lamang na mahal mo na. Dapat nakikita mo na siya ang future [mo]."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results