Tila nasa cloud nine pa rin si Kathleen Hermosa dalawang buwan matapos ang pagpapakasal niya sa asawang si Miko Santos.
Ikinasal sina Kathleen at Miko sa isang pribadong garden wedding sa Montebello Villa Hotel sa Cebu noong June 8, 2023.
Read: IN PHOTOS: Kathleen Hermosa now married to banker Miko Santos
Sa Instagram kahapon, September 5, 2023, nagbahagi muli si Kathleen ng ilang kuhang larawan mula sa kanyang kasal.
Kasama na rito ang picture nila ng nakababatang kapatid na si Kristine Hermosa.
Sabi ni Kathleen sa caption, “And so, up until now, a lot of you are asking what shoes we wore on my wedding day—-its SHOEPATOS by Doreen Odvina guys.
By the way, wore your shoes all night. The cushion was sooo comfy.
“Simplicity and elegance in one. Thank you to the founder and owner—-Doreen Odvina @doreenodvina_m for being so kind in working with us. Many thank youS again Doreen.”
View this post on Instagram
Puro heart emojis naman ang karamihan ng comments ng netizens.

Pero may isang naligaw na pinulaan si Kristine dahil tila nanapaw raw ito sa kasal ng kapatid.
Ayon sa netizen, dapat ay sinimplehan na lamang niya ang suot dahil araw naman iyon ng kanyang ate na si Kathleen.
Buong komento ng netizen, “Hindi man lang sinimplehan ni Kristine tinalbugan ang Ate. gusto lagi mas maganda siya sa lahat. be simple and be humble your Christian na inday.”

Sinita naman ng ilang netizens ang nasabing basher.
Komento ng isa, “khit simplehan nia maganda tlga cia. Kht p basahan suotin nia tatalbugan nia p rin ang lhat, ska anong connection nang religion nia s pag aayos nia? Yng utak mong tabingi ayusin m. May maicomment lng eh”

Dagdag naman ng isa, “Ano problema mo?Kahit simplehan nya maganda talaga sya.Hindi nya kahit kelan ginusto na maging maganda sa lahat,nagkataon lang na maganda sya sa lahat.Ikaw naman gandahan mo yang ugali at pag iisip mo.Kung wala kang masabing maganda sa kapwa,manahimik ka."

Sabi naman ng isa pa, “what? Sa comment mong yan Ikaw ang me problema not Kristine. Kahit anong gawin ni Kristine maganda talaga sya kahit pa mag daster lang yan.. at wlang isyu sa kanilang magkakapatid yan. Ima”

Napansin ito ni Kathleen kaya sinagot niya ito.
Ayon sa kanya, sa mga magkakapatid ay hindi uso ang talbugan. Ang nais lamang daw niya sa kanyang kasal ay maging kumportable ang lahat.
Buong komento ni Kathleen, “Let me reply to this. This may help you beautiful women to grasp the whole concept of beauty.
"In sisterhood, walang talbugan, we lift each other up. In my wedding, I explicitly made sure everyone was at their best.
"Especially my Matron of Honor and all bridesmaids and groomsmen too! Ninongs and Ninangs too. And my flower girls and the little boys!! Everyone!!
“Lets practice seeing the beautiful things rather than the ugly thoughts shall we?:) Christians are cleansing the heart because what we store in our hearts—it soon radiates and bless others. Great day sweethearts!”

Dagdag pa niya, “oh and the groom who doesnt need double checking. He is always handsome.”

