Muling ipinagsigawan ni Claudine Barretto sa social media ang pagmamahal niya sa kanyang Ate Gretchen Barretto at walang lamat ang kanilang relasyon.
Marami ang nag-aakalang not on speaking terms ang dalawa dahil matagal na silang hindi nasisilayan ng publiko na magkasama.
Read: Netizens speculate Claudine Barretto not on speaking terms again with sister Gretchen Barretto
Sa Instagram kahapon, September 5, 2023, ibinahagi ni Claudine ang bagong iPad na regalo sa kanya ng kapatid.
May sakit daw kasi siya at nais niyang i-spoil ni Gretchen.
Sabi ni Claudine sa una niyang post (published as is), “Shout out to my Ate Gretchen. Yay ive a new ipad. she gave me the Best ipad with the Pen & keyboard.
"Im sick & Sad today & she just wanted to SPOIL ME AS ALWAYS.thank u my Ate.i luv u su mats”
View this post on Instagram
At hindi pa rito nakuntento si Claudine. Nag-post ulit siya ng kaparehong larawan ng regalong gadget ni Gretchen.
Sa caption, sinabi ni Claudine na hind siya maaalagaan ng kapatid dahil “nakakahawa” ang kanyang sakit kaya sinorpresa na lamang siya nito ng bagong gadget.
Hindi raw sanay si Claudine na nireregaluhan dahil mas sanay siyang siya ang nagreregalo.
Ngunit noong nalaman daw ni Gretchen na kailangan niya ng mga updated na gamit, binilhan daw siya kaagad nito kahit hindi naman siya nanghingi.
Ani Claudine, “Shout out to my Ate Gretchen for my New Ipad & keyboard and Pen.im soo spoiled.
"she cant take care or visit me coz im nakakahawa so she surprised me with these instead. im not used to be the person given gifts its always me giving gifts. except my Ate Gretchen.
"when she finds out i need something or my cellphone or ipad is not updated she will always gift me without me saying.
"thank u so much to my Ate.youre the sweetest.pls pray for my speedy recovery.”
View this post on Instagram
RELATIONSHIP WITH SISTERS GRETCHEN, MARJORIE
Sa Fast Talk With Boy Abunda na umere noong May 5, 2023, sinabi ni Claudine na isa si Gretchen sa nakapuna sa kanyang pagiging sexy muli.
Resulta raw ito ng intermittent fasting—isang eating pattern kung saan naka-schedule ang pagkain ng meals at pagpa-fasting.
Kaya nakatanggap siya ng text message mula sa kanyang kapatid na si Gretchen mga unang linggo ng Mayo.
Nakasaad dito: “I am proud of you. You’re getting your life back and all…”
Read: Claudine Barretto denies PHP500K monthly allowance from sister Gretchen
Natanong din sa kanya ay ang kasalukuyang relasyon sa mga ate niyang sina Gretchen at Marjorie Barretto.
Pinagpistahan ang hidwaan ng Barretto sisters noong October 2019 nang sumakabilang-buhay ang kanilang ama na si Miguel Barretto.
- Claudine at Marjorie Barretto, nagkasakitan sa burol ng kanilang ama
- Gretchen at Marjorie Barretto, nagkumprontahan sa burol ng kanilang ama?
Sabi ni Claudine tungkol kay Gretchen: “She never left my side. We don’t get to spend time all the time, but the words of wisdom, her being there, kahit thru phone lang, ang dami kong natutunan... Dada [Tonyboy Cojuangco], Atong [Ang],”
Read: Claudine Barretto, kumusta ang relasyon sa mga kapatid na Gretchen at Marjorie?
Ang "Dada" na tinutukoy ni Claudine ay ang longtime partner ni Gretchen na si Tonyboy Cojuangco. Si "Atong" naman ay ang negosyanteng si Atong, na malapit din kay Gretchen.
Read: Claudine Barretto keeps close ties with Gretchen despite improved relationship with Marjorie
Tungkol naman kay Marjorie, sinabi ni Claudine na bagamat nagkikita sila sa family gatherings ay hindi pa rin sila talaga nakakapag-usap.
Aniya pa, “As for Marjorie, we don’t really get to talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, dinners, merienda with family.
“We have a big family. We did small talk. That’s good. That’s good enough."
Read: Claudine Barretto, sinagot ang tanong kung magkabati na sila ng kapatid na si Marjorie
