Hindi pinalampas ni Niña Jose, mayor ng Bayambang, Pangasinan, ang aniya’y pambabastos sa kanya ng ilang kabataan sa kanilang bayan.
Maaanghang ang mga pinakawalang pahayag ng former Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 housemate laban sa mga kabataang kinutya ang kanyang pagkatao.
Bukod sa pinagtatawanan ang kanyang pinag-aralan, tinawag pa siyang “engot” ng mga ito.
Pumatol sa Niña sa pagdating sa comments section.
Ipinost ng actress-turned-politician sa Facebook ang screenshots ng pakikipagsagutan niya sa mga estudyante.
Matutukoy na ang isyu ay hindi pagsuspinde ni Niña ng pasok sa mga eskuwelahan kahit maulan.
Bahagi ng komento ng lalaking estudyante (published as is): “nag grade2 kaba mayor hahaha”
Sagot ni Niña, kumuha siya ng Master’s degree. Sinabihan din niya ang estudyante ng “you lack respect, boy!”
Sa isa pang screenshot, tinawag siya ng isang estudyante na “engot.”
Read: Car with 998-kg bull passenger pulled over by police; bull is a ‘local celeb’ in Nebraska City


Niña claps back at bashers
Kalakip ng screenshots na ito ay mahabang post ni Niña.
Aniya, kailangang turuan ang mga kabataan ngayon ng good manners and right conduct (GMRC).
Marami raw sa mga ito ang “walang modo at respeto.
“Masyado kayo feeling entitled! learn how to RESPECT people, boy!” patutsada ng alkalde.
Isa lang daw siya sa public officials na binabastos.
“And I REFUSE to be treated this way,” giit ni Niña.
Babala ng alkalde, hahanapin niya ang estudyante at kakausapin ang mga magulang nito.
“Let this be a lesson. To anyone else who attacks me and degrades me in this manner, I will post your profile.
“I do not care about cyber bullying cases or whatnot. Do not dare.
“I also do not need to be the ‘bigger person’ ek ek by erasing their names. NO. I’m sick of it.”
Wala raw sinuman ang may karapatang alipustahin ang public officials na tulad niyang nagsisilbi nang tama.
Sabi pa ni Nina, “[W]e are tortured enough! Enough is enough. Dalawa na kayo!
“May isa pa nag o omens I’m a bad example daw blah blah blah because I posted this, well napakahaba ng pinagsasabi mo wala akong pakialam.”
Kung meron man daw ayaw sa kanyang mga post ay umalis sa Facebook page niya.
Read: Taal Lake Sea Snake 5x more venomous than cobra
Niña gives update on students
Nagbigay rin ng update si Niña.
Nakausap na raw niya ang isa sa mga bata at ang guardian nito, at humingi ng tawad sa kanya.
“Let me clarify: I am mad not because I’m a mayor and they talked to me this way, I am mad because most of the kids nowadays do not know the meaning of respect.
“Hindi lang naman ako binabastos eh, marami kami.”
Bagamat nagpadala raw siya ng private message sa mga estudyante ay nagdesisyon siyang i-post ito para turuan ng leksiyon ang mga ito.
“[T]hese kids will not learn the basic human value of humility and accepting their faults if I did not bring this issue publicly.
“Hindi porque public officials Kami pwede na Kami bastusin, or kahit sino pa, any human being, kahit ano ka pa no one has the right to disrespect you.”
Kung palalampasin daw niya ito ay “parang kinukunsinte ko lang din ang ugali Nilang baluktot…”
“Medyo madami nagbabash sakin, sanay nako, but please before you do that, make sure May ambag kayo sa community namin. Lalong Lalo na sa bayamabang.”
