Inalayan ng bulaklak at tinirikan ng kandila ang star na may pangalan ng beteranong broadcaster na si Mike Enriquez sa Walk of Fame sa may Eastwood, Quezon City.
Kasabay nito ang pagsasapubliko sa balitang pagpanaw niya nitong Martes, August 29, 2023, sa edad na 71.
Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71
Sa larawang ibinahagi ng Eastwood City sa Facebook, makikita ang framed portrait ni Mike na nakapatong sa ibabaw ng kanyang "star" sa Walk of Fame.
Napapalibutan ito ng bouquet of flowers at isang kandila.
Read: Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Yasmien Kurdi remember late broadcaster Mike Enriquez
Ayon sa post, pagbibigay-pugay ito sa halos limang dekadang paglilingkod ni Mike sa milyun-milyong Pilipino sa bansa at abroad sa pamamagitan ng broadcasting.
Mababasa sa kanilang post (published as is), "For the decades of hardwork delivering information to millions of filipinos here and abroad, your star will continue to shine as much as your passion, enthusiasm, and honesty.
"Eastwood City and the German Moreno Walk of Fame Foundation join the broadcast industry in remembering Mr. Mike Enriquez."
Read: Mel Tiangco at Vicky Morales, di napigilan ang emosyon sa pagpanaw ni Mike Enriquez
Taong 2005 nang simulan ang Walk of Fame sa Eastwood ng yumaong starmaker na si German "Kuya Germs" Moreno.
Layunin nitong kilalanin ang mga personalidad na nagbigay ng natatanging ambag sa larangan ng pelikula, telebisyon, musika, treatro, at sports.
Ang pagkakabilang ni Mike sa Eastwood City Walk of Fame ay dahil sa natatanging kontribusyon niya sa media, radyo, at telebisyon.
Read: Mike Enriquez's memorable TV moments
Nagsimula ang broadcasting career ni Mike bilang staff announcer sa Manila Broadcasting Company (MBC) noong 1969.
Mula noon ay nasubukan niyang magtrabaho sa iba't ibang posisyon sa radyo—bilang broadcast reporter, news editor, program director, at station manager.
Bukod sa MBC, nagtrabaho rin siya sa Freedom Broadcasting Radio Network at Radio Mindanao Network (RMN), kung saan siya ay naging vice president.
Pagkatapos niyang iwan ang RMN noong 1994 ay lumipat si Mike sa GMA Network upang pamunuan ang radio station nito, ang DZBB.
Read: GMA Network pays tribute to veteran broadcaster Mike Enriquez
Nang sumunod na taon, 1995, nakumbinsi si Mike na maging on-cam anchor para sa coverage ng national elections.
Magmula noon ay naging anchor na siya ng mga news program ng GMA-7 gaya ng Saksi, Front Page, GMA Network News, at 24 Oras.
Siya rin ang naging host ng public-sevice program na Imbestigador, na umere sa GMA-7 na mahigit 20 taon.
Read: '24 Oras' pays tribute to Mike Enriquez's 54-year broadcasting career
READ MORE:
