PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'TV Patrol' anchors mourn passing of '24 Oras' anchor Mike Enriquez

TV5 also expresses condolences to Mike Enriquez's family.
by Bernie V. Franco
Published Aug 29, 2023
TV patrol news anchors noli de castro, bernadette sembrano, and henry omaga diaz on Mike Enriquez
'TV Patrol' anchors (L-R) Noli de Castro, Bernadette Sembrano, and Henry Omaga Diaz saddened about the news of '24 Oras' anchor Mike Enriquez's death.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News) / GMA Network

Ilang saglit matapos kumpirmahin sa 24 Oras ang pagpanaw ng veteran broadcaster na si Mike Enriquez, nagpaabot kaagad ng pakikiramay ang mga anchor ng TV Patrol.

Ang TV Patrol ang ABS-CBN primetime news program na katapat ng 24 Oras ng GMA-7.

Ibinalita rin sa TV Patrol ang pagkamatay ni Mike.

Nang matapos ang huling bahagi ng balita, ipinakita sa camera si Noli de Castro. Pinatay ang background music.

“Nakikiramay po ang TV Patrol at ABS-CBN sa pamilya ni Mike Enriquez,” sambit ni Noli.

noli de castro

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanilang closing spiels, nagbigay ng reaksiyon sina Noli, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga-Diaz sa pagkamatay ng isang kasamahan nila sa industriya ng pagbabalita.

Sabi ni Henry, “Isa na namang malungkot na balita sa isang haligi ng pamamahayag sa ating bansa.”

Ani Bernadette, “Condolence po sa lahat ng mga Kapuso, especially mga Kapuso.”

Inalala naman ni Noli ang matagal na naging pagsasama nila ni Mike kahit mula sila sa magkatunggaling news programs.

Sabi ni Noli, “Nakikiramay po kami sa pamilya, [mga] Kapuso…

“Matagal-tagal din kaming naging magkaibigan ni Mike.

“Lagi kaming nagkakasabay sa mga live [coverages]… mga live, [sa] Quiapo…

“Basta may malalaking live, nagkakasabay kami, nung may prangkisa pa tayo,” pagtukoy niya noong may ABS-CBN franchise pa.

NEWS5 ALSo on MIKE’S DEMISE

Iniulat din sa TV5 news program na Frontline Pilipinas ngayong gabi ang tungkol sa pagkamatay ni Mike.

Si Julius Babao ang nag-ulat.

Binanggit ni Julius na wala pang detalye ukol sa pagkamatay ng batikang mamamahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero bago yan, sumailalim muna sa heart bypass surgery at kidney operation si Mike Enriquez.

“Nakikiramay po ang Frontline Pilipinas at ang buong News5 sa naiwang pamilya ni Ginoong Mike Enriquez."

Julius Babao

Ngayong Martes ng gabi, August 29, 2023, kinumpirma sa 24 Oras ang pagpanaw ng longtime anchor nitong si Mike.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang tribute ang inihandog kung saan binalikan nila ang body of work ni Mike.

Bagamat pinilit nilang maging propesyunal, may ilang pagkakataong naging emosyunal sina Mel Tiangco at Emil Sumangil.

Malungkot ang anchors na sina Vicky Morales, Emil Sumangil, at si Mel Tiangco na sa isang punto ay naging emosyonal pa.

Sina Mel at Vicky ang matagal na nakasama ni Mike sa Kapuso primetime news program.

Read: Mike Enriquez's memorable TV moments

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'TV Patrol' anchors (L-R) Noli de Castro, Bernadette Sembrano, and Henry Omaga Diaz saddened about the news of '24 Oras' anchor Mike Enriquez's death.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News) / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results