Nananawagan ng tulong piyansyal sa pubiko ang controversial drag performer na si Pura Luka Vega para sa nalalapit na paglilitis na kanyang kahaharapin.
Ito'y matapos siyang sampahan ng patung-patong na reklamo at magkakasunod na deklarasyon na siya ay ituring na persona non grata sa iba't ibang siyudad at munisipalidad sa Pilipinas.
Kaugnay ito ng kontrobersiyal niyang "Ama Namin" remix drag performance noong July 10, 2023, kung saan nagsuot siya ng costume na mala-Poong Nazareno sa isang bar.
Marami sa netizens ang nagkomentong "disrespectful, offensive, blasphemous" ang paggamit niya ng Catholic Christian prayer sa kanyang performance.
Read: "Drag art"? Pura Luka Vega draws flak for "offensive" act of "Ama Namin"
Nitong Huwebes, August 24, 2023, sa pamamagitan ng kanyang podcast sa Instagram account na @officiallylukluka, nanawagan ng tulong pinansyal si Luka para sa pagharap niya sa korte sa September.
Ayon sa kanyang post, ang makakalap niyang donasyon ay gagamitin niya para sa mga gastusin habang siya'y nililitis.
Mababasa sa kanyang caption (published as is), "WE’RE GOING TO COURT.
"And we need your help more than ever.
"Your donations will go to Luka’s family and transpo/food for their court dates this September.
"Please add in the notes FOR LUKA when sending your support [pray sign emoji]."
Pura Luka Vega remains unbothered
Sa kabila ng kinahaharap ngayong mga kaso ni Pura ay patuloy pa rin siyang nagtatanghal.
Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 22, muling pinag-usapan sa social media ang drag performance niya nang magtanghal siya sa saliw ng kanta ni Taylor Swift na “Look What You Made Me Do."
Sa video, makikitang may hawak siyang litrato niya habang naka-costume ng Itim na Nazareno sa isang bar sa Makati City.
Isa pang video ang lumutang kuha sa parehong pagtatanghal, at dito ay nagbigay ng pahayag si Pura tungkol sa mga batikos na ipinupukol sa kanya ng publiko.
Aniya: "Ito lang masasabi ko — simplehan lang natin ha — lahat tayo makasalanan. Hindi tayo perpekto.
"Gayunpaman, do unto others as you would have them do unto you. Okay?
"Do not do to others what you do not want others to do unto you. Golden rule lang po yun."
May pasaring din si Pura sa mga probinsiya at munisipalidad na nagdeklara sa kanyang persona non grata.
Saad niya, "Para sa mga ibang lugar na gustong mag-persona non grata diyan, dagdagan niyo pa! Pakialam ko.
"Separation ng church at ng state [dapat]. Yun lang po. Thank you po!”
Read: Pura Luka Vega on several LGUs declaring her persona non grata: "Dagdagan niyo pa!"
PERSONA NON GRATA
As of August 25, 2023, labinglimang (15) LGUs na sa bansa ang nagdeklara kay Pura bilang persona non grata sa kani-kanilang lugar.
Narito ang listahan ng mga lugar na nagdeklara kay Pura bilang persona non grata:
1. General Santos City
2. Floridablanca, Pampanga
3. Laguna
4. Manila
5. Bukidnon
6. Toboso, Negros Occidental
7. Nueva Ecija
8. Cebu City
9. Cagayan de Oro
10. Occidental Mindoro
11. Dinagat Islands
12. Lucena
13. Mandaue
14. Bohol
15. Marikina City
Read: Kim Atienza tells Pura Luka Vega her art is "deeply offensive to majority of Filipinos"
