PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda Awaits Michael V Invite

"Dream ko rin kasi mag Bubble Gang...nag-aantay lang din ako ng imbitasyon."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 24, 2023
Vice Ganda-Michael V
Vice Ganda opens up about possible collaboration with Michael V: "A lot of possibilities. Parang kung siya nag-iisip, ako rin nag-iisip, maraming taong nag-iisip. Kaya nga sabi ko, una, parang siyempre pwede naman kaming magpelikula."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/ Vice Ganda Instagram

Looking forward ang Kapamilya TV host-comedian na si Vice Ganda sa panahong magkasama sila sa isang proyekto ng Kapuso comedian na si Michael V.

Hindi na raw ito imposible lalo na ngayong makailang beses nang nagkrus ang kanilang landas at bukas na bukas na rin sa kolaborasyon ang ABS-CBN at GMA-7.

Nauna nang naghayag si Bitoy, palayaw ni Michael V, ng saloobin tungkol sa kagustuhan niyang makatrabaho si Vice.

Noong August 21, 2023, nag-post sa Instagram si Bitoy ng kuhang selfie nila ni Vice, matapos niyang mag-guest sa It's Showtime kasama si Manilyn Reyes para sa birthday celebration ng matalik nilang kaibigan na si Ogie Alcasid.

Read: Manilyn Reynes, Michael V make surprise appearance on 'It's Showtime' for Ogie Alcasid birthday

Sa caption ni Bitoy, sinabi niyang sa tuwing nagku-krus ang landas nila ni Vice ay isa lamang ang laging pumapasok sa kanyang isipan—ang posibilidad na magkatrabaho sila.

Read: Kapuso comedian Michael V. on crossing paths with Kapamilya comedian Vice Ganda: “Possibilities.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Vice ng reaksiyon tungkol dito nang makapanayam siya sa grand launch ng Shopee's 9.9 Super Shopping Day, Miyerkules ng gabi, August 23.

Ayon sa It's Showtime host, ngayon pa lang ay doble na ang saya at excitement niya sa napipintong pagsasama nila ni Bitoy.

Kahit wala pang pormal na pag-uusap, nag-iisip na raw si Vice nang gagawin nila.

Aniya, "Nag-post si Bitoy ng possibilities hindi lang naman siya, ako rin naman [nae-excite].

"A lot of possibilities [kahit] na wala pang pinag-uusapan. Parang kung siya nag-iisip, ako rin nag-iisip, maraming taong nag-iisip.

"Kaya nga sabi ko, una, parang siyempre puwede naman kaming magpelikula.

"Ang dami kong nakikita sa comments na 'Bitoy and Vice Ganda for a film festival.' E, hindi naman ako sasali sa filmfest this year. So, hindi na siya possible.

"Pero inisip ko rin na puwede next year, Vice and Bitoy. Pero next year pa yon, sabi ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung pagbibigyan bago matapos ang taong 2023, nais daw ni Vice na matupad ang isa niyang hiling — ito ay ang mag-guest sa longest-running comedy gag show ng Kapuso Network na Bubble Gang, kung saan main cast si Bitoy.

Ito'y kahit nauna nang sinabi ng Kapuso comedian sa isang panayam na isang karangalan para sa kanyang maging panauhin si Vice sa kanilang show.

Read: Michael V, excited na mag-guest si Vice Ganda sa Bubble Gang

Saad ni Vice, "Dream ko rin kasi mag-Bubble Gang... nag-aantay lang din ako ng imbitasyon at saka kung anong gagawin.

"Tinatanong ko nga, 'Kailan ba anniversary ng Bubble Gang?' kaso sabi tapos na."

Maaari rin daw silang gumawa ng kanta ni Bitoy kung gugustuhin ng Kapuso star.

"Napakaraming possibilities, puwede kaming gumawa ng kanta together. Ang dami-dami naming puwedeng gawin.

"Tsaka nakakatuwa, kasi matagal-tagal na rin naman ako sa showbiz, sa edad kong to, mayroon pa rin akong mga puwedeng bagong gawin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung mga collaboration, nakaka-excite din, di ba?"

Read: Vice Ganda, Michael V. photo excites fans and showbiz peers

VICE ON GOOD RELATIONSHIP OF ABS-CBN AND GMA-7

Inihayag din ni Vice ang sayang nararamdaman dahil sa wakas ay natuldukan na ang network war sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

Simula nang iere ang kanilang programa na It's Showtime sa GTV, ang subsidiary network na pagmamay-ari ng GMA-7, ramdam na ramdam na raw ni Vice kung paano sila yakapin at tanggapin ng mga Kapuso.

Read: Vice Ganda on 'It’s Showtime' airing on GTV: “Pinakamatinding plot twist ng taon.”

Sabi niya, "First and foremost, alam mo nakakatuwa kasi ang babait ng mga taga-GMA.

"Sobrang ang babait talaga ng mga taga-GMA.

"Simula noong nag-launch kami sa GTV, ang ganda-ganda na ng personal experiences ko dun, pati na rin yung mga kasamahan ko na nakapunta na rin ng GMA.

"Tapos yung GMA Gala, ang babait ng mga taga-GMA. Mula sa staff, artists, yung mga bosses nila ang gaan-gaan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kapuso stars appear on 'It’s Showtime': “Ang saya naman dito!”

Wala rin daw nakikita si Vice na bahid na pagkukunwari sa Kapuso celebrities na nagge-guest sa It's Showtime.

Lahad niya, "Tapos nakakatuwa na sila rin mismo, siyempre excited kami na bibisitahin ng GMA artists, kasi hindi nangyari yon sa mahabang panahon in the past.

"Tapos ngayon, posibleng nangyayari kaya tuwang-tuwa at excited kami na binisita kami. And sila rin nakikita rin namin yung excitement nila.

"Di ba, nakakatuwa, parang ang ganda lang ng relationship.

"Yun ang mahalaga sa akin ngayon—yung ang ganda ng relationship at may nabubuong relationship."

Read: Vice Ganda recalls past doing GMA-7 shows: “Napakalaking achievement sa akin non dati.”

Dagdag pa niya, "May mga relationship na ngayon na ipagsisigawan mong, 'Uy matagal na kaming magkaibigan niyan.'

"Kasi, di ba, dati parang low key-low key lang kahit na kagimikan mo naman yung mga yan. Ngayon, ang saya-saya ang laki-laki ng pamilya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda grateful he was unharmed after multi car accident; appeals for help for delivery truck driver

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda opens up about possible collaboration with Michael V: "A lot of possibilities. Parang kung siya nag-iisip, ako rin nag-iisip, maraming taong nag-iisip. Kaya nga sabi ko, una, parang siyempre pwede naman kaming magpelikula."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon/ Vice Ganda Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results