Itinanggi ng indie actor na si Miko Pasamonte na bumalik siya sa online selling ng “sariling sikap” videos.
Aniya, luma ang kumalat last week na video niya habang pinapaligaya ang sarili.
“Nang kunin ako ni Godfather Joed para sa pelikulang Anak ng Macho Dancer [ANMD], pinatigil na niya ako sa ganung gawain,” sabi ni Miko nitong Agosto 24, 2023, Huwebes ng hapon, via Messenger.
Ang "Godfather Joed" na tinutukoy ni Miko ay ang actor-turned-producer na si Joed Serrano ng Godfather Productions, na nagprodyus ng nasabing pelikula na idinirek ni Joel Lamangan.
Setyembre 9, 2020 nagtagpo sina Miko at Joed sa unang pagkakataon.
First week ng November 2020 nag-umpisa ang shooting ng ANMD na launching movie ni Sean de Guzman.
“Nagpa-sexy ako dati sa vlog pero vidjakol, no. Na kay Lord na ako,” sabi pa ni Miko sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).
Read: Anak Ng Macho Dancer, "wild" ang twosome at threesome scenes; 100K na nga ba ang nabentang tickets?
MIKO SAYS HE HAS CHANGED
Ano ang masasabi niya sa mga naniwalang bumalik siya sa pagbi-vidjakol porke kumalat ang luma niyang video?
“Ang mga tao nga naman, pag nagbago ka, huhusgahan ka pabagsak. Pag hindi ka naman nagbago, naghahaleloya sila sa nota mo,” himutok ni Miko.
“Noong naghuhubad ako dati, lahat sila, puring-puri ako. Pati pambayad nila ng Meralco, ipapadala pa sa akin.
“Noong nagbago ako, lahat ng panlalait, sinasabi nila sa akin. Kesyo pokpok daw ako. Meron pang nag-comment, k*n*k*nt*t daw ako ni Joed.
“Napakasama ng kulay ng puso nila.”
Nanindigan si Joed na walang nangyari sa kanila ni Miko. Ani Joed, hindi si Miko ang nakatalik niya sa ANMD boys.
Read: Joed Serrano, umaming nakatalik ang isang artista sa "Anak ng Macho Dancer"
“Wala talagang nangyari sa amin ni Joed dahil magkapatid ang turingan namin,” pagmamatwid ni Miko.
“Kapag brokenhearted siya, kausap niya ako. Nagpapayo ako. Kapag usapang business, magkasundo kami.”
Dati, asawa ang turing ni Miko kay Joed. Ngayon, kapatid. Ano ba talaga?!
“'Babe' ang tawagan namin, kasi nasanay na kami. Iyon ang tawagan namin nung unang magkakilala kami,” lahad ni Miko.
“Hanggang ngayon na kahit kapamilya na ang turing ko sa kanya, 'Babe' pa rin ang tawag ko.
“Sa ibang tao kasi, iba ang meaning nun. Sa aming dalawa, walang meaning yun.”
MIKO'S GYM GIVEN BY JOED
Pinagkakaabalahan ngayon ni Miko ang Camp SWAT Fitness Gym na nasa Tahanan Cmpd., Brgy. San Gabriel, GMA, Cavite.
“Galing kay Joed ang Camp SWAT gym. Aircon iyan, may free wifi, open every day. Nagtuturo ako sa gym,” pahayag ni Miko.
Ang isa pang pinagkakakitaan ni Miko ay pagla-livestream.
“Mr. Swabe ang pangalan ko sa livestream. Kumakanta ako, sumasayaw at nagpapatawa na parang si Vhong Navarro,” salaysay ni Miko.
“Madalas na sa Camp SWAT gym mismo ako naka-live. Maraming nagbabagsak sa akin ng dollars habang naglilinis ako sa gym.
“Hindi ko kailangang manghingi. Iyong followers ko mismo ang nagbabagsak sa akin ng dollars.
“Hindi ako nagyayabang. Sinasabi ko lang yan para isupalpal sa mga nagsasabing nagbi-vidjakol uli ako.”
By the way, kumusta na ang kasamahan niya sa SWAT Boys na sina Ricky Gumera, Charles Nathan, at Mhack Morales, na co-stars niya sa Anak Ng Macho Dancer?Nagwo-workout din ba ang mga ito sa Camp SWAT?
Read: Miko Pasamonte, Ricky Gumera, Sean de Guzman totohanan ang threesome sa Anak Ng Macho Dancer
“Si Ricky, wala nang paramdam. Blinock na niya kami. Si Mhack, hindi ko alam kung tropa ko pa dahil nakalimot na rin,” pagsisiwalat ni Miko.
“Si Charles, hindi na namamansin at parang hindi na rin maabot.”
Close na close silang SWAT Boys noon kahit nag-streaming na ang movie nilang Anak Ng Macho Dancer. Brothers ang turingan nila, di ba?
“Kaya nga, e, halos magkakapatid na kami, lalo na kaming dalawa ni Ricky. Pero wala, e,” saad ni Miko.
“Nagbago sila. Tropa lang siguro pag may projects. Ganyan naman yata talaga sa showbiz — magkakaibigan lang pag may project.
“Pero kami ni Joed, until now, sobrang close pa rin. Hindi nawawala ang communication.
“Sa aming SWAT Boys, ako lang ang hindi nang-iwan sa Godfather.”

(From left) Miko Pasamonte, Charles Nathan, Sean de Guzman, Ricky Gumera, and Mhack Morales
SINGLE BUT WITH "CHILDREN"
Wala pa raw asawa si Miko pero meron siyang limang “anak” — sina Mr. P, Keyti, Mickey, Baby, at Popoy. Take note na ang “Mr. P” ay tawag din kay Joed, short for “Mr. Producer.”
Hayop ang limang “anak” ni Miko. Mga aso.
“Higit pa sila sa tao. Ang tao, kahit pakainin mo, tatraydurin ka pa rin. Ang aso, pakainin mo, habang buhay na loyal sa yo,” pananalig ni Miko.
Galing daw kay Joed sina Mr. P at Keyti na St. Bernard ang breed. Si Popoy ay Pomeranian, si Mickey ay Pekingese, at si Baby ay Chihuahua.
Kuwento ni Miko, “Makulit si Popoy. Nakokonsensya nga ako, kasi, napalo ko. Kasi, sinisira ang pintura ng bahay.
“Ang maganda sa Pomeranian, hindi bumabaho kahit hindi mo paliguan. Once a week kung paliguan ko siya, every Sunday.”
Magastos mag-alaga ng mga aso, di ba?
“Hindi magastos ang maliit na aso. Ang magastos, yung St. Bernard. Gumagastos ako sa pagkain nila,” paliwanag ni Miko.
“Dalawang sako sa isang linggo. Holistic ang pagkain nila para maganda ang balahibo.
“Dalawa sa mga aso ko, babae. Iyong tatlong lalaki, LGBT, kinakanyod lagi ang paa ko. Ayaw nila sa mga babaeng aso. Ang gusto nila, ako. “S*n*s*ls*l ko sila para hindi ma-stress. Kasi, pag na-stress, nalalagas ang balahibo.”
Kabilang sa indie movies na pinagbidahan ni Miko ang Kape Barako (2011), The Escort (2011), Kumpare (2012), at #LabYu (2014).
