Nakalabas na ng piitan ang dating broadcaster na si Jay Sonza matapos itong makapagpiyansa para sa 11 counts ng libel at estafa.
Ayon sa ulat ng State of the Nation ng GTV, mag-a-alas nuebe ng Martes ng gabi, August 22, 2023, nakalaya si Sonza mula sa Quezon City jail.
Read: Former broadcaster Jay Sonza detained and arrested
Ayon sa hiwalay na ulat ng Frontline Tonight ng TV5, PHP270,000 ang inilagak na piyansa ni Sonza.
Ang PHP260,000 dito ay para sa kasong estafa, at PHP10,000 para sa kasong libel.
Bago pa nito ay ibinasura na ng Quezon City Regional Trial Court Branch 100 ang mga kasong syndicated estafa at large-scale illegal recruitment laban sa dating broadcaster noong August 17, 2023.
Pero hindi kaagad siya napayagang makalabas ng kulungan dahil sa mga nakabinbing kasong libelo at estafa.
Read: Court junks Jay Sonza’s syndicated estafa, large scale illegal recruitment cases
Noong August 15, 2023 pumutok ang balitang inaresto ng mga alagad ng National Buereau of Investigation si Sonza.
Pero July 18 pa pala siya nahuli ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 matapos siyang ma-interview ng Bureau of Immigration dahil palipad sana ito papuntang Hong Kong.
Nakipag-cooperate naman daw si Jay sa pulisya.
