Sunud-sunod na ang sightings sa pagitan ng aktres na si Yassi Pressman at ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Una silang namataang magkasama sa 74th Foundation Day ng Bombon, Camarines Sur, noong August 13, 2023.
Namataan ditong hinalikan ng gobernador si Yassi sa pisngi.
Read: Yassi Pressman now being linked to politicians Sandro Marcos, Luigi Villafuerte
Mas lalo pa itong umingay dahil sa pag-amin ni Jon Semira, ang ex- fiancé ni Yassi, na hiwalay na sila ng aktres.
Read: Jon Semira confirms breakup with Yassi Pressman: “It was a decision made from the both of us.”
Sa isang Facebook post nitong nakaraang August 19, 2023, nagbahagi ang isang netizen ng larawan ni Yassi kasama ni Governor Villafuerte na tila nasa isang ATV adventure na sasakyan.
Caption ng netizen, “SALA NA NAMAN NAKAPTAN NI GOV [laughing emoji]” (Mali na naman nahawakan ni gov)
Makikitang nakahawak ang kanang kamay ni Luigi sa kaliwang hita ni Yassi.
Sa isa pang post, sabi ng netizen na, “Witwiw Swerte man talaga”
Mapapansin ding may terno na bracelet ang dalawa.
Nakakatawa naman ang reaksiyon ng ilang netizens sa “holding legs” post na ito na naging viral na sa social media"




Wala pang tuwirang paglilinaw sina Yassi at Governor Luigi ukol sa estado ng relasyon nila.
Samantala, matapos aminin ni Jon na hiwalay na sila ni Yassi, kumalat naman ang 10-minute engagement proposal video nila na kuha noong 2022.
Read: Yassi Pressman-Jon Semira engagement video goes viral after confirming their breakup
