PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kristel Fulgar's Stress at Rehearsals

Kristel says it was Seo In Guk who initiated their one-on-one interaction backstage.
by Bernie V. Franco
Published Aug 21, 2023
Kristel Fulgar
Kristel Fulgar: “So, ako, okay na, tama na. I’ll give way wag lang magkagulo… wag lang ma-delay [ang fan meet]."
PHOTO/S: Kristel Fulgar on TikTok

May mga rebelasyon pa ang actress at content creator na si Kristel Fulgar kung bakit naging madali para sa kanyang tanggapin ang desisyong palitan siya bilang host sa fan meet ng Korean actor-singer na si Seo In Guk.

Ginanap ang kauna-unahang fan meet ni In Guk sa Pilipinas sa New Frontier Theatre sa Quezon City noong August 12, 2023.

Pinag-usapan nang huso ang event dahil last minute ay pinalitan si Kristel bilang host.

Ang Pinoy Big Brother Kumunity housemate na si Karen Bordador ang ipinalit sa kanya.

Read:

Sa kanyang naunang video, sinabi ni Kristel na nagdesisyon ang Korean technical director ng fan meet na palitan siya dahil kulang umano siya sa energy during rehearsals.

Sa kanyang latest video, Ibinunyag ni Kristel na natakot siya nang magbanta ang Korean technical director na magbibitiw ito kapag hindi siya pinalitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw raw ni Kristel na magkaroon pa ng aberya ang fan meet ni In Guk, na kanyang iniidolo.

Gusto pa raw manindigan ng local director and event partners na huwag mapalitan si Kristel, pero nagmatigas ang Korean technical director.

Paliwanag ni Kristel, “Nagmamatigas yung Filipino director and yung organizer na huwag ako palitan doon sa Korean technical director.

“Pero nakita ko kung gaano talaga siya [Korean director] naninindigan na palitan ako, at sabi pa niya, ‘Kung hindi iyan [Kristel] papalitan, ako aalis.’

“So, shokot si Ante niyo! Ayoko namang mag-cause ng gulo, kasi lahat nai-stress na.

“Interpreter niya nga, hindi niya nga malaman kung paano i-interpret in a nicer way yung sinasabi ng Korean director na yun, e.’”

Dahil dito, nagdesisyon si Kristel na magparaya at huwag nang mag-host.

Sabi niya, “So, ako, okay na, tama na. I’ll give way huwag lang magkagulo… wag lang ma-delay [ang fan meet]. Magbibigay na lang ako ng statement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa 20 years na existence ko sa entertainment industry, ngayon lang ako nagbigay ng statement na ganun para sa public announcement.

“Alam ko kahihiyan yung pagdadaanan ko pagkatapos nun, pero sige na, kung [para] sa sinasabi naman ng Korean director na para sa ikagaganda ng show, sige na."

Katuwiran pa ni Kristel, “Feeling ko nga, mas gusto ko pa yung mas maging maganda yung show kesa producers.

“Kasi, I’m not after the money. I’m not after the business. Gusto ko lang talaga maging successful si Seo In Guk and mapasaya mga fans. That’s it.”

May paglilinaw rin si Kristel sa una niyang pahayag na hindi siya binigyan ng second chance para manatiling host.

“Clear ko lang, hindi ako humingi ng second chance. I expected a second chance,” aniya.

Ganunpaman, hindi raw siya binigyan nito para patunayang kaya niyang mag-host ng event.

HOSTING IS NOT HER FORTE

Bukas din sa pagsasabi si Kristel na hindi naman niya forte talaga ang hosting, pero tinanggap niya ang offer dahil nakakuha siya ng encouragement.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi ko alam na audition pala yun, bhie, nakaloka!” may joke pang sabi ni Kristel ukol sa rehearsals.

“Alam ko naman sa sarili ko, aminado ako sa sarili ko na hindi ko strength ang hosting. So, bakit ako kinuha?

“Actually, nagulat din ako nung in-offer sa akin ito, tapos in-announce pa ako na ako yung magho-host.”

Excited na nga raw si Kristel na bumili ng VVIP ticket at makipag-unahan sa fans.

“Same day ng selling ng tickets, doon sinabi sa akin na magho-host ako.

“Hindi agad ako nag-yes. Ayoko nung una kasi alam ko yung kapasidad ko…

“Zero experience pa ako sa hosting. Mga host ko lang mga spiels-spiels lang sa ASAP, ganon lang. Alam kong magiging super challenging yun para sa akin.”

Humingi umano siya ng payo mula sa fans club ni Seo In Guk at tiniyak ng mga itong susuportahan nila ang pagho-host ni Kristel.

“Alam nilang wala akong experience sa hosting at dina-doubt ko yung sarili ko, kasi sinasabi nila, ‘Wag kang mag-alala. Susuportahan ka namin. Kaming bahala sa iyo. Itsi-cheer ka namin sa baba.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ganoon sila ka-supportive. Don ako napa-yes," kuwento ni Kristel.

Nakita ng K-pop fans na bagay mag-host si Kristel dahil bukod sa pagiging K-pop fan, nakakapagsalita rin siya ng Korean.

THREE REHEARSALS

Nakakatanggap daw ng bashing si Kristel at sinasabihan ng iba na deserve niya ang nangyari dahil dapat ay ibinigay niya ang kanyang 100 percent sa rehearsal pa lang.

Nagkaroon ng tatlong rehearsals si Kristel, pero wala raw lumapit sa kanya at pumuna.

Sabi niya, “Sa tatlong rehearsals na iyon, wala naman lang isang taong nagsabi sa akin na, ‘Uy, kulang ka sa energy.’ ‘Uy, baka naman puwede kang mag-exert, puwede mong ibigay yung best mo.’ Walang ganoon.

“Nagulat na lang ako pagkatapos ng pangatlong stage rehearsal with Seo In Guk, pinatawag ako sa tech booth para sabihin sa akin na papalitan na daw ako.”

Bagamat nagulat daw si Kristel, hindi na siya umangal. Inisip na lang daw niya ay matututukan niya ang panonood kay In Guk sa audience area.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang inalala raw niya ay may fans siyang nag-expect na mapapanood siya bilang host ng event. Pero hindi na raw siya nag-dwell sa mga nangyari.

Saad niya, “Madali ko siyang natanggap kasi alam ko naman na hindi ko forte ang hosting.

“Kung siguro pinalitan ako sa acting, sa role na ganito o sa singing, doon medyo mahi-hurt ako.

“Pero don sa hosting, hindi siya ganoon ka-big deal para sa akin.”

Pagbibida pa ni Kristel sa one-on-one interaction niya with In Guk bacstage, “Tsaka pala yung one-on-one interaction ko with Seo In Guk, siya yung nag-alok noon, hindi dahil parang pampalubag sa akin ng organizers. Ay, hindi.”

Nakilala raw siya ni In Guk nang ma-interview siya ni Kristel via online noong nakaraang taon.

Ani Kristel, “Kotang-quota naman yung ante niyo sa backstage, di ba?! So, winner pa din.”

Sa previous video, sinabi ni Kristel na kinumusta pa siya in In Guk dahil nag-alala ito matapos mabalitaang napalitan siya bilang host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kristel Fulgar: “So, ako, okay na, tama na. I’ll give way wag lang magkagulo… wag lang ma-delay [ang fan meet]."
PHOTO/S: Kristel Fulgar on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results