Sa unang pagkakataon ay inamin ni Derrick Monasterio, 28, ang totoong estado ng relasyon nila ng kapwa Kapuso star na si Elle Villanueva, 27.
Sa mga nakaraang panayam kay Derrick patungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa, ang laging sagot niya ay "walang label."
Ngayon ay tahasan niyang inaming magtatatlong buwan na, officially, ang kanilang relasyon.
Read: Derrick Monasterio, Elle Villanueva relationship still in "ligaw stage"
Sabi ng Kapuso actor, "Siguro mga three months ago. Bagu-bago pa lang na official, ha?
"Pero, mga one and a half years na kami sa kung ano ang treatment namin sa isa't isa na walang label.
"Matagal na kaming magkakilala, yung walang label before, ha?
"Ngayon... oo na. Oo, less than a year.
"After nung Paradise, matagal pa na walang label. Parang nasa proving stage pa lang kami.
"Pero this time, yeah."
Ang "Paradise" na tinutukoy ni Derrick ay ang afternoon drama series na pinagbidahan nila noong 2022, ang Return To Paradise.
Dugtong pa niya, "Okey lang yun, kasi siya naman talaga, di ba? Puwede, puwede.
"Although, kahit di pa namin napag-usapan yun, pero okey na yun.
"At saka, parang lahat naman ng ka-batch ko... lahat sila, sobrang amin na amin na, at kung anu-ano pa."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng columnist na si Lito Mañago si Derrick sa Lucena City, Quezon Province, noong Sabado, August 19, 2023.
Naroon siya para sa selebrasyon ng "Niyogyugan Festival 2023," kung isa siya sa main attraction sa parade at sa show kinagabihan.
Ngayong sila na, officially, ano ang mga naging pagbabago sa kanilang relasyon ngayon kumpara noong hindi pa talaga sila?
Ayon sa Kapuso actor, "Honestly, hindi kasi ganun ka-important sa akin yun.
"Kung ano lang ang ginagawa ko before sa kanya, na walang pagbabago, may label man o wala.
"Kung ano ang treatment ko sa kanya, yun yung plans ko for us."
Wala naman daw siyang gusto pang i-prove na kung anu-ano sa kanyang girlfriend.
"Yun ang maganda kasi wala na yung old ways ko, e.
"Never na akong nakapunta ng bar ngayon. Three years na akong di nakakapunta ng bar. Pumupunta lang ako kapag may mga event, ganyan.
"Di rin kami masyadong nag-aaway. Yun ang maganda. Bihirang-bihira.
"Maganda yung system namin sa [relasyon]... di namin pinapatulog ang isa't isa na di naaayos.
"Hindi kami sumisigaw, hindi kami... walang physical, tapos wala ring emotional bullying. Mga ganun.
"So, maayos na usapan lang mga ganun," saad ni Derrick.
MEETING ELLE'S FAMILY
Kamakailan ay naipakilala na ni Derrick si Elle sa ina ng aktor na si Tina Monasterio. Nakilala na rin ba niya ang pamilya ni Elle? Close na ba siya sa ina ng aktres?
Read: Derrick Monasterio finally introduces Elle Villanueva to mom Tina Monasterio
Nakangiting sagot ni Derrick, "Yes! Alam mo, medyo.
"Before, nung nakikilala na niya si Mama, hindi ko pa naku-close ang family niya.
"Pero ngayon, nakakausap ko na ang mom niya. Naka-bond ko na. Nakaka-text ko na minsan.
"Hindi pa kami nagkakaroon ng heart-to-heart talk ng mommy niya. Siguro, nangyayari yan in a few years siguro. Masyado pang maaga.
"Kailangan ko pa rin siguro i-prove sa kanya, at hindi lang kay Elle, na worthy ako para sa anak niya para mas maganda ang chances.
"Yung family sa Australia and cousins niya ay na-meet ko na rin lahat. Naging close ko na."
How about ang tito ni ni Elle na si Cris Villanueva?
Ani Derrick, "Di ko pa nami-meet si Tito Cris, e.
"So, yun. Pero sa Makiling, kasama siya. Siya ang daddy dun ni Elle, so makakausap ko siya dun."
Ang Makiling ang upcomong teleserye nina Derrick at Elle sa GMA-7.
Pero ang daddy raw ni Elle ay nakilala na ni Derrick.
"Yun, yung daddy niya na nagtatrabaho sa kabilang network, na-meet ko na. Siya yung lighting director dun.
"Well, alam na siguro ng daddy niya about us, pero hindi namin sinasabi openly.
"Siguro ano lang, 'Sige, ingat kayo. Alagaan mo yan.' Mga ganyan lang," kuwento ni Derrick.
Kitang-kita sa aura ng hunky actor na mukhang desidido na talaga ito sa Kapuso actress.
"Oo," sambit ni Derrick. "Panahon na. Ang tanda ko na, e.
"Pinaplano namin na bumili ng properties. Plinano namin na kapag tumanda-tanda na kami, titira kami sa Siargao.
"Bibili kami ng property dun. Gusto ko dun. Gusto namin dun.
"Iba ang glow namin kapag nandun kami. Simpleng pamumuhay na malapit sa dagat.
"Nakadalawang balik na kami dun, at sa dalawang beses na yun, yun ang best trip ko na tinalo pa ang European trips ko.
"Best trip ko. Ewan ko, magical ang place talaga.
"At saka si Elle is an Aquarius so pang-water baby. So, pag nasa beach siya, makikita mo ang natural aura niya," sabi ni Derrick.
