Ganap na 5:02 p.m. nitong Huwebes, August 17, 2023, nang bawian ng buhay ang batikang aktres na si Angie Ferro.
Siya ay 86.
Matagal nang nakaratay sa banig ng karamdaman si Angie buhat nang ma-stroke siya noong May 25, 2022.
Read: Veteran actress Angie Ferro in critical condition; colleagues call for financial help
Ayon sa malapit na kaibigan ni Angie na si Noel Estonilo Miralles, hindi na naka-recover si Ferro mula nang ma-stroke ito noong nakaraang taon. Pero hindi raw pinabayaan ng artist community ang beteranang aktres.
“Marami ang tumulong nang malaman na nasa ospital siya.
"Tumulong si Boy Abunda, ang Film Development Council of the Philippines, ang Cine Olivia ni Lav Diaz dahil naging artista siya ni Lav sa Ebolusyon Ng Isang Pamilyang Pilipino.”
Sabi pa ni Noel tungkol kay Angie, “Mahusay siyang aktres. Palagi niyang ipinapaalaala na ang sining ay refinement of your being. Kung masama ang ugali mo, dapat wala ka sa arts lalo in terms of acting.
“Sinasabi rin niya palagi na 'NEVER JUDGE A CHARACTER BUT UNDERSTAND THE CHARACTER.'
"Mahusay siyang teacher sa craft of acting."
Isinilang si Angie sa Baleno, Masbate, noong August 4, 1937.
Nagsimula ang kanyang acting career noong 1969. Am
Nanalo siyang best supporting actress sa 27th FAMAS noong 1979 dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Pagputi ng Uwak, Pag-Itim ng Tagak, ang pelikulang pinagbidahan ni Vilma Santos.
Sa edad na 82, itinanghal na best actress si Angie sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) noong 2019 at best actress sa 7th Urduja Heritage Film Awards noong 2020 para sa Lola Igna, na palabas pa rin sa Netflix hanggang sa kasalukuyan.
Read: PPP 2019 best actress Angie Ferro asks for more theaters for best picture Lola Igna
Huling napanood si Angie sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. at Black Sheep Productions na napanood sa Amazon Prime streaming site mula noong May 18, 2023.
Bida sa pelikulang ito si Joshua Garcia.
Read: Joshua Garcia, bilib sa memorya ng veteran actress na si Angie Ferro
Hindi pa naglalabas ng detalye ang naulilang pamilya ni Angie tungkol sa araw ng kanyang libing.