Tila patuloy ang magandang ugnayan sa pagitan ng basketball player-actor na si Ricci Rivero, 25, at beauty queen-politician na si Leren Bautista, 30.
Si Leren ay Bb. Pilipinas Globe 2019 at konsehala sa Los Baños, Laguna.
Nakunan ng litrato ang dalawa na "palakad-lakad" sa UPLB Freedom Park sa Los Baños nitong linggong ito.
Ayon sa informant ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), bandang 7:40 a.m. nakunan ng litrato ang dalawa.
Namataan din silang naglalakad bandang UPCO doon pa rin sa Los Baños.
Bagamat naka-mask ang lalaki sa picture, natukoy ng informant na si Ricci ito nang magtanggal daw ito ng face mask.
Nakilala rin si Leren dahil pamilyar ang mga tao sa kanya sa hometown niya.
Tila nag-jogging ang dalawa base sa kanilang matching black sporty outfits.
May isa pang okasyon na namataang magkasama ang dalawa sa isang variety store base sa kumalat na larawan nila sa Twitter.
Nagsimulang maugnay sina Ricci at Leren nang dumalo sila sa isang outreach program sa Los Baños noong May 26, 2023.
Si Ricci ay kahihiwalay sa girlfriend of one year na si Andrea Brillantes noong first week of May.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
Nadawit si Leren sa breakup ng couple, pero mariing itinanggi ng kampo ni Leren ang isyu.
Read: Former beauty queen Leren Mae Bautista, idinadawit sa Ricci Rivero-Andrea Brillantes breakup
