PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nikki Valdez gets emotional after winning her first FAMAS award

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako sa FAMAS!!!"
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 17, 2023
Nikki Valdez nabs her first FAMAS trophy
Nikki Valdez on winning her first FAMAS Best Supporting Actress award: “Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako sa FAMAS!!! Pinapanood ko lang ito nung bata ako and masayang masaya ako para sa mga nananalo. Ramdam kong umaapaw ang saya sa puso nila. Kagabi sabi ko sa sarili ko, ‘ito pala yung feeling na yun.'”
PHOTO/S: Nikki Valdez Instagram

Naging emosyunal ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez nang tanggapin ang kauna-unahang niyang tropeyo mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS).

Si Nikki ang itinanghal na Best Supporting Actress para sa pagganap niya bilang Ellen Francisco sa pelikulang Family Matters, sa 71st FAMAS Awards Night na ginanap noong Linggo, August 13, 2023.

Read: FAMAS best actress goes to Nadine Lustre; best actor to Noel Trinidad

Mangiyak-ngiyak at halos hindi makapaniwala si Nikki na siya ang nagwagi sa nasabing kategorya, lalo na't ito rin ang kauna-unahan niyang acting award sa loob ng 26 years sa entertainment industry.

Read: Dimples Romana, Nikki Valdez celebrate 24 years in showbiz

Sa Instagram noong August 14, inihayag ni Nikki ang kaligayahan sa parangal na natanggap, kasabay ng pagdadalamhati niya sa pagpanaw ng kanyang alagang aso na si Travis.

Kalakip ng kanyang post ang litrato niyang umiiyak sa backstage, hawak-hawak ang FAMAS trophy niya, matapos magbigay ng speech.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mababasa sa caption ni Nikki, "As I type this, I am trying to put myself together because I am still grieving the loss of my boy Travis but have something to be truly grateful for at the same time.

“This picture was taken right as I got off the stage after my acceptance speech and yes, I was ugly crying, shaking and very much overwhelmed with what was going on.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako sa FAMAS!!!"

Ayon pa kay Nikki, hindi niya sukat-akalain na ang pinapanood lamang niya noong awards night ay mangyayari rin sa kanya.

Aniya, "Pinapanood ko lang ito nung bata ako and masayang masaya ako para sa mga nananalo.

"Ramdam kong umaapaw ang saya sa puso nila. Kagabi sabi ko sa sarili ko, ‘ito pala yung feeling na yun.'”

Ang parangal na natanggap ni Nikki ay gagamitin daw niyang lakas at inspirasyon para paghusayan pa ang kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This award will only make me continue to give my very best in what I do and the people I work with.

"Pagbubutihin ko pa po lalo para mas maraming macontribute sa industriyang araw-araw kong pipiliin.”

NIKKI'S ACCEPTANCE SPEECH

Ibinahagi rin ni Nikki sa Instagram ang video ng madamdamin niyang acceptance speech nang tanggapin ang kanyang first-ever FAMAS trophy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi man nakapaghanda ng speech ang aktres, siniguro naman niyang mapapasalamatan ang lahat ng mga taong nagbigay sa kanya ng suporta.

Ani Nikki, “Sorry po, wait lang. I didn’t make a speech but I made a list of who to thank. Sorry po, huwag niyo muna akong simulan ng timer.

“Unang-una po, salamat Panginoon for the talent you've given me. I give You back all the glory and honor.

"Salamat FAMAS. This is my first FAMAS. Sabi ko masarap ma-nominate, mas masarap palang may hawak na trophy.

“To Cineko Films, thank you Mayor Enrico Roque for producing our heartwarming and loving movie about family."

Pinasalamatan din ni Nikki ang writer ng Family Matters na si Mel del Rosario at ang direktor nilang si Nuel Naval.

“Ms. Mel may award ako. Thank you po for writing the relatable truthful story about family and our parents. Thank you so much.

"To Direk Nuel Naval, I always thank you for believing in me mapa-three sequences, one sequence, walang dialogue, pero naniniwala ka palagi sa akin that’s why you always include me in your projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To my Star Magic family, Direk Lauren [Dyogi] and my handler, thank you.

“I share this award with my co-stars, crew and staff."

Read: Family Matters stars Agot Isidro, Nikki Valdez open up after MMFF 2022 snub

Hindi rin nakaligtaang banggitin at pasalamatan ni Nikki ang kanyang pamilya sa pangungunan ng mister niya at butihing ina.

"I dedicate this award to my family, my loving husband… wait lang po, this is my first FAMAS.

“I dedicate this award to my husband who’s with me tonight, thank you for being so patient and understanding of my work.

"My daughter Olivia, everything I do is for you.

"And my mom, I’m nothing without you. Thank you for giving birth to me, Mommy"

Sa huling bahagi ng speech ni Nikki, inihandog niya ang kanyang award sa mga anak na pinipiling mahalin ang kanilang mga magulang kagaya ng role niya sa Family Matters bilang si Ellen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para po sa lahat ng nandito ngayon, sa lahat ng Ellen Francisco na piniling mahalin ang magulang nila, tama yung ginawa mo, mahalin natin sila hanggang kaya natin at hanggang nandiyan pa sila."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nikki Valdez on winning her first FAMAS Best Supporting Actress award: “Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nanalo ako sa FAMAS!!! Pinapanood ko lang ito nung bata ako and masayang masaya ako para sa mga nananalo. Ramdam kong umaapaw ang saya sa puso nila. Kagabi sabi ko sa sarili ko, ‘ito pala yung feeling na yun.'”
PHOTO/S: Nikki Valdez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results