Ang resident director ng ABS-CBN na si Lester Pimentel ay marami nang nahulmang TV series sa larangan ng action-drama genre.
Siya ang director ng Bagani (2018) at ongoing prime-time series na Iron Heart.
Stunt director naman siya para sa La Luna Sangre (2017), Imortal (2010-2011), Lastikman (2007-2008), at Panday (2005).
Director at co-producer din si Lester ng digital mini series na One Good Day (2022).
Ang La Luna Sangre ay pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, habang ang Bagani ay pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil.
Read: KathNiel: Movies, accomplishments, and lessons learned so far
Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pakikipagtrabaho ni Lester sa dalawang sikat na loveteams ng Kapamilya Network.
"Magaling si Daniel at Kathryn sa action. They are very natural and they like doing action, actually.
"Si Quen ay very good dancer so mabilis niyang napi-pick up yung moves."
Ang tinukoy ni Lester na "Quen" ay si Enrique.
Ano ang difference nina KathNiel at LizQuen pagdating sa action?
"Ang KathNiel kasi ang forte talaga nila ay drama so they put more intensity through drama sa action.
And talagang napupukaw nila yung atensyon ng mga audience because they are very good actors and they can portray the role very convincingly because of their strength in drama.
"And kapag nilalagay nila sa action, very convincing," paliwanag ni Lester.
Dagdag niya, "Si Quen naman, yung physicality nila that they put into the show is very elite level. I hope all of them can still do action again."
Nahingan din ng opinyon si Lester tungkol sa decision ni Liza na ipagpatuloy ang career sa ibang bansa especially sa Hollywood.
"I sincerely wish for her to make it well in Hollywood. Filipino actors are world-class, they can compete with any of the actors in Asia or even Hollywood.
"They deserve to be in the world’s stage so I hope they get more attention and opportunities from the world’s stage."
Read: Killing of Mister CDO 2023 candidate "a crime of passion," says police; pastor denies involvement
OTHER STARS
Nabanggit din ni Lester kung sino sa mga artista ang nakikita niya na may potential sa paggawa ng action projects.
"Sa tingin ko si Baron Geisler magiging magaling na action star kasi he has a very strong background with martial arts.
"Kung natatandaan niyo, may kapatid siyang Olympian," tukoy ni Lester sa nakatatandang kapatid ni Baron na si Donny Geisler.
"Sabay silang nag martial arts, e. Talagang nag-iba lang sila ng landas kasi yung isa naging artista tapos yung isa naman naging athlete.
"Pero meron siyang [Baron] extensive background with martial arts. Magiging magaling talaga yan."
Nakitaan din ni Lester ng galing si Ian Veneracion, na siyang bida sa One Good Day.
Noong 90s ay nakilala si Ian sa paggawa ng action films tulad ng Alyas Baby Face, Rodel Sta. Cruz Halang Ang Bituka, Totoy Hitman, Armadong Hudas, at Parehas Ang Laban.
Patuloy ni Lester, "Sa mga bata naman, gusto kong makita yung mga dancers.
"Action is like dance. If you want to have showmanship, you have to be graceful."
Nakapanayam ng PEP.ph si Lester kahapon, August 15, 2023, sa Dean & Deluca Cafe, sa Sct. Rallos, Quezon City.
Read: Karen Bordador details last-minute call for her to host Seo In Guk fan meet
ON REVIVING ACTION GENRE IN THE PHILIPPINES
Naniniwala rin si Lester na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa Hollywood pagdating sa paggawa ng action projects.
Paano mababago yung pananaw ng iba na kapag Filipino action movie ay low-budget at hindi maganda?
Sagot ni Lester, "Wala tayong choice kung hindi i-level up yung quality natin.
"Kasi it’s just a flick of a hand para mamili kung Filipino TV shows ba or foreign shows ang papanoorin, unlike noon na mamimili ka lang between ABS-CBN and GMA.
"Malakas ang kita before, pero ngayon puwede ka nilang bitawan anytime. They can go to Youtube or Netflix.
"For us to compete, we really have to improve our quality at doon sa nakikita nila sa free TV dapat makita nilang magaling na ang Filipino.
"Para kung may ipalalabas ka man sa sinehan, magkakaroon na sila ng interest or else wala. We really need to improve the quality."
WHO IS LESTER PIMENTEL?
Nagsimula ang background ni Lester sa aksyon dahil sa training niya sa Wushu at Kung Fu Martial Arts training noong siya ay eight years old.
Itinuloy niya ito during his primary and secondary education sa Philippine Cultural High School.
"I used to train in the school of Jet Li for several years. While competing, I was able to meet people who were into wushu and showbiz," sabi nito.
Sa edad na 14 years old, nagsimulang sumabak si Lester sa local and international competitions.
Nakapag-uwi siya ng bronze medal nang sumali siya sa SEA Games na ginanap sa bansa noong 1991.
Nakasungkit naman siya ng silver medal sa Southeast Asian Wushu Championships sa Hanoi, Vietnam noong 1995.
Nagkamit din si Lester ng gold medal mula sa World Wushu Championships na ginanap sa Baltimore, USA; at isa pang gold medal sa Asian Wushu Championships noong 1996.
Pagkalipas ng siyam na taon, nanalo ulit siya ng gold medal sa 2005 SEA Games na ginanap sa bansa.
Hanggang sa siya ay naging stuntman at action choreographer nang matuto ng filmmaking mula sa mga nakatrabaho niyan Chinese filmmakers.