Ayaw manghimasok at mangialam ng award-winning actress na si Nadine Lustre sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Jeffrey Oh, ang CEO ng Careless Entertainment.
Dating talent ng Careless Entertainment si Nadine kaya't hindi siya nakaligtas nang hingan ng reaksiyon ng ilang entertainment reporters sa ginanap na 71st FAMAS Awards night noong August 13, 2023.
Siya ang pinarangalan bilang Best Actress para sa kanyang pagganap sa Greed.
Read: FAMAS best actress goes to Nadine Lustre; best actor to Noel Trinidad
December 10, 2019, nang pumirma si Nadine ng kontrata sa Careless Entertainment, ang independent record label na itinatag at pinamumunuan ng ex-boyfriend ng aktres na si James Reid at American-Korean businessman na si Oh.
Read: Nadine Lustre no problem working with James Reid; happy with current beau
December 2022 naman nang umalis si Nadine sa pangangalaga ng mga ito.
Read: Is Nadine Lustre no longer with Viva?
Noong July 28, 2023, inaresto at iditena si Oh sa Bureau of Immigration (BI) facility sa Bicutan, Taguig City, matapos mapag-alamang may problema siya sa work permit sa pag-o-operate ng business sa Pilipinas, maging sa kanyang visa na maaaring maging mitsa ng kanyang deportation sa bansa.
Nakalaya siya noong August 4 matapos magbayad ng piyansa.
Read: Careless CEO Jeffrey Oh allegedly arrested, facing deportation
Ayon kay Nadine, wala siya sa posisyon para magsalita dahil hindi naman siya dawit sa nasabing kontrobersiya.
Pero aminado siyang nalungkot siya para kay Oh nang malaman niya ang tungkol dito.
Aniya, “I think I’d rather not talk about that just because I’m not involved in it anymore, so I don’t want to comment on that anymore.
"But, of course, Jeff is… I’ve worked with him too. It’s very unfortunate that this is happening."
Samantala, ang ama ni James Reid na si Malcolm Reid ang napaghihinalaang nagsumbong sa Bureau of Immigration tungkol sa ilegal na pagnenegosyo ni Oh sa Pilipinas, pero pinabulaanan ito ng isang source ng PEP.ph.
Itinanggi ng source na may kinalaman si Malcolm sa pag-aresto kay Oh dahil lalong hindi nito umano mababayaran ang malaking pagkakautang kay James kung mapalalayas mula sa Pilipinas ang American-Korean businessman.
Read: Ama ni James Reid, pinaghihinalaang nagsuplong sa Careless CEO na si Jeffrey Oh
