Noong 2021 ay inamin ni Krizza Neri, grand champion ng Season 1 ng Protégé: The Battle for the Big Break, ang pagiging tomboy at ang same-sex relationship nila ng kanyang partner at ng isang popular singer.
Read: Protégé winner Krizza Neri comes out; opens up about her first-ever lesbian relationship
Makalipas ang halos dalawang taon, marami nang pagbabago ang nangyari sa buhay ni Krizza na naging daan para higit niyang makilala ang sarili.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon siya ng boyriend o heterosexual relationship.
“Nagulat po ako sa sarili ko. Sobrang firm ko po kasi dati na ayaw ko ng boyfriend, pero eto po tayo," umpisang pagtatapat ni Krizza sa exclusive interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Miyerkules, August 16, 2023.
Noong 2021 ay iginiit ni Krizza na tomboy siya at hindi bisexual, kaya maging siya raw ay nagulat na umibig siya sa lalake sa kauna-unahang pagkakataon.
Saad ng singer, “Nagulat po ako sa sarili ko because I identified myself as lesbian. Baka nga po leaning towards being bisexual ako.
“Noong una po, ang laki ng takot ko, pero napakabait po ng boyfriend ko. Iba po sa naging relationships ko in the past.
“Wala po siyang ibang ibinibigay sa akin kundi peace. Sobrang magkaugali po siguro kami at parehas ang nature ng trabaho namin kaya nagkakaintindihan kami."
Nagtatrabaho ngayon si Krizza bilang entertainer sa isang sikat na theme park sa Malaysia.
Read: Protégé winner Krizza Neri, binisita at tinulungan si Lovely Embuscado
FIRST BOYFRIEND
Kasunod nito ay nagbigay ng ilang detalye si Krizza tungkol sa pagkakakilanlan ng kanyang boyfriend na nagngangalang Marvin Naadat.

“Pilipino rin siya. Nagkakilala kami dito sa Genting Skyworlds. Hindi siya performer, part siya ng Creative/Entertainment team," pagbabahagi niya.
“May instant connection po kami, magaan siyang kausap.
“He actually has two kids. Yun din po ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya kasi start pa lang naman ng relationship namin, hindi na niya itinagong may kids siya.
“Isang factor din po siguro yon sa pagiging respectful niya towards me kasi meron siyang dalawang anak na babae.
“We started dating in May 2023. Hindi siya mahirap mahalin kaya naging kami noong July 8, 2023."
Si Marvin ang kauna-unahang boyfriend ni Krizza sa edad na 28.
Saad niya, "One of my biggest plot twists po this year because I never really planned on getting into a new relationship, with a guy pa. Isa siya sa tumulong sa akin na i-embrace yung bago ko pong buhay.
“Alam niya po lahat ang nakaraan ko. Bago naging kami, napag-uusapan na rin po namin yung past namin hanggang sa nag-progress na lang po.”
END OF NINE-YEAR SAME-SEX RELATIONSHIP
Sinubukan ni Krizza ang kanyang kapalaran sa Malaysia dahil sa pagwawakas ng siyam na taong same-sex relationship nila ng dating partner niya.
Read: Krizza Neri still attracts suitors despite being in a lesbian relationship
“Maraming changes po when I got here in Malaysia," sabi niya sa PEP.ph.
"Dapat nga po hindi na po ako tutuloy pero may pangyayari po sa buhay ko na nag-push sa akin to accept the offer and fly to Malaysia.
“Galing lang po ako sa breakup. Kaka-end lang po ng nine-year relationship ko.
“Matagal na rin po kaming hindi okay. Umabot na lang po sa point na napagod na rin po ako sa away at gulo.
“Nang dumating po ako rito, maraming fears. Baka hindi ko kayanin ang buhay OFW.
"Akala ko nga po, magpapa-terminate ako agad ng contract sa third month ko pa lang, pero umabot naman po ng fifth. Thank God!
“Along the way, nakikita ko naman po na meron man challenges, like being away from my loved ones, makakaya naman, kasi nakakatulong po yung napapalibutan ako ng maraming Pilipino.”
LIFE IN MALAYSIA
Ang makapagtrabaho sa theme park ang isa sa mga pangarap ni Krizza na natupad at naging instrumento para magbago ang takbo ng kanyang buhay. Pero hindi raw naging madali dahil sa pangungulila na naranasan niya.
Lahad ni Krizza, “I auditioned po last year in July.
"I’ve always wanted to work in a theme park kaya po ako nag-decide na i-try. I wanted to explore and be in a different environment. Para na rin po sa growth ko bilang singer.
“I work as a singer/host in Genting Skyworlds po. Situated siya sa Genting Highlands, it’s an hour bus ride from Kuala Lumpur.
“I started in March 2023. Nakakaramdam po ako ng matinding homesickness lalung-lalo na po sa mga pets ko at, thankfully, meron po kaming vacation leaves na puwede namin gamitin para umuwi.
“Since March po, nakakatatlong uwi na po ako ng Pilipinas dahil miss na miss ko na ang pets ko."
Patuloy niya, “Meron po akong mga aso at pusa. Marami po sila. Nabawasan na lang po kasi namatayan ako ng aso noong June this year. Mas marami ang rescued cats.
"Ang pinakamalapit po sa akin ay si Milo, isa pong chihuahua. Naging emotional support ko rin kasi siya.
“We work here daily, eight hours a day. Iba sa nature ng work ko sa Pilipinas na medyo may pagka-erratic ang schedule, walang fixed day or time.
“Dito, meron akong pina-follow na daily schedule and may kailangan i-complete na number of hours.
"Nakapag-adjust naman po agad dahil mga Pilipino ang halos lahat ng mga kasama ko."
Marami raw siyang natutunang aral sa pananatili niya sa Malaysia.
“I realized that it’s okay to feel scared sometimes. And that change is okay.
"Before, takot na takot ako na umalis sa comfort zone ko.
“Natutunan ko na minsan sa buhay, we need to take a big leap and allow ourselves to be guided by something bigger than us.
"Yun po ginawa ko when I decided to leave the Philippines," pahayag ni Krizza.