PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmina Villarroel Nearly Dated Rival Actor

Carmina Villarroel says she remains good friends with this actor.
by Bernie V. Franco
Published Aug 16, 2023
zoren legaspi ang carmina villarroel
Zoren Legaspi corrects wife Carmina Villarroel when she answered "wala" when asked if she almost had a relationship with another actor but did not happen for some reason. Zoren said, "Meron... taga-ibang channel."
PHOTO/S: YouTube (ATM Advance.Taste.Moments)

Ibinisto ni Zoren Legaspi ang asawang si Carmina Villarroel tungkol sa isang aktor na muntik na raw makatuluyan noon ng aktres.

Nangyari ang pambibisto kay Carmina sa birthday celebration niya sa weekly morning program ng GMA-7 na Sarap ‘Di Ba? noong August 12, 2023.

Bukas, August 17, ang aktuwal na 48th birthday ni Carmina.

Sa segment na "Igisa Na Yan!", binato ng mga tanong si Carmina ng asawang si Zoren, mga anak nilang si Cassy at Mavy, at ang GMA Films President Annette Gozon-Valdes.

Nang si Annette na ang magtanong, inusisa niya si Carmina tungkol sa nakaraan nito.

Tanong ng GMA-7 executive, “Since matagal na matagal ka nang nasa showbiz, I’m sure maraming nagparamdam sa yo na baka muntik na, pero hindi natuloy. Meron bang ganon? Puwede mong ibulong lang sa akin.”

Mabilis na sagot ni Carmina, “Wala.”

Agad naman itong kinontra ni Zoren, “Meron… taga-ibang channel.”

Read: Pahayag ng UP Diliman summa cum laude sa E.A.T., patama ba kay Tito Sotto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita sa mukha ni Cassy ang pagkagulat.

“Ay, oo pala!” halakhak naman ni Carmina at nagtawanan sila ni Zoren.

“Oo nga pala. Tatay, thank you for reminding me,” sabi pa ni Carmina sa mister.

“Oo nga, ‘no?! Oo!” pagkumpirma ni Carmina na meron ngang aktor na muntik na niyang makatuluyan.

“Ganyan sila ka-close. Alam ni Zoren lahat,” biro ni Annette patungkol kina Carmina at Zoren.

Hindi na binanggit ni Carmina kung sino ang aktor na muntik na niyang makatuluyan, subalit ibinulong niya ito kay Annette.

Inusisa ni Annette si Carmina kung bakit naudlot ang relasyon niyang ito sa nasabing aktor.

Sagot ng aktres: “Siguro that time mas mahal ko ang sarili ko at mas inisip ko sarili ko.

“Pero I’m so happy na hindi kami naging kami, kasi nanatili kaming magkaibigan. Hanggang ngayon...”

Read: VIRAL: Rowdy customers of resort sacked by employer for vandalism in resort

CARMINA AND PIOLO

Hindi man binanggit ni Carmina ang pangalan ng aktor na kanyang tinutukoy, inamin ng aktres noong 2020 na muntik na silang magkarelasyon ng ABS-CBN actor na si Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginawa ni Carmina ang pag-amin sa virtual birthday celebration niya na in-upload sa YouTube account ng aktres noong August 15, 2020.

Isa si Piolo sa mga bumati sa kanya.

Nang magkausap sina Piolo at Carmina online, panay ang kulitan ng dalawa at kapansin-pansin ang pagiging close nila.

“Close ba tayo? Sabihin mo sa kanila,” panghahamon ni Piolo kay Carmina.

Sagot ng aktres, “Close tayo! Super close tayo. Sa sobrang close nga, muntikan na kaming maging kami! O, ano?!”

Natawa naman si Piolo, at saka sinabing may dalawang taong close sa kanila ang nagkatuluyan matapos ang double date.

“Pero dapat tayo, di ba?” pakli ni Piolo.

Naubo naman si Carmina sa tinuran ng aktor.

“Umamin ka,” hirit ni Piolo.

Tila nagmaang-maangan naman si Carmina: “Na ano? Ano aaminin ko?"

Pero dugtong niya, “Hindi. Ito kasi, e, kulang na lang ako lumigaw diyan, e.”

Read: Carmina Villarroel on closeness to Piolo Pascual: "Muntikan na kaming maging kami."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zoren Legaspi corrects wife Carmina Villarroel when she answered "wala" when asked if she almost had a relationship with another actor but did not happen for some reason. Zoren said, "Meron... taga-ibang channel."
PHOTO/S: YouTube (ATM Advance.Taste.Moments)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results