May paglilinaw si Val Anghelito Llamelo, na naging guest sa “Babala! ‘Wag Kayong Ganuuun” segment ng E.A.T.
Si Val ay ang UP Diliman summa cum laude graduate na nag-viral dahil sa kanyang valedictory speech, na tinalakay ang “systemic barriers” sa lipunan.
Aniya, ang susi sa tagumpay ng mga mahihirap ay hindi lang dapat dahil sa talino, talento, pagsisipag, at pagsisikap, kundi pagkakaroon ng pantay-pantay na pribilehiyo para sa lahat.
Read: VIRAL: UP summa cum laude delivers reality check not inspiration in valedictory address
Sa isang punto ng interview sa kanya ng E.A.T., tinanong ang binata ng host na si Ryan Agoncillo kung balak ba niyang maging pulitiko dahil Public Administration graduate ito.
Sagot ni Val: “Parang gusto ko na lang mag-artista tapos pag sumikat ako, tumakbo ako sa politics…”
Nabigyan ng kulay ang pahayag ni Val.
Agad ring kumalat sa social media ang video clip ng kanyang guest appearance sa TV5 noontime show.
Sa tingin ng ilang netizens, pangungutya ito sa E.A.T. pillar host na si Senator Tito Sotto, na kilala bilang artista na pinasok ang pulitika.
Binigyang kulay din ang facial reaction ni Vic Sotto sa pahayag ni Val.
Komento ng isang netizen (published as is): “LOOK AT VIC SOTTO’S FACE,,,, Tito Sotto probably gagged here !!”
Pero patama nga ba ang pahayag ni Val?

VAL REACTS TO ACCUSATION
Sa kanyang account via social-media app na X (formerly known Twitter), sinagot ni Val ang akusasyon.
Katuwiran niya, wala siyang pinapatamaan.
Puwede raw kasing maging “makinarya” ang pagpasok sa showbiz para makilala siya bago mag-politics.
Nagkaroon pa nga raw sila ng pag-uusap ni Tito pagkatapos ng kanyang E.A.T. guesting.
Paliwanag ni Val (published as is), “Ay, hindi naman po [nagpatama]. After the show, kinausap po ako ni tito sen.
“genuine po yung plan ko na mag-artista kasi kung papasok ako agad sa politics, di naman ako kilala, wala rin akong makinarya. So matatalo lang. mindset ba mindset.”
Read: Killing of Mister CDO 2023 candidate is "a crime of passion," says police; pastor denies involvement

May isang netizen naman na nagtanggol kay Val, at sinabing may trolls lang na binigyan ng malisya ang pahayag nito sa E.A.T.
Ang sagot ni Val ay isang meme with the caption, “You’re not wrong there.”

Nilinaw rin ito ni Val sa mensahe niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“My answer to the question of the host isn’t pertaining to any celebrity-turned-politicians.
“I am just simply describing the current political landscape and political tactics these days.”
