PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Viral: Rowdy Resort Customers Sacked by Employer for Vandalism

Add to this: “Nagsettle po sila ng malaking halaga."
Published Aug 16, 2023
dirty pool
Ang ilang kuha ng iniwang kalat ng grupo ng mga kalalakihan nang magpunta sa resort sa Laguna. Makikita sa mga larawan (far left, far right) na nasa ilalim ng pool ang mga inihagis na plastic chairs at tables at maruming tubig dahil sa buhangin. (Center) Kita sa CCTV kung paano binuhat ng mga lalaki ang mga kagamitan at inihagis sa pool.
PHOTO/S: Facebook (Jeremias Triplex resort)

Maraming netizens ang nagalit at nainis nang mapanood ang videos ng pagkakalat at bandalismo ng mga customers sa isang pool resort sa Pansol, Calamba, Laguna.

Pawang mga empleyado ang mga ito na nag-outing.

Nitong Lunes, August 14, 2023, sunud-sunod ang Facebook post ni Noneth Palentino, owner/operator ng Jeremias Triplex resort.

Ipinost niya ang video and photos kung paano binarubal ng apat lalaki ang lugar noong Lunes ng madaling araw, August 14.

Bukod sa matinding kalat at duming iniwan sa iba’t ibang bahagi ng resort, pinaghahagis pa ang mga monoblocs, plastic tables, bote, grill, at buhangin sa pool.

Sa inilabas na CCTV, makikita na ang grupo ay binubuo ng pito hanggang walong lalaki na animo’y paalis na sa resort.

Pero ang apat sa kanila ay hinambalos sa swimming pool ang mga kagamitan, tulad ng upuan at water dispenser.

Kitang-kita ring inihampas ang mga bote sa pader na kadikit ng pool.

At habang ginagawa nila ito, makikita sa video na nakangiti pa ang mga kalalakihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Two young runners compete barefoot at Palarong Pambansa; get gifts from sports anchor Mikee Reyes

Ayon pa sa post ng owner na si Noneth, kinatok daw ng mga kalalakihan ang caretaker ng resort para kunin ang kanilang security deposit.

Nang mag-inform daw ang staff member na iche-check muna ang lugar, bigla raw umalis ang mga ito sakay ng kanilang mga motorsiklo.

Buwelta ng owner (published as is), “Antitibay din naman ng sikmura ninyo!

“Ngayon niyo sabhin na CUSTOMER IS ALWAYS RIGHT! Kulang pa yan security deposit niyo sa damages na gnwa niyo sa resort!”

Read: Killing of Mister CDO 2023 candidate is "a crime of passion," says police; pastor denies involvement

SETTLEMENT AND DISMISSAL

Sa isang Facebook post kahapon, August 15, nagbigay ng update ang resort management

Nagtungo ang owner sa barangay hall sa kanilang lugar para magsampa ng reklamo laban sa mga customers na “nagwalanghiya.”

Pero nakipag-settle ang mga customers, at dalawa sa apat na lalaking nambato at nagkalat ng mga gamit ay dumating sa barangay hall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng owner (published as is) “[D]umating dn ang knilang mga mgulang pra personal na humingi ng tawad at maisettle nila ang mga nagawang kamalian ng knilang mga anak.

“Nagsettle po sila ng malaking halaga para sa danyos purwisyo at abala nadin sa mga naubos nming oras na sna ay marami kming natapos na gawain khapon.

“(Yun ay pra sa pakiusap nila na wag na nmin ituloy ang kaso na damage to property laban sa 4 na kalalakihan na sangkot at nkunan ng cctv).”

Maging ang employer ng grupo ay umaksiyon. Suspension at dismissal ang ipinataw ng kumpanya sa mga kalalakihan.

Paalala ng resort management sa gitna ng kaganapan (published as is), “Ang pagpapatawad po hindi ibig sbhn ay tinotolerate namin ung mga person involved.

“Yes nakipagsettled kami. Hndi sila nakulong pero sila ay pinatawan ng company ng dismissal. Dahil ito po ay ipinaabot namin sa company management.

“Sa part namin, nakakaawa din po ung magulang na hinabol habol kami at naglulumuhod pra patawarin ung mga anak nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Galit na galit kami pero hindi namin kayang makita na may lumuluhod sa harap namin.

“Naway magsilbing aral ito sa mga taong involved.”

comment

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang ilang kuha ng iniwang kalat ng grupo ng mga kalalakihan nang magpunta sa resort sa Laguna. Makikita sa mga larawan (far left, far right) na nasa ilalim ng pool ang mga inihagis na plastic chairs at tables at maruming tubig dahil sa buhangin. (Center) Kita sa CCTV kung paano binuhat ng mga lalaki ang mga kagamitan at inihagis sa pool.
PHOTO/S: Facebook (Jeremias Triplex resort)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results