PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isidro & Pangilinan Read from Lee's Book

Ricky Lee book launch
by Jerry Olea
Published Aug 10, 2023
agot isidro candy pangilinan ricky lee book launch
Singer-actress Agot Isidro (left) and actress-comedienne Candy Pangilinan read some excerpts from the latest novel of National Artist Ricky Lee.
PHOTO/S: Jerry Olea

S.R.O. (Standing Room Only) ang paglulunsad ng bagong nobela ni Ricky Lee na Lahat ng B (Karugtong ng ‘Para Kay B’) nitong Agosto 9, 2023, Miyerkules ng 6:00 p.m., sa Cinema Palma ng PICC.

Read: National Artist Ricky Lee, may libro at pelikulang ilulunsad sa Cinemalaya XIX

Magkakasunod na nagbasa ng excerpts ng nobela sina Jessa Espina, Candy Pangilinan, Lance Reblando, at Agot Isidro.

Umawit muna si Bayang Barrios, bago ang toka ni Dolly de Leon. Masigabong palakpakan ang iginawad sa kanila ng audience.

ricky lee book launch

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang si National Artist Ricky Lee na ang magsasalita, nagtayuan ang lahat at ipinagkaloob sa kanya ang pinakamasigabong palakpakan at hiyawan sa pagtitipon.

Pahayag ni Sir Ricky, “Maraming-maraming salamat at pumunta kayo rito. Akala ko, walang pupunta. Kasi, matagal nang na-publish yung Lahat ng B, last December pa.

“So, wala naman talaga akong balak na i-launch ngayon. Pinilit lang ako ng Cinemalaya. Sabi nila, ‘I-launch na natin.’

“So, pumayag na rin ako at hindi ako nagsisisi. Kasi, dahil nai-launch siya, napanood ko tuloy sina Lance, sina Candy, sina Jessa na magbasa ng excerpt.

“So, kung yun man lang, worth it na pala na itinuloy yung launch.” Nagpalakpakan muli nang malakas ang mga tao.

Pagpapatuloy ni Sir Ricky, “At siyempre si Bayang, kumanta siya. Sabi nga kanina, madamdamin. Totoo naman!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maski si Bayang ay natawa.

“Si Agot, suki na sa mga book launch ko. Lagi ko siyang iniimbita, lagi naman siyang pumapayag. Si Candy, naimbita ko na rin.

“Pero sina Lance, sina Jessa, ngayon ko lang nakita na mag-perform at hangang-hanga ako sa kanila.”

Palakpakan muli ang mga tao, bago ipinagtapat ni Sir Ricky, “Si Dolly, curious akong makita kung ano ang gagawin niya sa excerpt. Kaya pinili namin iyong excerpt na pinakamahirap.”

Napailing at napatungo si Dolly, habang natawa sina Agot, Bayang at iba pa.

“Para sa kanya. So, again, maraming salamat sa Cinemalaya para sa pagkakataong mai-launch ko ang Lahat ng B today, maski late na, kasi last year pa siya lumabas…

“Sabi ko, baka wala nang bumili ngayon. Maraming salamat sa CCP. Maraming salamat uli kina Agot, Dolly, Jessa, Candy, Lance. Thank you very much.

“Maraming salamat sa lahat ng pumunta rito. Salamat dahil hindi pa rin kayo nagsasawa na puntahan ako tuwing may okasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yun lang and sana mag-enjoy na kayo dahil mamaya, wala na akong masabi. Salamat.”

ricky lee book launch

Siyempre, tawanan at palakpakan muli. Nag-photo op muna, at saka nag-autograph signing.

Pila-pila ang mga magpapapirma. Sa dami ng bumili ng libro, abot sa labas ang pila.

AGOT ISIDRO

Sa Cinemalaya last year inilunsad ang dalawang volume ng Mga Screenplay ni Ricky Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa Volume 1 ang Brutal, Moral, at Karnal. Nasa Volume 2 ang Himala, Cain at Abel, at Salome.

Nagbasa ng excerpts sina Gina Alajar, Judy Ann Santos, Aicelle Santos, Agot Isidro at Allen Dizon. Mas intimate ang book launch last year sa pasilyo sa third floor ng CCP, with John “Sweet” Lapus as host.

Mas bongga this year na merong pa-LED screen sa meeting room ng PICC. Ang host ay si Remus Villanueva.

Ilu-launch din dito ang For B (or How Love Devastates Four out of Every Five of Us). Translation ito ni Noelle Q. de Jesus ng nobela ni Sir Ricky na Para Kay B.

Sa mga artistang nagbasa ng excerpts sa Cinemalaya book launch last year sa CCP, si Agot lang ang tampok din sa Cinemalaya book launch this year sa PICC.

agot isidro ricky lee book launch

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba ngayon. Kasi last year, screenplay. Ngayon, novel. Tapos ano yun, last year, kasama ko si Allen,” lahad ni Agot.

“Ngayon, lahat kami, babae. Tapos ang hahaba ng mga excerpt. So ngayon, medyo kailangan, iba ang paghahanda.

“Although kami ni Allen, dun lang nagkita last year, no. Saka mas malaki ngayon. Maliit yung venue niya last year.

“Iba ngayon, di ba, wow! Bonggang-bongga. But deserved! Deserved. Deserved! Kaya ako, anytime na Sir Ricky needs me, nandun ako.”

Kasama si Agot sa Batch 21 ng libreng Scriptwriting Workshop ni Sir Ricky. May nabuo na ba siyang screenplay na puwedeng isapelikula?

Napangiti si Agot, “May ginawa ako pero siya na ang nagbasa nun. Ha! Ha! Ha! Ha! Pero super ano naman yun, e. Super…

“If I want kunyari to pursue, to make it in a film, I’m sure he will be so willing and happy and supportive na gagawin niya.

“Kumbaga, me-mentor-in niya ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang si Agot sa cast ng Cinemalaya 2023 full-length films na Rookie at Ang Duyan ng Magiting.

CANDY PANGILINAN

Kasama naman si Candy sa Batch 22 ng workshoppers ni Sir Ricky.

Sa mga nagbasa ng excerpts ay pinakanakakatawa si Candy. Maski sina Agot at Dolly ay tawang-tawa sa kanya.

candy pangilinan ricky lee book launch

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patok na patok ang pagbasa ni Candy ng walong dahilan kung bakit masama ang umibig.

Maigting na pagbabasa ni Candy, “Una, masama sa katawan. Nakakabulag, nakakagago, nakakabaliw.

“Pangalawa, nakakamatay. Puwede kang magpakamatay kapag di ka iniibig ng taong mahal mo. O kaya, baka siya ang mapatay mo.

“Pangatlo, sasama ang ugali mo. Magiging paranoid ka. Sinungaling, O.C., judgmental, ilusyonada at kung anu-ano pa.

“Pang-apat, aksaya ng oras. Ang tagal ng mga ligawan, ng engaging period, maski ng foreplay. Bakit hindi na lang dumiretso sa sex?

“E, kung hindi naman magkakaanak dahil baog? O sa kung ano pa mang kadahilanan. Bakit pa magse-sex?

“Panlima, nakakasira ng pangarap. Ilang career na ba ang nawasak dahil sa pag-ibig?

“Pang-anim, matututo kang gamitin sa maling paraan ang mga parte ng katawan gaya ng dila, suso, titi, puwet, paa, kamay, maski na ang mga daliri.

“Pampito, magastos. Ginagawang negosyo…”

Pinaghandaan pa ba ni Candy ang pagbabasa ng excerpts?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung binabasa? Binasa ko beforehand. Pinadala sa akin kagabi.”

Ramdam na ramdam niya iyong binasa niya?

“Siyempre, di ba?! May katotohanan naman yung mga nakalagay dun, e. Di ba, sa totoo lang,” napapangiting sambit ni Candy.

“Pero yun lang naman talaga yung parang mga facts na talagang nangyayari.”

Hindi kasama ang pangalan ni Candy sa nalathalang unang line-up ng magbabasa ng excerpts sa book launch. Nadagdag lang ba siya?

“Yes! Huli akong natawagan kaya hindi ko masyadong napaghandaan yun. Hi! Hi! Hi!” pagbungisngis ng comedienne.

Pagbibiro pa ni Candy, “Ganun lang, pam-back up lang ako ni Sir Ricky. Ha! Ha! Ha! Hindi ko lang talaga alam. Hindi ko alam! Hindi ko alam.”

Mabuti, available siya.

“Available ako pero late lang akong dumating dahil meron akong pinanggalingan na trabaho.”

May nagawa na ba siyang pelikula sa Cinemalaya filmfest na nasa ika-19 na edisyon ngayong 2023?

Napailing si Candy, “Yung totoo, hindi pa. Walang kumukuha sa akin. Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi nga! Wala pang kumukuha sa aking Cinemalaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actress Agot Isidro (left) and actress-comedienne Candy Pangilinan read some excerpts from the latest novel of National Artist Ricky Lee.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results