Nag-uumapaw ang excitement at saya ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan nang inanunsiyo nila sa publiko ang engagement ng anak nilang si Kiana Valenciano sa non-showbiz boyfriend nitong si Lisandro "Sandro" Zaragoza Tolentino.
Sa Instagram nitong Martes August 8, 2023, ibinahagi ni Gary ang litrato nila ni Kiana habang nakayakap ang anak sa kanya suot-suot ang engagement ring nito.
Mababasang caption ni Gary, "Friends? Ladies and gentlemen? Brothers and sisters? My beautiful forever-princess’ ring says it all [pray sign and heart emojis]."
Hindi rin naitago ng Kapamilya singer ang labis na kasiyahan sa pangyayaring ito sa buhay ng kanyang unica hija.
"I love you @kianavee !!! Am so happy for you."
"So much I want to tell you Kiana…but I think I will save that for a day when you and I can just sit and talk….just you and I before the big day arrives and the wedding bells toll.
"My heart tugs but not with sadness my dearest princess…but with the joy of the Lord for how He has orchestrated your life…and how He will continue to do so."
Nagpasalamat din si Gary sa soon-to-be husband ni Kiana na si Sandro sa pagmamahal na ibinibigay nito sa kanyang anak.
"I’m thankful for the young man the Lord allowed to find you. Love you too @senditdro … what a joy it is to have you in the V family."
Read: Kiana Valenciano opens up about vitiligo skin condition
Tuwang-tuwa rin si Angeli sa engagement ni Kiana.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Angeli ang ilang litrao nina Kiana at Sandro, kasama ang iba pa nilang kamag-anak na present sa naganap na married proposal.
Caption ni Angeli sa kanyang post, "And she said YES! [Kiana].
"My heart is full. The Lord be praised as our baby girl is getting married! Introducing US-based Lisandro Zaragoza Tolentino aka Sandro.
"Our family is so happy to have Kiana’s plus one added to our growing family."
Katulad ni Gary, nagpasalamat din si Angeli kay Sandro sa pagmamahal at pagbibigay nito ng saya kay Kiana.
Mensahe niya, "We love you son. Thank you for making her happy.
"Praying for this new season in your lives that now will become “your life together.”"
Dagdag pa ni Angeli, "The Lord bless you and keep you safe and protected all the days of your life! We love you both so so much."
Read: Angeli Pangilinan, binalaan ang trolls at bashers ng anak na si Gab Valenciano
Unang isapubliko ni Kiana ang espesyal nilang relasyon ni Sandro noong July 2019, mahigit ang isang taon matapos nilang magkahiwalay ng ex-boyfriend niyang si Sam Concepcion.
Read: Sam Concepcion confirms split with Kiana Valenciano
January 7, 2023, ipinagdiwang nina Kiana at Sandro ang kanilang ika-apat na taong anibersaryo bilang magkasintahan.
Read: Sam Concepcion says love life not his priority after breakup with Kiana Valenciano
