PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey Reyes on Cinemalaya 2023

Joey Reyes on challenges and triumphs of Cinemalaya 2023.
by Jerry Olea
Published Aug 8, 2023
Joey Reyes on Cinemalaya 2023
Joey Reyes on must-see entries of Cinemalaya 2023 "Kita mong magagaling itong mga batang filmmaker. This is one time na very diverse iyung mga selection. Kasi, ang gagaling ng… at saka kasi, nakakatulong iyung workshop, e. And it’s not just anybody who does the Film Lab, e. That’s Jun Lana, OK, who does the Film Lab."
PHOTO/S: Jerry Olea

Dinumog ng mga tao ang opening film ng Cinemalaya XIX: ilumiNasyon na Marupok AF sa dalawang sinehan ng PICC noong Agosto 4, 2023, Biyernes ng gabi.

Nagkaubusan din ng tickets sa mga gala noong weekend, Agosto 5 at 6, Sabado at Linggo.

Nitong Agosto 7, 2023, Lunes ay marami pa rin ang nanood.

Read: Complete guide to Cinemalaya 2023 full-length entries

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jose Javier Reyes—o kilala rin sa palayaw na Joey—noong Lunes ng gabi, sa cafeteria ng PICC.

Si Joey ang chairman ng Screening at Monitoring Committee ng Cinemalaya 2023.

Masasabi na bang kumita ang Cinemalaya 2023, lalo na’t andiyan pa rin ang suporta ng sponsors?

Napatango si Joey, "I think kumikita ito. I think kikita ito. Mahal nga lang ang renta sa PICC.

"Ang owner ng PICC ay ang Central Bank. So, may renta ito. Ang nagrenta ay ang CCP at Cinemalaya Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At saka isa lang ang puwedeng mag-cater. Kasi nga, that’s within the policy of their office. So, yun, we have to adjust to that."

Bawal na ang mga cocktails?

Sagot ni Joey, "Hindi naman. Pero isa lang restaurant ang puwedeng mag-cater sa lahat."

In fairness sa cafeteria ng PICC, open sila hanggang 9:00 p.m., samantalang ang regular working hours nila ay hanggang 5:00 p.m. lang.

"Kasi, sa dami naman ng tao! Pero masaya, masaya naman at naituloy. I think yun ang mas importante — na naituloy!” bulalas pa ni Direk Joey.

Read: Direk Joey Reyes, may aral na gustong ibahagi sa mga baguhang direktor

"THE BEST" LINEUP OF FILMS

Ano ang assessment ni Joey so far sa ongoing Cinemalaya 2023 filmfest?

"Well, unang-una, napanood ko nang lahat yan," saad ng multi-awarded writer-director.

Pagpapatuloy ni Direk Joey, “Napanood ko na ang screener ng mga iyan dahil nga sa naatasang posisyon ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"This is one of the best in terms of the selections, okay. Kung nakapanood ka naman ng mga naipalabas na, makikita mo na iba ang taong ito, OK.

"Whether it is yung kay Dustin Celestino’s Ang Duyan ng Magiting, or Maria na documentary. Lalung-lalo na yung animation, yung Iti Mapukpukaw, OK.

"Kita mong magagaling itong mga batang filmmaker. This is one time na very diverse yung mga selection. At the same time, maraming bago…

"How does it reflect yung plano ng Cinemalaya? Well, it’s on its way there. Kasi ang aming na-determine is every year, we will try to push the boundary further.

"Ahh, you should see next year’s selection, na ia-announce sa awards night sa Sunday. Next year’s selection is mas grabe pa! OK.

"Kasi, ang gagaling ng… at saka kasi, nakakatulong iyung workshop, e. And it’s not just anybody who does the Film Lab, e.

"That’s Jun Lana, OK, who does the Film Lab, na nahahasa muna iyung script. Nahahasa iyong mga aspeto ng produksyon bago sila sumabak, bago piliin, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Dalawampu iyang semi-finalists na nagpi-Film Lab, sampu lang ang pinipili."

Ang sampung full-length features sa Cinemalaya 2023 ay Ang Duyan ng Magiting ni Dustin Celestino, Bulawan Nga Usa ni Kenneth de la Cruz, Gitling ni Jopy Arnaldo, at Huling Palabas ni Ryan Espinosa Machado.

Kasama rin ang Rookie nina Samantha Lee at Natts Jadaone, As If It’s True ni John Rogers, When This Is All Over ni Kevin Mayuga, Tether ni Gian Arre, Maria ni Sheryl Rose M. Andes, at Iti Mapukpukaw ni Carl Joseph E. Papa.

Cinemalaya 2023 entries

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Direk Jose Javier Reyes, creative consultant ng Regal pero nagdidirek din sa Vivamax

ON NEW LOCATION FOR SCREENINGS

Naiba ang set-up ng Cinemalaya sa PICC kumpara sa CCP. Nangangapa ang iba.

Iyong mga meeting room, hindi ganoon ka-convenient sa panonood ng pelikula.

Pag-ayon ni Direk Joey, "Unang-una, hindi naman talaga siya para sa film screening. Pang-convention ang lugar na ito! Hindi ba?

"Pero punuan pa rin ang mga gala, kaya nga ang sabi namin, ang hirap! Ako man, noong opening film, nakaupo ako nang matiwasay sa isang reserved seat.

"P*t*ng ina, yung umupo sa harap ko, nakapusod! Wala akong makita! Ito yung kay Quark Henares. Tawa na lang ako nang tawa! P*t*ng ina ito, nakapusod kasi!

"It’s not meant, it’s not meant for screening. Pero we have to make do. Ito na lang kasi. Pero may mga options kami next year, na baka sa ibang lugar na gawin.

"Na mas conducive sa mga… Kasi, tingnan mo naman, kailangan mo ng mga sinehan, kailangan mo ng mga meeting room.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, sa CCP lang yun. Kung dalhin namin sa mall, saan ang meeting room namin, di ba? Alangan namang sa Kamayan kami mag-meeting."

At least, nakita nila ang mga ganoong consideration ngayong ongoing ang Cinemalaya filmfest sa PICC.

Dagdag ni Direk Joey, "At saka dito, may tiket ka pa na may seat number. Hindi ba? Maraming mga che-che.

HOT STORIES

OTHER HASSLES

Ang nakakaloka talaga ay kung matangkad ang nasa harapan ng manonood, lalo pa kung kailangang basahin ang subtitles ng pelikula, gaya sa Gitling. Walang ganoong problema sa CCP Main Theater.

"Or kahit naman doon sa bulwagan na maliit, e. Ayun, ayun ang aming mga pinagdadaanan,” pagbuntong-hininga ni Direk Joey.

"Dapat dalawang taon lang ang renovation ng CCP. E, noong hinukay nila, ay naku! P*t*, tatlong taon pala! Iyang tatlong taon na iyan ng renovation, sana matapos nga ng tatlong taon. Kasi, ang laki na ng dapat i-repair.

"Kasi naman, 55 years na ang CCP, ngayon lang nag-major repair!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakapanibago ang Cinemalaya sa PICC. Bagama’t malaki ang cafeteria ng PICC, iyong mga kiosk ay nakapuwesto sa kabilang gusali pa, sa basement ng Tanghalang Ignacio Gimenez (TIG) o CCP Black Box.

Malayu-layong lakaran iyon mula PICC pa-TIG, and pabalik. At sa uwian bandang 11:00 p.m., may shuttle pa-Taft Ave., sa may Buendia at sa may P. Ocampo.

"Halimbawa, kung magkakape ako, saan ako magkakape?! Di ba? Any moment, gusto kong kumain ng hotdog, saan ako bibili?!” hinaing ni Direk Joey.

"Pero ang masarap niyan, e, andami pa ring pumupunta. Andami pa ring nanonood. Napupuno pa rin ang mga gala screening."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey Reyes on must-see entries of Cinemalaya 2023 "Kita mong magagaling itong mga batang filmmaker. This is one time na very diverse iyung mga selection. Kasi, ang gagaling ng… at saka kasi, nakakatulong iyung workshop, e. And it’s not just anybody who does the Film Lab, e. That’s Jun Lana, OK, who does the Film Lab."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results