PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kazel Kinouchi thanks Abot Kamay Na Pangarap for big career boost

Kazel Kinouchi embraces her kontrabida role to the hilt
by Rommel Gonzales
Published Aug 6, 2023
Kazel Kinouchi
After several years of waiting in the wings, Kazel Kinouchi finally got her big break on television via the GMA-7 teleserye, Abot Kamay Na Pangarap. She says, "Opo, sobrang thankful ako na siguro nag-match din talaga si Zoey, nabigyan ko ng kulay din si Zoey, napaglaruan ko siya, and yung medyo kaartehan ko in real life, parang na-apply ko rin siya sa character ko."
PHOTO/S: @kazelkinouchi on Instagram/GMA Network

Isa sa popular na karakter ngayon sa telebisyon ay si Zoey Tanyag na ginagampanan ng Sparkle actress na si Kazel Kinouchi sa top-rating na Abot Kamay Na Pangarap (AKNP) ng GMA-7.

Ano ang pinakamalaking natutunan ni Kazel mula sa pagiging bahagi ng Abot Kamay na Pangarap?

Lahad niya, “So isa po sa mga natutunan ko sa show is, pag masaya yung environment mo, magre-reflect yun sa work mo.

“Kasi mahirap din pong magtrabaho if hindi ka… parang mabigat yung paligid mo, yung katrabaho mo.

“Pero yun nga po, kasi masasaya kami ditong mga… yung cast po. So ayun po, that’s one thing I’ve learned po.”

KAZEL PLAYS HER KONTRABIDA ROLE TO THE HILT

Kontrabida at maldita si Zoey sa kapwa doktora niyang si Analyn Santos, na ginagampanan naman ni Jillian Ward bilang bida sa Abot Kamay Na Pangarap.

Dahil karamihan sa mga Pinoy telenovela fans ay mabilis maapektuhan ng kanilang napapanood, marami ang galit kay Zoey/Kazel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naranasan na ba ni Kazel na makaharap ng mga bayolenteng fans kapag nasa pampublikong lugar siya?

“Fortunately, wala pa naman po akong na-e-experience na ganun kasi hindi pa naman ako masyadong lumalabas,” at tumawa ang aktres habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal via Zoom kamakailan.

“Pero malay natin baka pag lumabas ako may mga ganun,” at muling natawa si Kazel.

“Pero nung huli po kaming nag-mall show sa Pampanga po meron pong caught on video na yung mga tao, ‘O, Zoey huwag mo nang awayin si Annalyn,’ may mga ganun.

“Pero yung manakit naman po physically, wala pa naman pong ganun.”

Ayon pa rin kay Kazel, hangga’t maaari ay iniiwasan niyang magbasa ng hate comments laban sa kanya.

Pero hindi ba pagpapatunay ang mga galit na reaksyon sa kanya na isa siyang epektibong artista?

Pagsang-ayon niya, “Oo nga po, e!

“Actually, nagbabasa rin naman po ako. Siyempre gusto kong makita kung ano yung insights nila, pero pag medyo ano na… nagiging heavy na, I stop reading na po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So hindi mo rin maiiwasang makakita ng comments, kasi if it’s not live naman po or clips all over social media, nasa TikTok, nasa Facebook, so ayun po.”

KAZEL ADMITS ABOT KAMAY GAVE HER CAREER A BIG BOOST

Aminado si Kazel na malaki ang nagawa ng Abot Kamay Na Pangarap para sa kanyang career?

Sabi niya, “Opo, sobra!”

Bago siya naging parte ng programa ay hindi pa siya gaanong kilala ng publiko. Pero ngayon ay kilalang-kilala na siya ng mga tao lao na ang mga avid viewers ng AKNP.

Ano ang masasabi ni Kazel tungkol dito?

Pakli niya, “Opo, sobrang thankful ako na siguro nag-match din talaga si Zoey, nabigyan ko ng kulay din si Zoey, napaglaruan ko siya, and yung medyo kaartehan ko in real life, parang na-apply ko rin siya sa character ko.

“So ayun, I’m so thankful naman na minahal naman siya ng tao at sana mabigyan ko pa ng maraming kulay si Zoey.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KAZEL NOT CHOOSY WITH ROLES

Pag natapos na ang AKNP, payag ba si Kazel na sa susunod niyang proyekto ay kontrabida siyang muli o magre-request siya sa GMA at sa Sparkle na “pabaitin” muna siya?

“Kung ano naman po yung ibigay sa akin, siyempre that’s work, so tatanggapin ko po yun.

“Kung ano man po yun, thankful po ako kung ano man ang ibigay sa akin, kasi po para sa akin kung ano yung nandiyan, it means that it’s meant for me.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After several years of waiting in the wings, Kazel Kinouchi finally got her big break on television via the GMA-7 teleserye, Abot Kamay Na Pangarap. She says, "Opo, sobrang thankful ako na siguro nag-match din talaga si Zoey, nabigyan ko ng kulay din si Zoey, napaglaruan ko siya, and yung medyo kaartehan ko in real life, parang na-apply ko rin siya sa character ko."
PHOTO/S: @kazelkinouchi on Instagram/GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results