PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BJ Forbes on TVJ and TAPE Inc.

BJ ready to give up politics to focus on showbiz career
by Rommel Gonzales
Published Aug 6, 2023
BJ Forbes
Former child star BJ "Tolits" Forbes reaffirms his respect for his former Eat Bulaga! family, despite the ongoing controversy involving TVJ and TAPE Inc.: “Siyempre po, I have respect for TVJ and also for TAPE Inc. Hindi naman po ako kasama dun sa issue, e. So hindi po ako para makisali, but yung respeto at pagmamahal nandun po."

Sa katatapos lamang na mediacon ng upcoming family drama na The Special Gift ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay BJ “Tolits” Forbes kung updated siya sa mga kontrobersya at issue tungkol sa Eat Bulaga!.

BJ Forbes

Matatandaang nagsimula si BJ sa showbiz noong maging finalist siya sa That’s My Boy contest ng Eat Bulaga! noong 2003 at naging isa sa mga host ng programa noong 2005.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kamakailan ay bumisita raw siya sa naturang noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o TVJ.

Lahad niya, “I saw them a week ago, nung nag-guest ako sa TV5, binisita ko sila, yung TVJ.”

Kung halimbawang sabay na mag-o-offer sa kanya ang ang E.A.T. ng TVJ at Eat Bulaga! nina Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar at iba pa, saang programa siya sasama?

“Kahit saan po dun… joke lang!” at tumawa si BJ.

“Kahit saan po dun, kung sino po magbibigay ng pagkakataon.

“Pero siyempre po, I have respect for TVJ and also for TAPE Inc., and parehas po may mga naiwang pamilya namin dun sa Eat Bulaga! pa rin ngayon, so kung sino man po magbigay, okay lang.

“Hindi naman po ako kasama dun sa issue, e. So hindi po ako para makisali, but yung respeto at pagmamahal nandun po, pero kung saan po may trabaho go po ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BJ THANKFUL FOR DAUGHTER’S IMPROVED HEALTH CONDITION

Naitanong din namin kay BJ ang tungkol sa kalagayan ng kanyang anak na si Janella na tatlong taon nang may karamdaman.

“Bale po nung one year old siya bigla na lang siyang nagkaroon ng seizures, tapos dahil sa prolonged seizures niya kahit nung dinala namin kasi siya sa hospital, sinaksakan na siya ng anti-seizure, nagtuluy-tuloy pa rin.

“So nawalan ng oxygen yung utak niya kaya since noon, nagkaroon siya ng stroke.

“Bale masyadong mahaba yung kuwento, nagpalipat-lipat kami ng hospital, hanggang sa napunta kami sa PCMC [Philippine Children’s Medical Center].

“But right now she’s okay, may maintenance na medicines, merong mga therapy, and may maliliit na improvements, but it’s still an improvement na ipinagpapasalamat namin sa Diyos,” pahayag ni BJ na nakausap ng PEP.ph sa Fin & Claw Grill sa Timog noong nakaraang Linggo, July 30.”

Apat na taon na ngayon ang anak ni BJ.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BJ JUGGLES SHOWBIZ AND POLITICS

Sa kasalukuyan, bukod sa showbiz ay nasa mundo rin ng pulitka si BJ at ayon sa kanya ay nababalanse naman niya ang dalawang mundong ginagalawan niya.

“It’s a matter of ano po eh, prioritization and time management.

“SK Federation President din po ako sa aming bayan [Angono sa Rizal], so konsehal po ako dun ngayon, nasa prioritization lang po talaga.

“Although nandun po talaga yung masa-sacrifice talaga yung iba, katulad nung mga… meron po akong dalawang teleserye na na-turn down nito pong year na ito because of my work as a councilor.

“So yun po, minsan talaga is merong masa-sacrifice pero ngayon po dahil mawawala ako sa position, I’m open na sana mas makatanggap na ako ng maraming projects at makabalik na uli ako.”

Eleksyon muli ng Sangguniang Kabataan sa Oktubre at hindi na tatakbo si BJ.

BJ WANTS TO FOCUS ON SHOWBIZ CAREER

Nais ni BJ na muling mag-full time sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana po, sana po, dahil nung nabalanse ko po siya ngayon, mas okay po talaga ang pag-aartista kesa sa pagpupulitika.”

Bakit ayaw na niyang magpatuloy sa pulitika?

Diin niya, “Hindi ko naman po kinu-close yung doors ko. Gusto ko lang magpahinga, kasi five years na po akong nakaupo as councilor and SK, and masyado po akong…alam naman po natin sa pulitika is nandiyan po yung mga toxicity.

“Yung mga political interest ng mga nasa paligid, at gusto ko pong magpahinga muna dun at mag-focus sa pamilya ko at sa sarili ko ng wala masyadong mabigat na responsibilidad ng pagiging public servant.”

Ang The Special Gift ay mula sa RC Gomez Entertainment Productions kung saan bida ang Kapuso child actor na si Franchesco Maafi kasama ang mga character actors na sina Soliman Cruz, Migui Moreno at Mike Lloren, ang mga theater-film actresses na sina Malou Canzana. Romina Cauilan, at Ella Sheen at ang newbie actor Angelo Gomez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang The Special Gift ay sa panulat ni Erick R. Castro, with Roy Gomez as executive producer at sa direksyon ni Lawrence Roxas (directorial debut for full length).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former child star BJ "Tolits" Forbes reaffirms his respect for his former Eat Bulaga! family, despite the ongoing controversy involving TVJ and TAPE Inc.: “Siyempre po, I have respect for TVJ and also for TAPE Inc. Hindi naman po ako kasama dun sa issue, e. So hindi po ako para makisali, but yung respeto at pagmamahal nandun po."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results