PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon's Swipe at Eat Bulaga Trademark

"Sa kanila ang RENEWAL, sa amin ang NUMERAL!"
by Jojo Gabinete
Published Aug 5, 2023
Joey de Leon, Paolo Ballesteros, and TVJ
Joey de Leon (wearing a cap) posts cryptic message following the renewal of 'Eat Bulaga!' trademark registration under TAPE Inc. The legal battle over copyright infringement and unfair competition complaints that TVJ (right) filed against TAPE Inc. is still ongoing.
PHOTO/S: @angpoetnyo Instagram / Screengrab from E.A.T.

Sa mga host ng E.A.T., si Joey de Leon ang unang nagbigay ng reaksyon tungkol sa Certificate of Renewal of Registration na ipinagkaloob ng Intellectual Property Office (IPOPHIL) sa Television and Production Exponents Inc. o TAPE Inc.

Ang TAPE Inc. ang producer ng Eat Bulaga! na umeere sa GMA-7.

Sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o TVJ ang original hosts ng Eat Bulaga! sa loob ng halos 44 taon, bago kumalas ang TVJ sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.

"Sa kanila ang RENEWAL, sa amin ang NUMERAL! Thanks for promoting us for the next TEN years! I’m still with EB, ah,ah not that EB but with Ellen and Barbie,” saad ni Joey sa kanyang Instagram post ngayong Sabado ng gabi, August 5, 2023.

Ang kapwa Dabarkads ni Joey na sina Allan K at Paolo Ballesteros ang tinutukoy ni Joey na "Ellen" at "Barbie" o may initials na "EB."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May Barbie doll transformation kasi si Paolo, habang si Allan K ay gumaganap na Ellen sa isang segment ng E.A.T.

Hindi maipagkakaila na may kinalaman sa isyu ng Certificate of Renewal of Registration na ibinigay ng IPO sa TAPE Inc. ang pahaging ni Joey.

Masalimuot ang isyu dahil parehong inaangkin ng TVJ at TAPE Inc. ang pagmamay-ari ng pangalan at logo ng Eat Bulaga!, na kilala rin bilang EB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ongoing ang legal battle ng magkabilang-kampo hinggil dito.

Si Joey ang unang testigo na umupo sa witness stand noong July 27, 2023, nang dinggin ni Judge Romeo Dizon Tagra ng Branch 273 ng Marikina Regional Trial Court ang Application for the Issuance of Writ of Injuction on the Copyright Infringement and Unfair Competition, na inihain nila nina Tito Sotto at Vic Sotto.

Kasama rin sa naghain ng reklamo laban sa TAPE Inc. ang E.A.T. creative director na si Jeny Ferre.

Ang TAPE Inc. legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang nagkumpirma ngayong Sabado, August 5, 2023, sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na natanggap nila mula sa IPOPHIL ang Certificate of Renewal of Registration na may bisa ng sampung taon.

Base sa dokumentong ipinakita ni Garduque, ang Eat Bulaga! trademark na nakarehistrong pagmamay-ari ng TAPE Inc. ay para sa trademark classes 16, 18, 21, at 25—o merchandise items na nasa paper and cardboard, leather and imitations of leather, household or kitchen utensils, at clothing/ footwear/ headwear, respectively.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibig sabihin, ang 10-year registration ay para sa pamagat at logo ng Eat Bulaga! na makikita sa nabanggit na merchandise items.

Ito ay sa kabila ng inihaing petisyon sa IPO nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TVJ) na kanselahin ang Eat Bulaga! trademark registration ng TAPE Inc.

Hindi naman malinaw kung ano ang resolusyon ng IPOPHIL kaugnay ng pinaglalaban ding trademark class 41 ng TVJ at TAPE Inc.

Base sa record na makikita sa website ng World Intellectual Property Organization (WIPO), pending pa ang application for registration ng TVJ para sa Eat Bulaga! trademark class 41 o entertainment services.

Patuloy pa ring naninindigan ang TVJ na sila ang nagmamay-ari ng pangalang Eat Bulaga!

Inilalaban din ng TVJ hindi lang ang pagmamay-ari raw nila ng Eat Bulaga! trademark kundi copyright ng buong programa.

DIFFERENCE BETWEEN TRADEMARK AND COPYRIGHT

Ang trademark, ayon sa R.A. 9293, ay may kinalaman sa marka o visible signs tulad ng brand names at logos na kumikilala sa partikular na goods o services.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nagmamay-ari ng isang trademark ay base sa kung sino ang unang nagparehistro nito. Maaari itong i-contest sa pamamagitan ng petition for cancellation.

Ang copyright ay tumutukoy sa "artistic, literary, or intellectually created works" tulad ng music, novels, photos, audiovisual works, at cinematographic works to name a few.

Ang pagmamay-ari ng copyright ay protektado mula sa moment of creation ng may likha nito. Depende rin kung mayroong kontratang napagkasunduan sa pagitan ng may likha at ng kumpanyang pinapasukan nito.

Sa ngayon, ongoing pa ang legal battle ng TVJ laban sa TAPE tungkol sa isyu kung ang Eat Bulaga! ay maituturing na copyrightable work.

READ RELATED STORIES:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Leon (wearing a cap) posts cryptic message following the renewal of 'Eat Bulaga!' trademark registration under TAPE Inc. The legal battle over copyright infringement and unfair competition complaints that TVJ (right) filed against TAPE Inc. is still ongoing.
PHOTO/S: @angpoetnyo Instagram / Screengrab from E.A.T.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results