May anak na ang aktor na si Rob Gomez sa beauty queen na si Shaila Rebortera.
Mismong si Shaila ang nagsiwalat nito sa pamamagitan ng kanyang Facebook at Instagram posts ngayong Biyernes ng gabi, August 4, 2023.
Sa pagkakaalam ng publiko ay single si Rob, kaya ikinagulat ng marami ang rebelasyon ni Shaila na may anak sila ng Magandang Dilag actor.
Amelia ang pangalan ng cute baby daughter nina Rob at Shaila.
At ayon sa impormasyong nakalap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ay isang taong gulang na ang bata, at sina Rob at Shaila pa rin hanggang ngayon.
Kalakip ng mga larawan ng kanilang anak at nilang tatlo, ito ang nakasaad sa caption ng post ni Shaila:
“I’ve always been told to wait for the perfect time to tell the world about you. However, I realized, there is no such thing as 'perfect time.'
"We only have one life to experience these moments and it is in our hands to make these moments perfect.
“My life, for the most part, has always been private — but honest. For over a year, I’ve been bursting to show you to the world, and to show you the world.
“My heart has never known this much love until I had you, my Amelia.”
Naka-tag sa post niyang ito si Rob.
ROB'S FAST TALK INTERVIEW
Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng paglantad ni Shaila sa publiko tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni Rob, ngunit posibleng may kinalaman ito sa interview ng aktor sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, August 3.

Tinanong ni Boy Abunda si Rob kung ano ang estado ng relasyon nila ni Herlene Budol. Bukod sila ang magkapareha sa Magandang Dilag ay sila rin ang magka-date sa GMA Gala 2023 noong July 22.
Sinabi ni Rob na magkaibigan lamang sila ni Herlene, at wala silang relasyon sa labas ng trabaho.
Nang tanungin kung single siya ngayon, mabilis na "yes" ang tugon ni Rob.
Pero sinabi rin ng aktor na may nililigawan siya ngayon.
"Kawawa naman tayo kung wala tayong love life," sabi niya.
Pero hindi niya masagot nang diretso kung may idine-date siya ngayon.
Sabi lang niya, "We always have someone."
Nahirapan naman siyang sumagot nang pagpaliwanagin siya sa kanyang sinabi, at halata ring kinakabahan si Rob dahil pinagpapawisan na siya sa puntong iyon ng interview kahit malamig naman sa studio.
Nang kumalma na ay sinabi ni Rob, "Masaya naman po tayo ngayon. I'm very happy with how everything's going—with work, with my life outside of work. Everything's good."
Read: Rob Gomez, hindi pinagsisisihan ang pagpapaseksi sa unang pelikula
WHO IS SHAILA REBORTERA?
Pamilyar sa publiko si Shaila dahil siya ang itinanghal na Miss Millennial Philippines 2018, ang beauty pageant ng Eat Bulaga!. Siya ang kinatawan noon ng Cebu.

Noong 2021, kinoronahan naman siyang Miss Multinational Philippines.

Miss Cebu 2016 second runner-up at Sinulog Festival Queen noong 2018 ang ilan pa sa mga beauty title ni Shaila.
Ngayon ay isa nang licensed dentist si Shaila.