Kinumpirma ng aktres na si Michelle Madrigal na "single" siya ngayon.
Ito'y matapos ang ilang buwang haka-haka tungkol sa hiwalayan nila ng American boyfriend niyang si Kyle.
May 2023, unang umugong ang balitang hiwalay na sina Michelle at Kyle matapos mapansin ng ilang netizens na burado na sa Instagram feed ng aktres ang mga litrato at videos nilang magkasama.
Sa pamamagitan ng Instagram video nitong July 31, 2023, tinuldukan na ni Michelle ang haka-haka tungkol sa tunay na estado ng kanyang love life.
Sa naturang video, makikitang naglalakad si Michelle habang makikita ang mga salitang “I’m 34. Divorced. Single. Mom of 1. Healing & Happy."
Dagdag pa rito ang makahulugang caption niya: "I’m proud of her. She’s courageous, wiser & full of wisdom.
"Don’t underestimate what GOD can do to heal you. You just have to ask and surrender."
MICHELLE-KYLE RELATIONSHIP
Noong August 22, 2022, ipinakilala ni Michelle si Kyle bilang kanyang boyfriend, apat na buwan matapos masapinal ang divorce nila ng dating asawang si Troy Woolfolk.
Read: Michelle Madrigal introduces new boyfriend four months after divorce
Pag-amin noon ni Michelle, wala sa plano niyang magka-boyfriend agad matapos nilang mag-divorce ng kanyang ex-husband.
Read: Michelle Madrigal opens up about reasons that led to her heartbreaking divorce
Kung tutuusin, handa raw siyang maging single sa mahabang panahon pero marunong daw talaga ang Diyos at binigyan siya ng panibagong pag-ibig.
Read: Michelle Madrigal says new relationship “definitely not in my plan”
November 8, 2022, sa eksklusibong panayam ng PEP.ph kay Michelle, ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala at ang unang pagkikita nila ni Kyle sa Texas.
Paglilinaw niya noon, siniguro niyang naka-move on na siya sa separation nila ni Troy bago siya nakipag-date kay Kyle.
Binuo muna rin daw niya ang sarili at inalam ang kanyang boundaries, kaya raw nang magsimula siyang makipag-date uli ay may kumpiyansa na siya sa pagsabi kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki.
Lahad ng aktres: "At some point, I was casually dating. I haven't been dating in a long, long time. I just wanted to see what does it feel like.
"I go on coffee dates, mga walk lang. Hindi naman mga formal na wine and dine. I wanted it to be casual, like getting to know a new friend.
"And then, ayun, eventually I was on dating apps, kasi where would you meet guys?
"I wasn't partying every night. I'm a single mom, so I have my responsibilities."
Karamihan daw sa dating scene sa Austin, Texas ay mga "bagets."
Pagbabahagi pa ni Michelle, "Here, pag gumigimik ako, a lot of the guys are in their late 20s. Ayoko naman ng sobrang bata, ayoko rin naman ng sobrang older than me rin.
"I want someone na at least yung close to my age pero mature enough to be open sa concept na I'm a single mom.
"Siyempre some are interested. But when you're gonna date, especially kay Anika, di ko siya in-expose kahit kanino."
Si Anika ay ang anak ni Michelle kay Troy.
Read: Michelle Madrigal reveals how she met new boyfriend in Texas
Hangang noong December 17, 2022, isiniwalat ni Michelle sa kanyang vlog na katulad ni Troy ay sa isang dating app din niya nakilala si Kyle.
Aniya, “We met through Hinge, so it's a dating app. Obviously, hindi ako masyadong lumalabas being a single mom. And nag-swipe siya at ako rin, and then we started chatting.”
Ang Hinge ay isang dating app ng mga nais magkaroon ng long-term relationship.
Isa raw sa traits na nagustuhan ni Michelle kay Kyle ang pagiging wholesome nito sa kanyang profile sa dating app.
Lahad niya, "Nandun yung pictures ng kids niya. I also had my daughter sa profile ko.
"You could really tell kung ano yung character ng lalaki the way they are sa kids nila.
"When I saw how he is around his kids — the way he talks to them, the way niyang i-treat sila — I was like, 'Oh my gosh, lagot.’”
Read: Michelle Madrigal finds love on dating apps twice: ex-husband on Tinder, new boyfriend on Hinge
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sinasabi si Michelle tungkol sa dahilan ng hiwalayan nila ni Kyle.
Read: Michelle Madrigal on being unfaithful in the past: “Gumanti lang ako nun.”
