Ikinalulungkot ni Kyline Alcantara ang napapabalitang pagkabuwag ng kanilang love team ni Mavy Legaspi na "MavLine," pero hindi naman daw niya hawak ang desisyon ng kanilang home network, ang GMA-7.
Read: Mavy Legaspi details how he waited for Kyline Alcantara to fall in love with him
"Actually, kung ganun po ang plan, okay naman po para sa amin ni Mav. Kasi siyempre, gusto naming masulit yung youth namin.
"Meaning, gusto naming mag-explore sa maraming bagay... with or without the love team, okey naman po.
"Para sa aklin, and I know, yun din po ang magiging statement ni Mavy. Ganun din po siya," saad ni Kyline nang eksklusibo siyang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) matapos ang kanyang relief operation sa Barangay Basag, sa Ligao, Albay, noong Martes, August 1, 2023.
Sa tingin ba niya, mas maganda ito para sa kanyang career?
Ani Kyline, "Actually po, even before na mga interview ko pa, yun naman talaga ang mga sinasabi ko, na gusto ko nang solo.
"But then again, I trust the management. And, pinagkatiwalaan nila ako sa isang love team, and it worked.
"I musn't say na it didn't work... it really worked.
"And now, kung yun ulit ang plano nila o may iba silang plano para sa akin, I still trust them, of course. Sila pa rin ang nakakaalam."
Kung siya ang masusunod, mas gugustuhin ba niyang sana ay mas tumagal pa ang "Mavline," lalo na nga't click naman ito sa mga tagahanga?
Sabi ng 20-year-old actress, "Sa pagkakaalam ko po, no one's saying na it ended na talaga.
"So, parang kung may iba mang plano, of course, kasi nag-work out naman nga lately yung love team namin ni Mavy. But again, kung may ibang plano ang management, I would definitely trust them.
"Actually, noong nagsisimula pa lamang ang aming love team, napag-usapan na namin kaagad-agad. Na kung ano ang plano. Kung yun ang makakabuti sa aming dalawa individually, why not?"
Patungkol lamang iyon sa kanilang TV career. Pagdating naman daw sa personal nilang buhay, lalo na nga't nali-link sila sa isa't isa, wala naman daw magbabago.
Hindi naman daw mabubuwag nang ganun na lang ang matagal na rin nilang binuong espesyal na pagkakaibigan.
Pagdidiin ni Kyline, "Oo naman po. Siyempre, alam naman po namin ni Mavy ang separation ng career at personal.
"Oo naman po, definitely. Kasi, kahit noong di pa kami love team, friends na po kami.
"Sana naman po, hindi."
Paano kung may ibang i-partner sa kanya sa ibang male actors ng Kapuso network, welcome ba ito sa kanya?
Nangingiting saad ni Kyline, "Hala! Pero, oo naman po.
"'Coz I'm ready naman po... always ready to work with other actors.
"And I would love to work with different actors and actresses.
"So, okey naman po."
Sa kasalukuan ay naghahanda si Klyline sa anumang proyektong ibigay sa kanya ng GMA-7, matapos nilang gawin ni Mavy ang Love At First Read. Si Mavy naman ay abala sa stint nito sa Eat Bulaga!.
