Pinanindigan ni Maine Mendoza ang pagpuna sa aniya'y “misleading and FALSE” headline ng online news site na Inquirer.net kahit binura na ng TV host-actress ang nauna niyang tweet.
Tinawag din niyang “fake news” ang ulat na magbibiyahe sila ng asawang si Quezon City First District Representative Arjo Atayde sa Switzerland, Greece, at Italy sa “official capacity” mula August 5 to 27, 2023.
Si Arjo ang vice chairperson of the Special Committee on the Creative Industry and Performing Arts ng Kongreso.
Dadalo rin ang mag-asawa sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland dahil gagawaran doon ng parangal ang pelikulang pinagbibidahan ni Arjo, ang Topakk.
Ang dating kasi kay Maine ng lumabas na ulat ng Inquirer.net ay isasabay ng mag-asawa ang kanilang honeymoon sa official travel ni Arjo, at maaring magamit ang “pondo ng gobyerno.”
Read: Maine Mendoza reacts to “misleading and FALSE” headline about Europe trip with husband Arjo Atayde
Sabi ni Maine sa kanyang tweet ngayong umaga ng Miyerkules, August 2, 2023, may dalawang uri ng “official” travels ngunit hindi niya binanggit ang mga ito.
Posibleng kausapin daw ulit siya upang burahin ang kanyang post, pero umaasa ang TV host-actress na mailagay sa artikulo na ang lahat ng gagastusin nila ni Arjo sa biyahe ay mula sa sarili nilang bulsa at walang manggagaling sa pondo ng gobyerno.
Buong pahayag ni Maine: “The article is still misleading and lacking context. It insinuates that this trip is at government expense.
"There are two kinds of “official” travels and I hope you include that in your article and where this trip falls under.
"I will probably be asked to delete this again but I shall say it again one last time, EVERYTHING is at PERSONAL EXPENSE. 100%. No government funds will be used.
"Hope you can insert that somewhere in your article. Salamat.”
Bago ang bagong post ni Maine sa X (dating Twitter), nag-post din ang Inquirer.net kung saan pinanindigan nila ang kanilang balita dahil suportado raw ito ng mga dokumento mula sa "highly-placed sources."
Ikinasal sina Maine at Arjo nitong nakaraang July 28, 2023 sa Baguio City, Benguet.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married
Read More:
- Arjo Atayde's father Art welcomes “lovely daughter” Maine Mendoza to their family; other celebs' posts and wedding highlights
- Celebs upload photos of Maine Mendoza and Arjo Atayde a day after their wedding
- Noli de Castro gets flak for comment about Maine Mendoza-Arjo Atayde wedding
- Sylvia Sanchez thankful for good weather during Arjo-Maine wedding; newlyweds to travel to Europe
