PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Coleen Garcia opens up about feeling left behind|

"Ngayon lang ako nagkaroon ng time din for myself."
by Bong Godinez
Published Aug 2, 2023
Coleen Garcia
Coleen Garcia is excited to resume her acting career via the six-part romantic drama series 'Kung Hindi Lang Tayo Sumuko' on the streaming platform Viva One.
PHOTO/S: Coleen Garcia (Instagram)

Aminado si Coleen Garcia na na-miss niya ang showbiz matapos pansamantalang mag-lie low para pagtuunan ang pagiging ina at asawa.

Kaya naman masayang-masaya ang aktres na muli siyang masisilayan ng mga manonood sa Kung Hindi Lang Tayo Sumuko, ang bagong serye na mapapanood sa streaming site na Viva One simula sa August 21, 2023.

Hango ang serye sa popular na libro na isinulat ni Marcelo Santos III.

Kasama ni Coleen sa serye sina Carlo Aquino, Ryza Cenon, Jerome Ponce, Kiko Estrada, at Rhen Escaño.

Si Carlo Catu (My Delivery Gurl, Misis Piggy) ang direktor ng nasabing palabas.

REGAINING ENTHUSIASM

Sinabi ni Coleen na nakatulong ang short break niya sa showbiz para magkaroon ng malalim na appreciation sa trabaho bilang artista.

Almost three years hindi tumanggap si Coleen ng acting projects para matutukan ang anak na si Amari.

Si Amari ay anak ni Coleen sa mister na si Billy Crawford, at ipinanganak nung September 10, 2020, na kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa press conference ng Kung Hindi Lang Tayo Sumuko nung Martes, August 1, 2023, sa Viva Café sa Cubao, Quezon City, bakas ang saya ni Coleen sa kanyang pagbabalik sa limelight.

“Super, na-miss ko kayo lahat ka-chika, na-miss ko yung ganitong events,” sambit ni Coleen nang makausap siya ng entertainment press, kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, “Parang it’s a part of me [showbiz] na hindi ko alam na it really is a part of me.

“Masaya naman ako at home and I think those three years were very important para ma-realize ko na this is all I need and everything outside is a bonus para mas ma-enjoy ko.

“Feeling ko kasi before, I was taking everything too way seriously, and sometimes when that happens, especially in the public eye, we get a lot of comments, we get a lot of bashing every now and then, sometimes it hurts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang those years just with my family made me realize na ito pa lang masaya na ko.

“So, whatever is outside, plus na lang yun. Walang minus, plus lang.”

Sakto naman at agad na nagustuhan ni Coleen ang kuwento ng Kung Hindi Lang Tayo Sumuko nang ialok ito sa kanya ng Viva.

HAVING TIME FOR HERSELF AND CAREER

Nais ni Coleen na ituluy-tuloy na ang kanyang pagbabalik sa showbiz.

Hindi naman daw ito makakaapekto sa kanyang responsibilidad bilang ina at asawa, at bagkus ay makakatulong pa nga ito para bumalik ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

Sabi ni Coleen, "I feel like finally after three years nakakabuwelo na ako in the career aspect this time. At saka Billy’s away, he’s away for two months, nasa France siya. So, ngayon lang ako nagkaroon ng time din for myself."

May mga series of shows si Billy sa France, dahilan para mawalay ito sa kanyang pamilya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Initially ay balak sana nina Coleen at Amari na sumunod kay Billy sa Europe at may mga plano rin silang mag-travel as a family.

Subalit dahil sa pagdating mga mga proyekto kay Coleen ay minarapat nitong manatili sa Pilipinas para magampanan ang kanyang commitments.

"I haven't been able to find my footing for the longest time so I really need this time also, and I really prayed so hard about it," paliwanag ni Coleen.

"I felt that God tell me to stay talaga so naramdaman ko talaga. I told Billy and he said, "It’s okay, Love."

Read: Coleen Garcia pens appreciation post for Billy Crawford to mark anniversary as couple

Katulad ng karamihan ay nakaranas din ng struggles si Coleen nitong mga nakaraang taon dulot na rin marahil ng uncertainties na dala ng pandemya.

Kaya naman malaking blessing para sa kanyang muling maging busy sa trabaho.

Sabi ni Coleen, "I was left behind talaga for the past three years — my mental health, everything, it took the backseat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So now, I’m finally recovering. Si Amari, pinapayagan na ako mag-work.

"I think the three years that I really bonded with him, it helped."

WORKING WITH HER CO-STARS

Masayang ibinahagi ni Coleen na naging malapit na siya sa kanyang mga kasama sa Kung Hindi Lang Tayo Sumuko, partikular sa female co-stars niya na sina Ryza at Rhen.

Pinuri rin ni Coleen ang dedikasyon sa trabaho ng kanyang leading man na si Carlo Aquino.

"Okay naman pala siya!" natatawang biro ni Coleen.

"Sobrang napaka-gentleman, napaka-professional, very accommodating.

"The whole time I was so comfortable working with him. Walang mabigat na feeling, walang ilang, yung mga ganun.

"Napakagaan po niya katrabaho and very realiable as an actor."

Hindi ito ang unang beses na nagkasama sa isang proyekto sina Coleen at Carlo.

Magkasama sila sa 2018 hit romantic drama film na Exes Baggage, na kung saan ay gumanap sila bilang dating magkasintahan sa karakter nina Nix (Carlo) at Dwein (Coleen).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Relasyon ni Carlo Aquino kay Charlie Dizon, may kakaibang epekto sa aktor

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coleen Garcia is excited to resume her acting career via the six-part romantic drama series 'Kung Hindi Lang Tayo Sumuko' on the streaming platform Viva One.
PHOTO/S: Coleen Garcia (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results