Hindi pinalampas ni Maine Mendoza ang isang online news site na aniya'y nagpakalat ng “fake news.”
“Misleading and FALSE” din daw ang headline nito.
Tila isinulat daw ang balita ng isang “uninformed and privy writer."
Nag-ugat ito sa lumabas na impormasyon mula sa opisina ng asawa ni Maine na si Quezon City First District Representative Arjo Atayde na may official travel ang actor-politician sa Europe, mula August 5 to 27, 2023, bilang vice chairperson of the Special Committee on the Creative Industry and Performing Arts ng Kongreso.
Dadalo rin ang mag-asawa sa 76th Locarno Film Festival sa Switzerland dahil ang pelikulang Topakk ni Arjo ay kasali sa festival.
Pero tila lumabas umano sa headline ng nasabing online news site na isasabay sa official travel ng mambabatas ang honeymoon nila ni Maine.
Paglilinaw ni Maine, kung magliliwaliw man sila o magha-honeymoon ay manggagaling ang pera sa sarili nilang bulsa.
Tweet ni Maine, “Huh? Fake news na naman. This seems to be written by an uninformed and privy writer. The headline is misleading and FALSE.
"Arjo will go to Locarno as his film is part of the Locarno film fest. Our PERSONAL trip after that is at PERSONAL expense.. out of our OWN pockets.”
Dagdag pa ni Maine, dapat sa netizens ay mag-fact check muna at hindi basta bumanat na lamang.
Aniya, “Context. Next time yung mga magagaling nating netizens kung walang time mag fact check, huwag padalos-dalos sa pag react. Mema minsan.
"Pati kayo nagpapaloko sa maling balita at impormasyon. Sayang ang pagiging “woke” kung lahat nalang papaniwalaan.”
Burado na sa Twitter ang report.
Ikinasal sina Maine at Arjo sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, nitong nakaraang July 28, 2023.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married
Hindi pa malinaw kung nasa Bali, Indonesia pa ang mag-asawa ngayon o nakabalik na ng Pilipinas dahil dumalo rin sila sa kasalan nina Maja Salvador at Rambo Nuñez kahapon, July 31, 2023.
Read: Maja Salvador and Rambo Nuñez tie the knot in Bali, Indonesia
