Simple lang para kay former Senate President at E.A.T. host na si Tito Sotto ang solusyon sa hinaing ni Paolo Contis na nasasaktan siya kapag tinatawag na 'Fake Bulaga!' ang revamped Eat Bulaga!.
Isa si Paolo sa hosts ng Eat Bulaga! matapos kumalas ang original hosts ng programa na sina Tito, Vic Sotto, at Joey de Leon, at maging ang lahat ng co-hosts ng programa noong May 31, 2023.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
Suhestiyon ni Tito sa TAPE, Inc., ang producer ng longest-running noontime show, palitan ang pangalan ng programa na iniwan nila.
Nitong nakaraang July 29, ni-retweet ni Tito ang isang balita tungkol sa saloobin ni Paolo tungkol sa masakit na salitang kinakantiyaw sa kanila ng netizens.
Saad ni Tito, “Then why not think of a new name?”
Naglitanya si Paolo tungkol sa 'Fake Bulaga!' comments ng netizens sa ika-44 anniversary celebration nila sa Eat Bulaga!.
Read: 'E.A.T.' at 'Eat Bulaga!' sabay na nagdiwang ng anibersaryo
Pahayag ng actor-TV host, “Marami pong nagsasabi na kami ay fake. Marami ang nagsasabing kami ay 'Fake Bulaga!'
"Wala pong peke sa pagmamahal ko sa grupong ito. Wala pong peke sa pagmamahal ko sa staff.
"Walang peke sa pagmamahal ko sa crew. Walang peke sa pagmamahal ko sa trabahong to.
"Kaya masakit po sa amin kapag tinatawag niyo kaming 'Fake Bulaga!' dahil wala pong fake sa ginagawa namin, sa ngiti na nakikita namin sa mga tao. Wala po."
Read: Paolo Contis, sinagot ang batikos na "Fake Bulaga" ang revamped 'Eat Bulaga!'
Nauna na ring nagpatutsada si Joey tungkol sa mga “KAPALMUKS," na hinala ng netizens ay ang mga bagong host ng revamped Eat Bulaga! ang pinatatamaaan.
Ayon kay Joey noong Sabado pa din, July 29, “As of today, nadagdagan na naman ang mga network nicknames—-Kapatid, Kapamilya, Kapuso, KAPALMUKS! [winking with tongue out emoji]”
Read: Who is Joey de Leon alluding to in his “KAPALMUKS” post?
