PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Glydel Mercado's Dream Schizophrenia Role

"Iyon ang gusto ko!"
by Rommel Gonzales
Published Jul 30, 2023
Glydel Mercado
Glydel Mercado in her role as Madam Rosita in 'Kadenang Ginto' in 2019. Glydel belongs to the prestigious list of actresses who had "grand slam" wins for a single role in a movie, which she says now, is hard to do. "Mahirap nang maka-grand slam ngayon kasi sa dami ng award-giving bodies."
PHOTO/S: Screengrab from Kadenang Ginto

Isa ang aktres na si Glydel Mercado sa mga artistang nakaranas ng tinatawag na "grand slam win" pagdating sa pagwawagi ng acting awards.

Grand slam na maituturing ang pagkapanalo ng award ng isang artista kung nagwagi ito para sa pagganap sa isang role sa isang pelikula, mula sa apat na major award-giving bodies for film sa Pilipinas.

Ang mga ito ay ang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences), Gawad Urian, FAP (Film Academy of the Philippines) / Luna Awards, at Star Awards.

Si Glydel ay nagwagi ng grand slam win para sa kanyang pagganap sa pelikulang Sidhi (1999).

Kasama niya sa pelikulang ito sina Nora Aunor, Albert Martinez, at Samantha Lopez, sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan, at mula sa script ni Ricky Lee na ibinase ang istorya sa Palanca Award-winning teleplay ni Rolando Tinio.

Marami sa observers ng lokal na pelikula ngayon ang may opinyon na sa rami ng award-giving bodies sa kasalukuyan, tila wala nang nakaka-grand slam win.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang masasabi ni Glydel tungkol dito?

“Well, totoo ka. Mahirap nang maka-grand slam ngayon kasi sa dami ng award-giving bodies, nakikita-kita ko rin," sagot ni Glydel.

“Talagang mahirap yung isang artista na manalo dun sa lahat ng award-giving bodies na nagbibigay ng awards. Kaya siguro suwertihan na lang, talagang suwertihan na lang kapag na-grand slam mo lahat iyon.

“Kaya ayun, I mean, just do your best.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glydel sa formal contract signing ng cast members ng family drama film na Unspoken Letters nitong July 13, 2023, sa Limbaga 77 restaurant sa Scout Limbaga, Quezon City.

Glydel in a prestigious list

Anong masasabi ni Glydel na isa siya sa mga aktres sa presihiyosong listahan ng mga nakatikim ng grand slam win?

Kahanay niya ang mga katulad nina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Elizabeth Oropesa, Nida Blanca, at Gina Alajar.

“Very lucky siguro kami, kasi at least naabutan pa namin yung ganun na five or four award-giving bodies na masu-sweep mo lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So kaya very lucky and very, very proud kami. Very thankful na naabutan namin yung genre na yun.”

Kasama sa cast ng Unspoken Letters ang mister ni Glydel na si Tonton Gutierrez, Matet de Leon, Gladys Reyes, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Orlando Sol, Deborah Sun, John Heindrick, at ang bidang si Jhassy Busran. Introducing sa pelikula sina MJ Manuel at Kristine Samson.

wants to portray a schizo

Bilang isang mahusay na aktres, meron pa bang role o papel na nais gampanan si Glydel na hindi pa niya nagagawa sa buong showbiz career niya?

“Actually yes, siguro yung pagkakaroon ng schizophrenia!

“Gusto ko yung magagawa ko yung iba’t ibang kinds of roles na magagawa mo, kasi puwede mong i-detach yung totoo mong sarili sa character na ginagawa mo," katuwiran pa ni Glydel.

Sa dami na ng nagawa ni Glydel na papel sa pelikula at telebisyon ay mayroon pa pala siyang hindi nagagawa, hindi pala lahat ng papel ay naibigay na sa kanya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi pa. Yung mga nakakakita ka ng kung anu-ano 'tapos nagsasalita ka ng mag-isa, iyon ang gusto ko!”

Nagbigay si Glydel ng halimbawa ng mga karakter at pelikulang nais niyang gawin kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Yung Split, yung twenty-three ang personalities niya, sikat na pelikula yun.”

Ang Split ay pelikula noong 2016 ng direktor na si M. Night Shyamalan na pinagbidahan ni James McAvoy na gumanap bilang isang lalaking may dissociative identity disorder at nagtataglay ng twenty-three personalities.

Base sa pahayag pa ni Glydel fan siya series of films na ito ng American director na si Shyamalan.

“Ang una is yung Unbreakable, kay Bruce Willis, pangalawa is yung Split, yung pangatlo is kay Samuel Jackson, yung Glass.”

Ang Split ay standalone sequel ng Unbreakable na pinagbidahan naman ni Bruce Willis noong 2000, at ang pangatlo sa Unbreakable trilogy ni Shyamalan ay ang Glass na pinagbidahan naman ni Samuel Jackson noong 2019 kung saan napanood din sina Willis at McAvoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung twenty-three personalities, totoong nangyayari sa tao yan, merong twenty-three personalities, minsan may fifty personalities, totoo yan.

“Pag nag-research ka, hindi lang multiple personalities, as in maraming personalities," mala-trivia pang kuwento ni Glydel.

Samantala, ang Unspoken Letters ay kuwento ng buhay ni Felipa (Jhassy Busran), na pinakabunso sa kanilang pamilya na may medical condition na tinatawag na Autism Spectrum Disorder (ASD).

Ang pelikula ay sa produksyon ng Utmost Creatives Motion Pictures, sa panulat at direksyon ni Gat Alaman at mga co-directors niya ang Italian director na si Paolo Bertola at ang seasoned assistant director na si Andy Andico.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glydel Mercado in her role as Madam Rosita in 'Kadenang Ginto' in 2019. Glydel belongs to the prestigious list of actresses who had "grand slam" wins for a single role in a movie, which she says now, is hard to do. "Mahirap nang maka-grand slam ngayon kasi sa dami ng award-giving bodies."
PHOTO/S: Screengrab from Kadenang Ginto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results