Labis ang pasasalamat ni Jessy Mendiola sa pagkakaroon niya ng mga in-laws na ayon sa aktres ay katuwang nila ng asawa niyang si Luis Manzano sa pagpapalaki sa anak nilang si Baby Peanut.
Ayon kay Jessy, excited ang mga itong alagaan si Baby Peanut at nakita niya gaano nito alagaan at mahalin ang anak.
Read: Jessy Mendiola grateful for having in-laws who are ready to help "agad-agad"
Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vilma sa pictorial ng pelikulang When I Met You In Tokyo na ginanap sa isang studio sa San Antonio Village sa Makati City nung nakaraang July 22, nagbigay pahayag ang Star For All Seasons na anak na rin ang turing niya kay Jessy.
Siniguro rin niyang bilang isang biyenan ay lagi siyang handang sumuporta at tumulong sa mag-asawa.
Read: Vilma Santos reveals advice to first-time parents Luis Manzano and Jessy Mendiola
"Thank you, Jessy! Kasi si Jessy, now that she's married to Lucky, para ko na rin siyang daughter.
“Anything na puwede kong maibigay sa kanila na suporta at pagmamahal as an in-law, nandiyan ako lagi kay Jessy.
"But again, isa ako sa nagdadasal kasi isa ito sa next chapter sa buhay nila, may baby na sila, nandito ako to guide them and pray for them," paninigurado ng premyadong aktres.
VILMA LOOKS FORWARD TO BABY PEANUT’S WEEKEND VISITS
Pagkukuwento rin ni Ate Vi, isa ang apo sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya pero sa ngayon ay alam niya na ine-enjoy pa nila Luis at Jessy si Baby Peanut.
Read: Vilma Santos pens sweet message for first grandchild Baby Rosie: "Proud of you!!!"
Pag-amin niya, "Ang sarap, pero of course, di ko pa naman puwedeng angkinin si Peanut kasi six months old pa lang siya. Ine-enjoy pa siya ng parents niya.
“Ayoko namang mag-overboard kasi siyempre as Momsie, as grandma, every weekend dinadala nila sa akin pero nakikita ko ine-enjoy pa ng mga magulang so bayaan mo muna sila. Pero of course, nakakabigay sa akin ng inspirasyon talaga si Peanut."
Nag-post si Ate Vi ng picture nila ni Peanut kung saan pareho silang naka-headband. Marami ang nakakapansin na malaki ang pagkakahawig nila ng kanyang apo.
Lahad niya, "Oo naman, kaliwete saka kulot ang buhok saka pareho kaming naghe-headband na. Ano ang masasabi mo, di ba?"
VILMA LAUDS LUIS’ MATURITY AS A FATHER
Pinuri rin ng Star For All Seasons si Luis kung saan nakita niya kung gaano kalaki ang ipinagbago ng anak mula noong maging isa itong ganap na ama.
Pagmamalaki niya, "Ang laki ng minature ng anak ko, grabe! Saka lokong-loko talaga siya kay Peanut.
“Minsan tinatamad nang magtrabaho lalo na kung nakikita nila yung video na ayaw siyang bitawan ni Peanut.
“Sabi niya, ‘Papa will go to work.’ Ayaw siyang bitiwan.
“I mean, that's priceless for a father. Ngayon ko lang naririnig ang anak ko na ganun kaimportante sa kanya ang kahalagahan ng pamilya.
“Siguro kahit papaano, kung magkaka-inspirasyon siya sa pamilya na mayroon kami na maidudugtong niya sa pamilya niya ngayong may pamilya na siya, I'm praying for that. Nakikita ko yun kay Lucky."
Read: Vilma Santos, "heaven" ang pakiramdam na girl ang baby nina Luis at Jessy
VILMA EXCITED ABOUT MOVIE WITH CHRISTOPHER DE LEON
Balik-big screen si Ate Vi sa pelikulang When I Met You In Tokyo.
Marami ang nag-aabang na mapasama ito sa 2023 Metro Manila Film Festival kung saan nakapasok na ang pelikulang Sharon-Alden, Dingdong-Marian, Matteo-Cristine at Derek-Beauty Gonzalez.
Read: Sharon-Alden, Dingdong-Marian starrers among first four official entries at MMFF 2023
Dasal niya, "Sana nga matanggap sa MMFF kasi, in the first place, alam nating lahat na pag MMFF, may pera ang tao. Saka alam natin pag Christmas, lumalabas talaga ang mga tao, talagang they want to be entertained kung Christmas.
“Siguro kung papasok talaga kami sa MMFF, it’s meant to be, baka yun na lang para ma-enjoy din nila yung movie kasi may Christmas scene din kami dun, e.
"It's going to be interesting. So, ang maganda lang din, mayroon kaming io-offer ni Yetbo. Very simple, pero very beautiful love story.”
Sa ngayon ay super excited na sa When I Met You In Tokyo si Ate Vi kung saan malaking porsyento ng pelikula ay kinunan sa Japan.
Read: Vilma Santos, Christopher de Leon, nasa Japan nitong Holy Week
Saad niya, "Excited! Actually, di pa tayo ganun katapos kasi mas nililinis pa yung pelikula.
“They want to make it a perfect movie, so of course, pinapaganda pa talaga pero we're all excited dito sa When I Met You In Tokyo.
"Yung sa Japan, it was very smooth, of course may mga obstacles, natural naman yun gaya dito, di ba? Pero again, we all work hard. Talagang binigay namin yung share ng bawat isa.
“Especially in my case, talagang isinapuso ko si Azon [her character in the movie], same thing I guess with Yetbo, si Joey [Boyet’s character] and then ang aming mga producers, ang aming mga staff.
“We had very reliable staff, headed of course by Shayne, yung aming cinematographer. We were able to work harmoniously, and natapos namin yung dapat naming gawin."
Subok na ang tambalang Vilma-Boyet sa dami ng pelikulang pinagtambalan nila na pumatok halos lahat sa takilya. Ayon sa aktres, nakita pa rin niya ang chemistry nila ni Boyet na kahit paano ay hindi nawawala sa paglipas ng panahon.
Pag-amin niya, "Ganun pa rin, e. Natatawa nga kaming dalawa kasi parang it's better nga kasi we're more matured. Hindi mo naman maipapaliwanag, di mo naman magagawa ang chemistry.
“Ang chemistry innate, e. Lumalabas yun and I think that's one thing that I have with Yetbo and vice-versa. Kung bakit hanggang ngayon, for so many years heto pa rin kami, we're still doing a movie.
"Sabi ko nga kung papalarin kami na umabot kami ng mga 85 years old, mayroon pa rin kaya kaming pelikula na gagawin ni Yetbo, di ba?
“Yan, yung chemistry namin talaga is the magic."
