Isa sa highlights sa reception ng kasal ng actress-TV host na si Maine Mendoza, 28, at ABS-CBN actor at Quezon City First District Representative Arjo Atayde, 32, ay ang biruan nina Maine at father-in-law nitong si Art Atayde.
Bandang alas tres ng hapon ikinasal ang dalawa sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel, Baguio City, Benguet, kahapon, Biyernes, July 28, 2023.
Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are now married
Sa ulat ng TV Patrol ngayong gabi, July 29, 2023, nagbigay ng maikling mensahe sa entablado ng reception si Art.
Bahagi ng kanyang speech, “I would like to welcome to the family my lovely daughter, Maine.”
Dito ay umakyat sa stage si Maine na inalalayan ni Arjo.
Pero imbes na si Art and lapitan, si Sylvia Sanchez ang niyakap nito, kaya nagtawanan ang audience.

Ilang sandali lamang ay lumapit din naman si Maine kay Art.

Matapos nito ay bumaba na ang bagong kasal.
Dagdag pa ni Art sa kanyang talumpati, “We are all looking forward for a bright future for both of you. Gawa na kaagad kayo ng baby.”
Read: Celebs upload photos of Maine Mendoza and Arjo Atayde a day after their wedding
Hindi naman agad makakapag-honeymoon ang newlyweds dahil lumipad na patungong Bali, Indonesia sina Maine at Arjo para naman dumalo sa kasal ni Maja Salvador at Rambo Nunez, bukas, July 30, 2023.
Read: Maja Salvador, Rambo Nunez release prenup photos shot in Egypt
OTHER POSTS OF CELEBS
Ang mga kasamahan naman ni Maine sa E.A.T. ng TV5 ay nag-post na din ng mga larawang kuha nila sa seremonya.
Sabi ni Allan K sa kanyang post ng bagong kasal, “Mabuhay ang bagong kasaaaal!!! [heart emojis]”
View this post on Instagram
Hashtag lang na “#AtaydeMendoza” ang caption ni Ryzza Mae Dizon sa picture nina Maine at Arjo na magkayakap.
View this post on Instagram
Sabi naman ng host ng reception na si Sam YG, “What a night last night! Congratulations Papi @arjoatayde & @mainedcm on such a beautiful wedding.
“It was truly an honor hosting your special day! As I always say..galingan niyo haha! [heat emoji]”
View this post on Instagram
Wala namang kuha si Jed Madela kina Maine at Arjo pero masaya siyang isa siya sa mga kumanta sa kanilang kasal.
Aniya, “Happy to have sang for two amazing people last night. Congratulations @arjoatayde & @mainedcm [heart emojis]”
View this post on Instagram
