Sa gitna ng isyu ng falling-out sa pagitan ni Heart Evangelista at ng kanyang glam team, naungkat ng netizens ang TikTok video ng Kapuso actress tungkol sa kanyang "maxed-out credit card."
Ipinost ni Heart ang video niya na kunwa'y naiiyak, at may kalakip itong caption na "Yung ready ka na sana mag waldas Dahil may mga nangago sayo pero nakalimutan mo may na 24 months to pay na pala sa credit card mo."

Sa comments section, may mga napatanong kung may kaugnayan ito sa isyung hindi na bahagi ng glam team ni Heart ang makeup artist na si Justin Soriano at hair stylist na si Jeck Aguilar.
May mga nagtanong pa kung ano raw kaya ang binili nina Justin at Jecka para gawing 24 months ang installment ng payment ng credit card.
Mariin itong pinabulaanan ni Justin.
Buwelta niya sa netizen (published as is): "Dear sya lang ang nagmamaxout ng credit card niya. Wala kami paki sa credit card nya.
"Namisinterpret nyo ung tiktok nya na asa sg na may 24 mos syang babayaran.
"Sya may gastos nun hello kita nyo naman siguro sa sinusuot niya everyday dba."
May paglilinaw pa si Justin na hindi galit ang tono niya sa kanyang pahayag na "wala kami paki sa credit card."
"Ikalma nyo po," sabi pa ni Justin.

Ayon kay Justin, kataka-taka raw iyong sisihin sila ni Jecka sa credit card issue.
Sumang-ayon siya sa pahayag ng isang netizen na nagsabing kung personal credit card ay may OTP o one-time password na matatanggap ang owner para ma-authenticate o ma-validate kung legit ang paggamit dito.

Marami pa ang nagtanong kay Justin tungkol sa credit card issue.
Sa mga sumunod na salita ni Justin, tila ipinahiwatig niyang may ibang masalimuot na dahilan sa falling-out nila ni Heart.
Makahulugang lahad ni Justin (published as is): "Hindi yang ang true reason ng falling out, that was created to pivot the story. But again. My mouth will remain shut.
"Wala kasing ginamit na credit card. I have my own business, I earn on my own, I have 2 credit cards with the limits i needed and i live within my means
"I don't wanna make the issue big by throwing truth and clarifying it. Just like any social media scandal and controversies. This too shall pass."

Kinukulit ng netizens si Justin to spill the tea "bago ka pa mabaliktad."
Ang malaman uling sagot ni Justin, "Baliktarin lang all they want. Baliktarin nila with a twist. with different stories. Its a pr thing. True normal. Go langz."
Wala raw siyang kailangang itago, pero hindi rin daw siya mapipiga sa kung ano ang tunay na dahilan.

Read: Is Joshua Garcia dating French-Filipino golfer Emilienne Vigier?
ON KAT CRUZ AND MARK BUMGARNER
Bago pa sina Jeck at Justin ay lumalabas na nauna pang nawala sa glam team ni Heart ang kanyang stylist na si Kat Cruz at fashion designer na si Mark Bumgarner.
Sinasabing noong nakaraang taon pa wala ang mga ito sa glam team ni Heart.
Napansin din ng netizens na hindi na naka-follow sa isa't isa si Heart at ang dating glam team na sina Kat, Mark, Justin at Jeck.
Isang espekulasyon ng netizen ukol dito, ang kaalaman na umalis sina Kat, Mark, Justin, at Jeck "speaks volumes."
Waring sinang-ayunan ito ni Justin na nag-reply ng pointing fingers emoji sa statement ng netizen.

Panay rin ang pasalamat ni Justin sa netizens na sumusuporta sa kanila ni Jeck, pati na sa netizen na nagsabing "the truth shall prevail."

Read: Heart Evangelista stuns in Maison Schiaparelli, Bulgari at GMA Gala 2023
NO NDA WITH HEART
"I guess there's an NDA signed before parting ways with HE, kaya no ones talkinh," komento naman ng isang netizen.
Sagot ni Justin, "No NDA's. I just want peace. Hahaha though articles keeps on popping. Go lang. im still friends with people who matter. And thats all that matters."

Wala rin daw siyang "working contract" kay Heart.

Marami ang nagtaka sa pagkawatak ng glam team ni Heart dahil hindi kaila na inseparable ang mga ito lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
May panahong sa bahay na ni Heart nag-stay sina Justin at Jeck.
Ayon kay Justin, may mga natanggihan siyang ibang proyekto dahil sa mga trabaho niya kay Heart.
Pero paglilinaw rin niya, "grateful" siya kay Heart dahil malaki ang ambag nito sa narating niya ngayon.

Read: Tito Sotto on TAPE: "They're deceiving the people by saying na sila yung 'Eat Bulaga!'"