Puno ng di malilimutang kulitan, kuwentuhan, unexpected encounters at kilig moments ang katatapos na GMA Gala 2023.
Ang annual red-carpet event ng Kapuso Network ay ginanap sa Manila Marriott Hotel noong Sabado ng gabi, July 22, 2023.
Ang Summit Media Team—na pinangunahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Cosmo.ph, Preview, Candy, at Spot—ay media partner ng GMA Gala 2023 kaya mayroon itong special coverage.
Pagkatapos ng red-carpet area, may puwesto para sa Summit Media lounge kunsaan dumaan ang marami sa Kapuso at Kapamilya stars na dumalo sa okasyon.
Bukod sa mga nauna nang naiulat ng PEP.ph, narito ang ilang sidelights mula sa GMA Gala 2023:
1. FUN BAG RAIDS
Milyun-milyong views na ang inabot ng "What's In Your Clutch?" videos ng PEP.ph sa TikTok.
Ilan sa mga nagpaunlak ay sina Marian Rivera, Glaiza de Castro, Barbie Forteza, Andrea Torres, Katrina Halili, at Inah Estrada.
Marami sa netizens ang natuwa sa cute reactions nina Glaiza at Katrina na parehong natatawa na nahihiya kaya inilarawan na lang ang baon nila sa kanilang clutch.
Hindi raw maipakita ni Glaiza ang loob ng kanyang clutch dahil ang una raw na makikita ay sanitary napkin.
"May bisita ako tonight," kuwelang pag-amin niya.
@pepalerts Anong kasya sa bag ni @Glaiza De Castro? #GMAGala2023 #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGMAGala2023 #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph
Halos ganun din ang dahilan ni Katrina na nagsabing, "...Cause I have a visitor."
Cute din ang bag raid kay Inah dahil pagbukas niya ay napansin ng netizens na PHP100 bill ang unang nakita.
Game na inilabas pa ni Inah na may PHP50 at PHP20 bills din siya sa kanyang purse.
Komento niya, "I don't know why I brought it. Actually, yung stylist ko tinanong din ako, 'Ano bang bibilhin mo?!'"
Read: Glaiza de Castro wears PHP37.8 million necklace: "Bawal mawala! Bawat beso, check ako nang check!"
2. Vice Ganda's "mothering" word of the day
Laugh trip ang pagbisita ng It's Showtime hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario sa Summit Media booth.
Ang awtor na ito ang host ng mga oras na iyon para sa interbyu sa PEP.ph.
Nang tanungin kung ano ang inspiration sa outfit ni Vice, humirit ito na kung "Saint Laurent" ang designer ng classy white gown ni Anne ay "San Miguel Light" naman daw ang sa kanya.
Si Jhong ang promotor na bumulong kay Vice na iyon ang ihirit niya. Tawanan naman ang lahat pati ang mga nakapaligid na nanonood sa booth.
Maya-maya pa ay humirit si Vice patungkol sa kanyang bonggang outfit, "The only thing I told my stylist is we have to be mothering tonight. Yeah, it's gotta be mothering!"
Follow-up question namin kay Vice: "Mother ba talaga si Vice?"
Blooper pala ang tanong namin dahil hindi pagiging motherly o nurturing ang ibig sabihin ni Vice.
Paglilinaw ni Vice, "Mothering, term kasi yun, slaying ibig sabihin nun!"
Natawa naman kami at inaming hindi kami belong sa GenZ dahil hindi updated sa term.
Unforgettable ang kulitan na iyon, at nabanggit pa nila ito sa opening ng It's Showtime nitong Lunes, July 24.
3. DARREN ESPANTO SHOWS UP AS CASSY LEGASPI'S DATE
Solong naglakad si Cassy sa red carpet para sa GMA Gala 2023 dahil guest performer si Darren Espanto sa concert ng kapwa Kapamilya star nitong si Belle Mariano.
Ginanap ang concert ni Belle sa New Frontier Theater kunsaan nag-duet sila ni Darren ng kanta ni Sam Concepcion na "Dati."
Mula sa Quezon City ay dumiretso agad si Darren sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City.
Spotted pa ng PEP.ph si Cassy na sinalubong si Darren sa lounge area sa labas ng ballroom.
Masuyong inayos pa ni Cassy ang collar studs sa outfit ni Darren bago sila pumasok sa loob kunsaan ongoing na ang program.
@pepalerts @CASSY LEGASPI Fixing @Darren Espanto’s outfit ?? cuties #GMAGala2023 #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGMAGala2023 #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - grace *?????
Pagkatapos ng program, namataan uli sila ng PEP.ph kaya nakapanayam pa sila sa Summit Media lounge.
Si Cassy ay co-host ng Eat Bulaga!, ang blocktimer noontime show na umeere sa GMA-7, habang si Darren ay hurado sa "Tawag Ng Tanghalan" ng It's Showtime, na umeere naman sa GTV at Kapamilya Channel.
Read: Cassy Legaspi and Darren Espanto recall how they became close friends
4. BARBIE FORTEZA AND JAK ROBERTO HOLDING HANDS
Hindi man magkasamang rumampa sa red carpet ang magkasintahang Barbie Forteza at Jak Roberto, pagkatapos ng program ay sila pa rin naman ang magkasama.
Spotted ng PEP Team na magka-holding hands ang couple sa frontdesk ng hotel noong uwian na.
Nagpalit na si Barbie ng casual dress, pero si Jak ay naka-suit pa rin.
Nang mamataan ni Barbie ang awtor na ito ay todo-ngiti at kumaway pa ang aktres bago nagpaunlak ng photo-ops sa ilang bystanders na matiyagang naghintay na makita ang mga iniidolo nilang artista.
@pepalerts Kay Jak Roberto pa rin uuwi si Barbie Forteza! Spotted after the GMA Gala Night! #PEPNews #GMAGala2023 #PEPAtGMAGala2013 #EntertainmentNewsPH #NewsPH ? Youth cover by Chenle Jisung NCT Dream - ruru'smom
5. JOSHUA GARCIA MEETS BARBIE FORTEZA
Nakunan din ng PEP.ph ang eksenang pagkikita ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia at Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Magkasunod sila sa pila sa holding area bago rumampa sa red carpet.
Read: Barbie Forteza thanks Joshua Garcia for choosing her as Best Dressed celeb at GMA Gala 2023
Nang magkaharap sila ay lumapit si Joshua kay Barbie para bumati at bumeso.
Ang nakangiting pag-welcome ni Barbie kay Joshua, "Hi! Thank you for coming!"
Sandali lang ang chance encounter ng dalawa, pero tuwang-tuwa ang netizens na humihirit na tila si Barbie raw ang may papiging dahil sa tinuran nitong "Thank you for coming!"
Komento pa ng isang netizen, "When Klay ni Fidel meets Brian ni Narda!"
Dating magkatapat sa primetime block ang Maria Clara at Ibarra at Darna, ang shows na pinagbidahan nina Barbie at Joshua, respectively.
Hirit pa ng ibang fans, tila may chemistry ang dalawa at baka posibleng magsama sa isang proyekto.
@pepalerts @JOSHUA GARCIA meets @Barbie Forteza #NewsPH #EntertainmentNewsPH #GMAGala2023 #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGMAGala2023 ? original sound - PEP.ph
6. PEP KISS CHALLENGE WITH CELEBrity couples
Patok din sa TikTok ang kiss challenge ng PEP.ph sa celebrity couples na dumalo sa GMA Gala 2023.
Ilan sa couples na game na sumalang sa challenge ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, Bea Alonzo at Dominic Roque, at Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
Sweet din ang kiss challenge nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Gabbi Garcia at Khalil Ramos, pati na ang Magandang Dilag co-stars na sina Herlene Budol at Rob Gomez.
@pepalerts #DennisTrillo and #JennylynMercado at the #GMAGala2023 #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGMAGala2023 #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? Bad beach poosie - Jennie Froggie????
Read: Viral: Power couples DongYan, DenJen, BeaDom cross paths at GMA Gala 2023
7. VICE GANDA FINALLY MEETS BITOY
Nito lang buwan ng Hulyo ay naiulat sa PEP.ph ang wish ni Michael V., aka Bitoy, na one of these days ay maging guest si Vice Ganda sa Kapuso sketch comedy show na BBLGANG.
Nagkrus naman ang landas ng dalawang iconic comedians sa GMA Gala 2023.
Base sa IG post ng It's Showtime, kasama nina Vice at Michael V sa photo-op ang misis ni Michael V na si Carol at isa pang It's Showtime host na si Anne Curtis.
"Showtime fam with Kapuso fam," sabi sa caption ng post.

Read: Beauty Gonzalez on her centuries-old jewelry at the GMA Gala 2023: "It's priceless!"
8. VHONG NAVARRO MEETS ALDEN RICHARDS
Nagkita rin sa Ball ang Kapamilya star na si Vhong Navarro at Kapuso actor na si Alden Richards.

Nagkaroon sila ng chance encounter sa lounge area bago bumapasok sa loob ng ballroom.
Kamakailan lang din naiulat sa PEP.ph ang wish ni Vhong na sana ay si Alden ang sumunod na Kapuso star na maging guest sa It's Showtime.

9. JASMINE CURTIS-SMITH'S "BANGUS VIBE"
Kuwela ang description ni Jasmine Curtis-Smith sa kanyang sexy form-fitting gown by Michael Leyva.
Nang sumalang si Jasmine sa livestream ng GMA booth, tinanong siya ng host na si Rain Matienzo, "Is this a wet-look vibe that we're going for?"
Pabirong sagot ni Jasmine, "It's a bangus vibe. But it's a sosyal na bangus, di ba?"
Agad na sang-ayon ng isa pang host na si Martin Javier, "It is!"

10. Myrtle Sarrosa's kabogera gown
Noong nasa holding area pa lang ang mga artista, ang Reina Hispanoamericana 2017 na si Winwyn Marquez ang kapansin-pansing may long trail ang suot na gown na idinisenyo ni Mark Bumgarner.
Pero maya-maya pa ay dumating ang kabogera na si Myrtle Sarrosa na nakasuot ng white gown na may luminous effect dahil mayroon itong fiber optic lights na totoong umiilaw.
Todo haba ang trail ng ball gown ni Myrtle kaya tila kailangan ng strategy para makalakad sa venue.
Nakaharang sa dadaanan ni Myrtle ang trail ng gown ni Winwyn, na noo'y nakatalikod at may kausap kaya hindi napansing may dadaan sa tabi niya.
Tila nagmamadali naman si Myrtle na hinakbangan na lang ang trail ni Winwyn para makadaan papunta ng red-carpet area.
Nadaanan din ng trail ni Myrtle ang laylayan ng gown ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, na napalingon nang madaanan ang gown niya.
@pepalerts Kabogera naman ang pa-long gown ni ate mo @myrtlegail #GMAGala2023 #NewsPH #EntertainmentNewsPH #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGala2023 ? original sound - PEP.ph
