Viral ang kilig overload at good vibes nang magsama-sama ang tatlong power couples sa GMA Gala 2023!
Bago pa sumalang sa red carpet ay nagkrus ang landas nina Dingdong Dantes at Marian Rivera (DongYan), Dennis Trillo at Jennylyn Mercado (DenJen), at Bea Alonzo at Dominic Roque (BeaDom).
Ginanap ang okasyon sa grand ballroom ng Manila Marriott Hotel noong Sabado ng gabi, July 22, 2023.
Nasa holding area pa lang sila nang unang magkita sina Dingdong, Marian, Bea, at Dominic.
Matagal nang magkaibigan sina Dingdong at Dominic dahil pareho silang bahagi ng grupong Euromonkeys, na kinabibilangan ng celebs at non-showbiz Ducati drivers.
Makikitang masayang nagtsitsikahan sina Bea at Marian nang dumating naman sina Dennis at Jennylyn.
Lubos ang tuwa ni Marian nang makita si Jennylyn, na kamakailan lang nagbalik-trabaho matapos ang maternal leave nito.
Makikitang nagbeso sina Jennylyn at Marian, habang masayang bumati naman si Bea kay Dennis.
Magkatambal sina Bea at Dennis sa upcoming teleserye na Love Before Sunrise, isang collab sa pagitan ng Viu at GMA Network.
Nag-congratulate naman si Jennylyn kina Dominic at Bea na newly engaged couple.
Sabi ni Bea, "Hindi ko pa nga napoproseso kasi parang two days ago pa lang..."
Tuwang-tuwa rin si Dingdong na makita si Dennis na huling nagkatrabaho sa aktingan sa defunct Kapuso prime-time series na Cain at Abel (2018).
Sabi ni Dingdong kay Dennis, "Follower mo ako sa TikTok. The best!"
Nangingiting dagdag ni Marian, "Kung anu-anong kalokohan pinaglalalagay mo."
"Oo nga, e!" natatawang sagot ni Dennis.
Sa TikTok nailalabas ni Dennis ang pagiging kuwela niya sa likod ng camera, na malayo sa karaniwang serious roles na ginagampanan niya sa pelikula at telebisyon.
Nakipag-shake hands din si Dominic kay Dennis, "What's up, bro? How are you?"
Maririnig na nag-congratulate din si Dennis sa engagement nina Dominic at Bea, na masayang tinanggap ito ng couple.
Sa comments section, marami ang nagsabing ang sarap panoorin ang interaction ng tatlong power couples in one frame!
Kita at ramdam ang excitement nilang lahat na magka-bonding kahit sandali lamang.
@pepalerts What a sight ? power couples #DongYan #DenJen and #BeaDom greet each other at the #GMAGala2023 #PEPatGMAGala2023 #SummitAtGMAGala2023 #PEPNews #NewsPH #EntertainmentNewsPH ? original sound - PEP.ph
