Mainit pa ring pinag-uusapan ang GMA Gala 2023 na ginanap sa Marriott Hotel sa Pasay City, Sabado ng gabi, July 22, 2023.
Maituturing na historic ang okasyon sa dahilang dumalo rin ang ilang personalities na identified sa ABS-CBN, ang dating fierce rival ng GMA Network na siyang host ng nasabing event.
Read: Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, other surprise arrivals at GMA Gala 2023
Pinatunayan ng GMA Gala 2023 na tapos na ang so-called "network war" sa pagitan ng dalawang higanteng istasyon.
Taong 2020 nang i-deny ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN, meaning hindi na ito puwedeng mag-operate bilang television at radio network gamit ang sarili nitong broadcast equipment, facilities, at resources.
Read: Congress junks ABS-CBN franchise renewal
Read: Who are the 70 solons who voted to kill ABS-CBN appeal for franchise renewal?
Hindi naman nagpatinag ang ABS-CBN at ngayon ay patuloy pa ring nagpu-produce ng mga programang napapanood sa mga social media platform at pakikipag-partner sa existing TV networks katulad ng TV5 at GMA Network.
Ilang proyekto at content partnership na rin ang isinakatuparan between ABS-CBN at GMA, kabilang ang Unbreak My Heart na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabbi Garcia, at Richard Yap.
IT'S SHOWTIME MEETS EAT BULAGA!
Isa sa mga larawang pumukaw ng atensiyon ng netizens ngayong araw, July 23, 2023, ay kuha na kung saan makikitang magkakasama sa isang frame ang hosts ng It's Showtime at rival nootime show nitong Eat Bulaga!.
Ang It's Showtime ay produksiyon ng ABS-CBN na ngayon ay napapanood sa GTV, ang subsidiary channel ng GMA Network.
Ang Eat Bulaga! naman ay under TAPE Inc. at umeere sa GMA-7, and flagship channel ng GMA Network, mula pa noong 1995.
Longest-running noontime show ng bansa ang Eat Bulaga! na sa kasalukuyan ay dumaraan sa rebuilding stage matapos lisanin ng main hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, o TVJ, at mainstays, ang program.
Related Stories:
- TVJ's new show on TV5 is called "E.A.T."; TVJ yet to reclaim Eat Bulaga! name
- 'Eat Bulaga!' relaxed amid battle of noontime shows
- 'Eat Bulaga!' most memorable segments throughout the years
Nasa pambihirang sitwasyon ang Eat Bulaga! at It's Showtime.
Sa isang banda ay magkatunggali ang dalawang programa dahil pareho sila ng format at timeslot.
Subalit masasabi ring magkapamilya ang Eat Bulaga! at It's Showtime dahil iisa lamang ang may-ari ng kanilang respective home networks.
Kagabi sa GMA Gala 2023 ay tila nangibabaw ang pagiging magkapamilya nila dahil masayang nakihalubilo ang mga bumubuo ng dalawang noontime shows.
Watch: Mayor Isko Moreno when he sees It's Showtime hosts: "Gusto mo piktyuran pa, e!"

Sa mga larawang kuha ay makikita sina Vice Ganda, Anne Curtis, at Vhong Navarro ng It's Showtime na kasama ang TAPE Inc. executives sa pangunguna ng magkapatid na Romeo "Jon-Jon" Jalosjos Jr. at Seth Frederick "Bullet" Jalosjos.

May mga larawan si Vice na kasama rin ang hosts ng Eat Bulaga! na si dating Manila Mayor Isko Moreno at komedyanteng sina Chariz Solomon at Buboy Villar.

Naka-share ang mga larawan sa Facebook account ni Marjorie Jalosjos, asawa ni Jon-Jon at dating Department of Interior and Local Government (DILG) undersecretary.

Noong debut ng It's Showtime sa GTV nung July 1, 2023, ay binati at binigyang pugay ito on live television ni Paolo Contis ng Eat Bulaga!
Read: 'It’s Showtime' gives its all in GTV premiere
Sabi ni Paolo, "Iwe-welcome ko na rin ang isa pang nagbibigay-saya. Mas nauna to sa amin pagdating sa mga hosting, pero ngayon kapitbahay na natin sila.
"Sa It's Showtime, welcome... Dahil ngayon kapitbahay na namin kayo, masaya kami na matatawag na namin kayong Kapuso."