PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maine Mendoza gets emotional in bridal shower on 'E.A.T.'

“Alam kong masaya kayo para sa tatahakin kong journey as a wife.”
Text by KC Cordero Text by Erwin Santiago
Published Jul 22, 2023
maine mendoza bridal shoer
Maine Mendoza to legit Dabarkads: "Alam ko po na masayang-masaya po kayo para sa akin at mahal na mahal niyo po ako, at ramdam na ramdam ko po yun. Thank you po. Maraming salamat."
PHOTO/S: TVJ YouTube

Napuno ng iyakan at tawanan ang inihandang bridal shower ng TV5 noontime show na E.A.T. para sa kanilang Dabarkads na si Maine Mendoza.

Si Maine ay ikakasal na sa aktor at Quezon City representative na si Arjo Atayde.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged

Sa pagsisimula ng E.A.T. nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, kasama ang legit Dabarkads ngayong Sabado, July 22, 2023, habang sumasayaw sa saliw ng "I’m So Excited" ay sinabi ni Ryzza Mae Dizon, aka Miss Tapsi, na sarado muna ngayon ang kanyang eatery dahil may bridal shower.

Tanong ni Allan K, “Sino ba talaga ang may bridal shower?”

Sagot ni Miss Tapsi, “Sino ba rito ang single lady?”

“Si Miles [Ocampo],” hirit ni Joey.

“Ngeee!” reaksiyon naman ni Miles.

Read: Alden Richards on soon-to-be bride Maine Mendoza: "Yung naibibigay ni Arjo sa kanya is yung talagang love na deserve niya."

The Dabarkads

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ninyo alam kung sino ang single lady?” tanong ni Miss Tapsi.

Biro ni Tito, “Alam ko na, Miss Tapsi. Ikaw pala ang may bridal shower. Binola mo lang kami.”

Sagot naman ni Miss Tapsi, “Hindi! Gusto ko lang talagang sumayaw pero hindi ako ang bride.”

Tanong ni Vic, “E sino nga?”

Deklara ni Miles, “Guys, Bossing, I’m taken but not me.”

Read: Alden Richards message to Maine Mendoza: "Hindi ako masyadong naging vocal about this..."

Sinayawan si Ice Seguera ng dancers, pero sabi niya habang ipinapakita ang kanyang phone na may photo nila ni Liza Diño, “Guys, kasal na ako. Ayan ang pruweba.

“Saka hindi bagay sa akin yung single lady, ha? Hello!”

Napagdiskitahan din ng dancers si Allan K, pero anito, “Ah, excuse me. I’m not singgol [single]. I’m taken.”

Biro pa nito, “Taken for granted.”

Kaya hirit ni Bossing Vic habang itinuturo si Allan K, “Hindi ito? E, sino nga?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: AlDub turns 8: Eight fun facts about the phenomenal love team

Dito na nag-anunsiyo si Miss Tapsi. “Eto na talaga! Ang the bride-to-be... Main Cute”

At ipinakita sa screen ang larawan ni Maine, at pagkatapos ay makikita siyang sumasayaw sa hall ng studio.

Sinabayan siya ng dancers sa saliw pa rin ng "Single Ladies (Put A Ring On It)" ni Beyoncé.

Ipinakita pa ni Maine sa viewers ang kanyang suot na engagement ring.

Bago tuluyang pumasok sa studio ay hinagisan siya ng dancers ng red petals.

Pagkapasok ay nilagyan siya ng headband at sash na may nakalagay na "Bride to be" at pagkatapos ay pinaupo sa magarang silya na may mga palamuti.

Photo of Maine Mendoza

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Alden Richards, may mensahe sa avid AlDub fans na ayaw pa ring bumitaw sa love team nila ni Maine Mendoza

Nagbiro pa si Maine at kunwari ay sa sahig mauupo, pero pinigilan siya ng Dabarkads at sa silya pinaupo.

Ani Miss Tapsi, “Hayan na ang bride reveal, si Maine Cute. Bridal shower ng aking suki na soon to be ay magiging misis na.”

Hirit ni Ice, mukhang pinaghandaan talaga ng Dabarkads ang bridal shower ni Maine.

Biro naman ng bride-to-be, “Puwede bang dito na rin ang reception?”

Habang nakaupo ay kinantahan si Maine ni Joey Generoso ng "Got To Believe In Magic."

Sumunod si Carren Eistrup na kumanta ng "Sway."

Napaiyak naman si Maine nang kantahan ni Ice ng Yellow.

Read: Maine Mendoza denies TV Special for wedding with Arjo Atayde

Maine Mendoza being serenaded

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Maraming salamat, Miss Tapsi, couz Joey, Ice and Carren.

“Thank you Ninong Vic, Ninong Tito, Ninong Joey. Maraming salamat din dun sa mga Dabarkads na nandito ngayon.

“Alam kong masaya kayo para sa tatahakin kong journey as a wife—wow, wife era. Thank you, thank you!”

VIDEO MESSAGE FROM LEGIT DABARKADS

Mas lalong naging emosyunal ang mga eksena sa huling bahagi ng E.A.T., kung saan isa-isang nagbigay ng mensahe ang legit Dabarkads kay Maine matapos bigyan ng regalo si Maine—mula sa daster, kawali, kulambo, at kung anu-ano pa.

Kabilang sa mga bumati kay Maine ay si Maja Salvador, na malapit na ring ikasal kay Rambo Nuñez.

Read: Maja Salvador at Rambo Nuñez, kumpirmadong ikakasal sa July 2023

maine mendoza bridal shower

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang special video message ay ipinarating ng legit Dabarkads ang kanilang saloobin tungkol sa bagong yugto sa buhay ni Maine.

Kalakip nito ang mga larawan ng mga kaganapan sa buhay ni Maine mula pagkabata hanggang maging bahagi siya ng Eat Bulaga! noong 2015, at ngayong ikakasal na siya.

Mensahe ng TVJ sa ngalan ng Dabarkads:

"Dear Maine,

"Sino ang mag-aakala na ang batang lumaki sa Sta. Maria, Bulacan ay dadalhin pala sa daang hindi niya inaasahan na nag-aabang sa kanya?

"Sino ang mag-aakala na ang simpleng Yaya na una naming kilala ay puno pala ng sorpresa at galing na talaga namang kahanga-hanga?

"Sino ang mag-aakala na ang iyong ngiti ay magbubukas ng kuwentong magpapasaya sa mundo?

"Minsan mong sinabing hindi ka prepared sa mga nangyari, hindi ka na-orient. Pero handa ang tadhana para sa yo.

"Dinala ka nito kung saan ka nararapat. Hindi naging madali. Hindi laging malinaw ang daan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero sa gitna ng lahat, natagpuan mo kung sino ka at kung sinong para sa 'yo.

"Sa pagkakataong ito, alam naming ready ka na sa pinapangarap mong kuwentong iyong-iyo.

"Handa ka na sa simula ng iyong habang panahon.

"Best wishes mula sa aming lahat, ang Dabarkads mo. 1-4-3-4-4."

Bumuhos ang luha ni Maine at maging ang legit Dabarkads pagkatapos nito.

maine mendoza bridal shows

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pang naiyak si Maine nang siya naman ang magbigay ng mensahe.

Saad niya habang humihikbi, "Kukunin ko lang po itong pagkakataon na ito, gusto ko pong mag-thank sa inyong lahat—Bossing, Boss Joey, Tito Sen, Ma'am Allan, Ice, mga Dabarkads.

"Kasi, sobrang blessed ko na dito ako dinala ng Lord, parang hanggang ngayon hindi pa rin po ako makapaniwala na nandito po ako, na deserving po ako maging Dabarkads.

"Pero sa araw-araw po na kasama ko kayo, lagi po niyong ipinaparamdam sa akin na parte po ako dito. Maraming salamat po.

"Alam ko po na masayang-masaya po kayo para sa akin at mahal na mahal niyo po ako, at ramdam na ramdam ko po yun. Thank you po. Maraming salamat.

maine mendoza bridal shower

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahabol na mensahe ni Tito, "Maine, ang wish namin sa iyo, happiness and love sa bago mong tatahakin sa buhay.

"Alam naming habang buhay magiging espesyal sa yo si Yaya Dub, pero ngayon dun muna tayo sa pagpapatuloy ng iyong kuwento.

"Nandito pa rin kami para samahan ka sa bagong chapter ng iyong buhay."

Inihabilin naman ni Vic si Maine kay Arjo, "Ikaw muna ang bahala kay Maine... Cong., alagaan mong mabuti ang Dabarkads namin."

Hindi rin napigilan ni Joey ang kanyang mga luha nang magbigay muli ng mensahe kay Maine, "Kahit anuman ang mangyari, mahal ka namin. 1-4-3-4-4. Love you."

Sigaw ng lahat sa huli: "Mabuhay ang ikakasal!"

Read: Arjo Atayde officially asks Maine Mendoza's parents for her hand in marriage

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza to legit Dabarkads: "Alam ko po na masayang-masaya po kayo para sa akin at mahal na mahal niyo po ako, at ramdam na ramdam ko po yun. Thank you po. Maraming salamat."
PHOTO/S: TVJ YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results