Sa himpilan ng pulisya ang bagsak ng isang rider sa Davao City dahil sa kanyang mapangahas na exhibition habang minamaneho ang isang motorsiklo.
Nang matukoy at mahuli ang rider, napag-alamang patung-patong pala ang mga paglabag na kanyang ginawa.
Ang video ay ipinost sa Facebook page ng Davao Idiot Drivers nitong July 17, 2023.
Kita sa video ang mga delikadong stunts na ginawa ng rider habang binabagtas ang Davao City Coastal Road.
Habang umaandar ang motorsiklo ay dumadapa pa ito sa motorcycle seat, at animo ay lumilipad.
Bukod sa stunts, kita rin ang pagpapatakbo niya nang matulin at pag-o-overtake ng mga sasakyan.
Binansagan ng Davao Idiot Drivers ang rider na “Superman rider.”
Read: Expectation vs reality? Netizens on photos of Ibong Adarna: “Hindi naman pala kagandahan”

Ang mapangahas na stunt na ginawa ng rider sa Davao City
Read: Lola, ni-landing ang eroplano matapos magka-medical emergency ang piloto
Kung panonoorin ding mabuti ay may mga pagkakataong tinanggal ng rider ang mga kamay sa manibela.
Gamit ang video, natukoy ng Davao Idiot Drivers ang plate number ng rider at ipinost sa comments section.
Sumagot naman dito ang traffic enforcers unit ng lugar, at sinabing kikilos sila para tukuyin ang salarin.
Ulat ng ABS-CBN News, natukoy ang 20 anyos na lalaki at hinuli ng mga tauhan ng City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) noong Martes, July 18, 2023.
Nang madakip ang lalaki ay napag-alamang wala pala itong driver’s license, expired na ang rehistro ng motorsiklo na hiniram pala sa katrabaho.
Read: 17-anyos na dalagita, nag-vandalize sa Colosseum; dinala sa presinto kasama mga magulang
Nasa kustodya ng Ecoland Police Station ang rider, at na-impound ang hiniram nitong motorsiklo.
Sinabi naman ni CTTMO Head at Retired Col. Dionisio Abude sa GMA News, “Kinasuhan na ng Ecoland Police Station ng kasong alarm and scandal sa ating tanggapan para sa violation ng traffic rules.
Dagdag pa rito ang walang driver’s license, expired OR/CR, wearing of slippers, at unprescribed helmet.
Dugtong ng mga awtoridad, napakadelikado ang ginawa ng rider hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga kapwa motorista.
