PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina feels surreal hosting dream lifestyle show

Ara Mina: "Di pa rin ako makapaniwala na may sarili na akong show."
by Arniel C. Serato
Published Jul 19, 2023
Ara Mina reacts to positive feedbacks from viewers of her new TV show
Ara Mina on positive feedbacks on her lifestyle show Magandang ARAw: "Super thankful ako sa mga pumuri. Pero magtatrabaho pa ako nang husto para mapaganda pa lalo ang show. Maraming salamat po ulit sa mga nanonood ngayong Sabado.”
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photography

Maluha-luhang nagkuwento si Ara Mina tungkol sa sayang naramdaman niya habang pinapanood ang sarili sa free TV noong Sabado, July 15, 2023.

Iyon ang araw na nag-pilot episode ang kanyang dream lifestyle show na Magandang ARAw sa NET25.

Kuwento ni Ara sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), habang kasalukuyang umeere ang kanyang TV show, “Very surreal, di pa rin ako makapaniwala na may sarili na akong show na matagal ko nang gustong gawin.

“Siyempre habang nanonood ako, busy rin ako sa pagbasa ng mga comments sa online, at nakakatuwa lahat sila puro positive ang comments.”

Positibo naman daw ang dating ng show ni Ara kung saan ang pilot guest niya ay ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Aniya, “Super thankful ako sa mga pumuri. Pero magtatrabaho pa ako nang husto para mapaganda pa lalo ang show. Maraming salamat po ulit sa mga nanonood ngayong Sabado.”

Hindi lang host si Ara sa show kundi over-all-in-charge of production din. Kaya kahit pagku-contact ng guest ay siya na minsan ang gumagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Bilang over-all-in-charge sa production, nai-enjoy ko naman ang ginagawa ko, natsa-challenge ako.

“Advantage din is nakakapag-reconnect ka ulit sa mga kaibigan. Di pala madali bumuo ng isang TV show, dati kasi artista lang ako, pupunta na lang sa set.

“Ang dami kong natutunan kahit matagal na ko sa industry.”

Si Piolo ulit ang guest sa second episode ng Magandang ARAw dahil hindi raw magkasya sa isang oras ang kuwentuhan, exercise, at planting activities nila sa bahay ng aktor sa Batangas.

Pero pangako ni Ara, “Marami akong isi-share dito sa show. Marami tayong kaibigan na magpapaunlak at mag-share din ng good vibes.

“May mga trivia, may tips sa negosyo, beauty, health and wellness. May mga recipes din akong isi-share at ang ating mga magiging bisita at marami pang iba.”

Malaki ang pasasalamat ni Ara na sa loob ng tatlong dekada niya sa showbiz, ang NET25 lamang ang sumugal sa kanya bilang TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Sobrang pasalamat ko sa NET25 for believing in me, for trusting me para buuin itong show ng Magandang ARAw.

“Aalagaan ko itong programa na ito para lumabas na maganda at makubuluhan ang show na ito para sa ating mga netizens.”

Mapapanood ang Magandang ARAw sa NET25 tuwing Sabado, 3 to 4 p.m.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on positive feedbacks on her lifestyle show Magandang ARAw: "Super thankful ako sa mga pumuri. Pero magtatrabaho pa ako nang husto para mapaganda pa lalo ang show. Maraming salamat po ulit sa mga nanonood ngayong Sabado.”
PHOTO/S: Courtesy: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results