Nabalitang nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Bea Alonzo at Alden Richards habang ginagawa pa nila noon ang kanilang teleserye na Start-Up PH.
Pero sa bagong programa ng GMA -7, ang Battle of the Judges, muling magsasama ang dalawa.
Si Bea ay isa sa mga judges, habang si Alden naman ang host ng show.
Read: Mga hurado sa Battle of the Judges, walang pikunan, walang personalan
Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea si ginanap na mediacon ng Battle of the Judges sa GMA Studio, tinanong namin siya tungkol kay Alden.
Dahil magkasama silang muli, ibig bang sabihin nito ay okay sila?
“Oo naman, obvious ba?” nakangiting sagot niya.
At saka niya ibinalik ang tanong sa amin: “Ano ba ang narinig mo?”
Ang sagot namin kay Bea: “Hindi raw kayo okay. May something daw. Lalo na at hindi nga natuloy ang pagtatambal niyo sa pelikula na Special Memory."
Read:
- Bea Alonzo and Alden Richards clarify rumored rift after doing 'Start-Up PH'
- Pelikula nina Bea Alonzo at Alden Richards, hindi na tuloy
Sa unang pagkakataon, sinagot naman ni Bea ang isyung ito.
Ayon sa aktres, “Alam mo, sa totoo lang, in any working relationship naman, lalo na bago lang ako sa GMA…
“Iba ang background ko, iba ang background niya, hindi maiiwasan na may mga hindi kayo pagkakaintindihan. May conflict minsan. And I’m going to be honest about it.
“Hindi naman kami palaging completely okay. Ang plastic ko kung sasabihin ko yun. Pero, siyempre, there are things…
“We’re both mature people. And there are things that you can surpass.
“And alam mo, ang ikli-ikli ng buhay para saan mo pa ii-stress ang sarili mo?
“And, you know, hindi naman siya masamang tao. Hindi rin naman ako masamang tao. There are things na, siguro meron kaming hindi pagkakaintindihan, pero yun ang buhay, e, di ba?”
Marami ang natuwang entertainment press sa panayam na ito kay Bea dahil naging honest siya tungkol sa isyu.
BEA CONFIRMS BACKING OUT OF VIVA MOVIE PROJECT
At ngayon ngang magkasama na naman sila ni Alden sa Battle of the Judges na mapapanood na ngayong Sabado, July 15, 7:15 p.m., posible rin bang matuloy pa rin ang pagtatambal nila sa pelikula?
“Yung sa pelikula sa VIVA, alam mo kasi, matagal na kasing dapat natuloy yun,” saad niya.
“Ang problema, nadelay-delay lang yata sila. I don’t know for whatever reason, but we have been waiting for the project. Ang problema, na-delay, then, natuloy na ang Start-Up PH.
“E, medyo matagal naming ginawa ang Start-Up dahil siyempre, yung Korean… kailangan ipapa-approve pa.
“Then, after that, may mga ginawa pa akong ibang bagay. Hanggang sa natuloy na itong Love Before Sunrise. Hanggang sa gusto na nilang mag-umpisa, ang problema, hindi na ako available.
“Kasi, I have a contractual obligation to GMA and alam nila from the very beginning that GMA is my priority. Kasi I have to fulfill the contract. Siyempre, hindi na yata sila makapaghintay, and I totally understand that. Kesa naman mapanis yung project nila.
“Ako, I’m all good at palagi ko ngang sinasabi, kung para sa iyo, para sa iyo. Hindi talaga yun lalagpas.”
