Final na pala talaga na hindi na magagawa ni Bea Alonzo ang dapat sana ay unang project nila ni Alden Richards.
Ito ay ang Philippine adaptation ng South Korean hit movie na A Moment to Remember, na mas naunang in-announce ng VIVA Films noong March 2021, bago nakumpirma noong August 2021 ang TV project ng dalawa sa GMA-7 na Start-Up PH.
Read:
- It's all set: Bea Alonzo, Alden Richards ink contracts for upcoming film
- Bea Alonzo on her upcoming Kapuso projects: “After my movie with Alden, I might start the soap already.”
- Tambalang Bea Alonzo-Alden Richards sa GMA-7, kasado na
Saad ni Bea, “As far as I’m concerned, although parang nasabi yata nila kay SK, before nila ini-announce na somebody is doing it.”
Ang tinutukoy niyang SK ay ang kanyang manager na si Shirley Kuan.
Narinig naman daw ni Bea na may ibang artista nang napipisil gumanap sa dapat sana ay karakter niya. Yun nga lang, ang sinasabi ngayong ipapalit sa kanya ay si Julia Barretto.
Alam ng karamihan ang naging isyu sa pagitan ng dalawang stars dahil kay Gerald Anderson, ang ex-bf ni Bea at present bf ni Julia.
At may nagsasabi pang diumano’y sinadya raw na kay Julia ito ibigay.
Ano ang reaction ni Bea dito?
Sagot ng 35-year-old actress, “Alam mo, kung ano mang rason, kung sinadya man o hindi, wala na ako roon, kasi wala na ako sa proyekto. Nasa sa kanila na yun.”
Ano ang magiging damdamin niya kung totoo nga?
“Wala naman akong... eto, ang totoo, dahil wala na ako sa project, ayoko rin bigyan ng kahit na anong meaning.
“Unang-una, wala na ako sa project at wala na rin ako sa relasyon na yun. Matagal na… matagal na tayong naka-move on lahat.
“Siguro, parang hindi na karapat-dapat na pag-usapan pa. At yun nga, paulit-ulit kong sasabihin, everything that’s meant for me will not pass me by and what’s meant for me will find its way.
“So, that goes with projects as well, and in love,” diin niya.
BEA ADMITS SHE CAN’T SURVIVE WITHOUT HER MANAGER
Sa isang banda, biniro ng press si Bea na dahil sa passionate siya tungkol sa kanyang mga artists at talents, bilang isang judge ng Battle of the Judges, hindi kaya dumating ang araw na biglang iwan niya ang manager at siya na mismo ang mag-manage ng kanyang career?
Natatawa niyang pag-amin, “Parang hindi ko kaya. Parang hindi ko kaya. Alam niyo kung bakit? Ngayon, mas naa-appreciate ko si SK. Mahirap pala.”
“Mahirap palang mag-manage. At saka, alam niyo, hindi lang pala financially mo sila susuportahan. Hindi naman lahat, actually, kung makapagsalita naman ako. Konti lang naman ang itinutulong ko. Hindi naman ganun kalaki.
“Pero, bukod doon, bukod sa sinusuportahan mo sila on telling them what to do, alam mo kung ano ang pinaka-ano doon? Kailangan nandoon ka rin emotionally for them. You should always be emotionally available for them.”
Ginawa pang halimbawa ni Bea ang singer na si Jay-R Siaboc.
Aniya, “Halimbawa, meron kang contestant, si Jay-R Siaboc na nanalo na noon sa isang contest, may hit song na. Siyempre, ang dami niyang ginawang wrong choices sa buhay niya. Ngayon, wala siyang confidence.
“Doon ako papasok, to give him confidence. Ipe-pep talk mo. Doon ako papasok, ang pagiging mentor and coach mo, you’ll give them the confidence that they need. So, hindi siya madaling trabaho pala. Ang hirap palang maging manager.”
Sabay biro niya na natatawa, “SK, sige na nga, tataasan na natin ang cut mo. Charot lang! Joke lang!”
