Nagpakatotoo si Alden Richards sa sagot nito nang tanungin kung naranasan ba niyang maging mayabang dahil sa kasikatan na kanyang tinatamasa.
Sinabi ni Alden na magiging ipokrito siya kung sasabihin niyang hindi dahil minsan sa isang panahon, nagbago ang kanyang ugali. Pero natauhan daw siya.
“I would be a hypocrite if I’ve said no. At one point, of course, lahat po tayo nae-experience yan.
“Siguro po during the first part of my career, maybe somewhere along the way, my mid-year.
"Yung kung gaano po katagal yung kalagitnaan nun at some point, pero yes,” sagot ni Alden sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes ng hapon, July 14, 2023.
“Paano mo tinapik ang sarili?” sumunod na tanong sa kanya ni Boy Abunda.
Sagot ni Alden, “Na-realize ko po yon nung pati mga taong malalapit sa akin, naaapektuhan.
“Na parang these people, sila dapat yung huling magrereklamo sa yo. And then, yun, parang it hit me na baka nga ganoon na.”
Hindi itinanggi ni Alden na maraming tao sa buhay niya ang harapang nagsabi sa kanya noon na yumayabang na siya.
ALDEN ON LOVE
Tinanong din siya tungkol sa nalalaman niya sa pag-ibig.
Pahayag ng Kapuso actor tungkol dito, “I think all are looking for it.
"Iba-ibang klase ang love. Iba-ibang sensation siya.
"Puwedeng pisikal, puwede siyang emosyonal, puwede siyang mental or kung anuman.
“Sometimes, love makes us do irrational things. Parang, when you’re in love, parang sky is the limit.”
Sa pagkakatanda ni Alden, dalawa o tatlong beses na nitong nasubukan "sky is the limit" na uri ng pagmamahal at naranasan na rin niyang umiyak. Pero nananatili ang kanyang pagiging pribado pagdating sa pag-ibig.
Paliwanag niya, “Parang yun na lang ang puwede kong i-protect, e. I think that’s the only thing na I can save to keep my identity and for my sanity as well.
“Kasi kinakalkal po every day, but mabait naman po yung mga press people natin. Napapakiusapan naman po sila at one point and, kumbaga, 'Huwag ninyo na pong tanungin, boring po yung love life ko...'"
Sunod na tanong ni Boy, "Paano mo ipaliliwanag sa mahal mo na natatago ka because of who I am?"
"Straight to the point po," sagot ni Alden.
"That’s a very difficult question to answer actually, but I always put it in this perspective po na sometimes, if I am put in that kind of situation, maybe it’s not yet the right time.
"So I wouldn’t say that my career is always right but maybe it’s not yet the right time for love, para po sa akin.”
Naghahanap ba siya ngayon ng pag-ibig?
“Wala! Dumating po ako sa stage na yan na naghahanap and, I think, during those times na naghahanap ka, dun madalas yung hindi.
"So ngayon, i-try nating huwag. Baka may dumating.
"Right now, okay naman po ako."
"Pero may nililigawan ka?" sundot na tanong ni Boy.
Tugon ni Aden, “Right now, nobody. Nothing serious. Wala pa po.”
Bumisita si Alden sa Fast Talk with Boy Abunda sa pangalawang pagkakataon para ipaalaala sa publiko na simula bukas, July 15, 7:15 p.m., mag-uumpisa nang mapanood sa GMA-7 ang reality talent show na Battle of the Judges.
Si Alden ang host ng programa at mga hurado naman sina Boy, Annette Gozon-Valdes, Jose Manalo. at Bea Alonzo.